Tagalog Christian Music Video | "Nagnanais ang Diyos na ang Lahat ay Magawang Perpekto"

Mayo 14, 2023

I

Lahat ng payag magawang perpekto,

tapat at masunurin sa Diyos,

tapat na tumutupad sa tungkulin—

sila'y magagawang perpekto.

Ayaw ng Diyos na pabayaan o palayasin ang sinuman sa inyo.

Ngunit kung 'di mabuting nagsusumikap,

sisirain mo lang 'yong sarili.

Ikaw, 'di Diyos ang nag-aalis sa'yo.

Nais ng Diyos ang bawat tao

ay Kanyang matamo sa huli,

Kanyang lubos na malinis.

Nais Niyang gawing perpekto'ng lahat

at maging mga taong mahal Niya,

at maging mga taong mahal Niya.

II

Totoo 'to 'pag sabi Niya kayo'y mangmang

o 'pag sabi Niya mahina'ng kakayahan niyo.

'Di ibig sabihing kayo'y pababayaan Niya,

pag-asa'y mawala, ayaw kayong iligtas.

Naparito Siya ngayon upang pagliligtas sa inyo'y ipagpatuloy.

Lahat may pagkakataong gawing perpekto.

Maging handa at magpatuloy,

magagawa 'to sa huli; walang pababayaan.

Nais ng Diyos ang bawat tao

ay Kanyang matamo sa huli,

Kanyang lubos na malinis.

Nais Niyang gawing perpekto'ng lahat

at maging mga taong mahal Niya,

at maging mga taong mahal Niya.

III

Nais Niyang lahat ay makahabol,

may gawai't liwanag ng Banal na Espiritu,

na sumunod hanggang sa pinakahuli,

pagka't ito'y tungkuling dapat gawin.

'Pag tungkuli'y nagawa, kayo'y magiging perpekto,

magkakaro'n ng dakilang patotoo.

Pagtalo kay Satanas at pagtamo sa pangako ng Diyos,

kayo'y mananatiling mamuhay sa kaygandang hantungan.

Nais ng Diyos ang bawat tao

ay Kanyang matamo sa huli,

Kanyang lubos na malinis.

Nais Niyang gawing perpekto'ng lahat

at maging mga taong mahal Niya,

at maging mga taong mahal Niya.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin