Christian Dance | "Tahimik na Sinusuportahan at Tinutustusan ng Diyos ang Lahat ng Tao" | Praise Song

Abril 4, 2025

I

Tinutustusan ng Diyos ang mga pangangailangan ng bawat tao

sa lahat ng oras at sa lahat ng lugar,

inoobserbahan ang nagbabagong mga kaisipan ng bawat tao

at sa gayon ay inaaliw at masidhing hinihikayat sila,

at ginagabayan at tinatanglawan sila.

Kahit na paano balewalain ng mga tao ang kaisipan ng Diyos,

paulit-ulit pa rin Niya silang pinangungunahan

paulit-ulit silang tinutustusan at tinutulungan,

upang makasunod sila sa daan ng Diyos

para makamit nila ang magandang hantungan na inihanda Niya para sa kanila.

II

Pagdating sa Diyos, kung anong mayroon at kung ano Siya,

ang biyaya Niya, ang awa Niya, at lahat ng gantimpala Niya,

ay ipagkakaloob nang walang pasubali sa mga nagmamahal at sumusunod sa Kanya.

Ngunit hindi Niya kailanman ibinubunyag sa sinumang tao

ang pasakit na pinagdusahan Niya o kung ano ang nasa isip Niya,

at hindi Siya kailanman nagrereklamo tungkol sa sinumang

hindi nagsasaalang-alang sa Kanya

o hindi sumusubok na maunawaan ang Kanyang mga layunin.

Dinadala lamang Niya ang lahat ng ito nang tahimik,

naghihintay sa araw na mauunawaan ng sangkatauhan.

mula sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin