Christian Dance | "Ang Matuwid na Paghatol ng Diyos ay Hinaharap ang Buong Sansinukob" | Praise Song

Disyembre 23, 2024

I

Dahil ang matuwid na paghatol ay napipinto nang harapin ang buong sansinukob,

natatakot at nangangamba ang lahat ng tao,

dahil sa mundo ng tao, wala pang nakarinig tungkol sa katuwiran.

Kapag nagpakita ang Araw ng katuwiran, magliliwanag ang Silangan,

at pagkatapos ay liliwanagan nito ang buong sansinukob,

na umaabot sa lahat.

Kung talagang maisasagawa ng tao ang Aking katuwiran,

ano ang dapat ikatakot?

Hinihintay ng Aking mga tao ang pagsapit ng araw Ko,

inaasam nilang lahat ang pagdating ng araw Ko.

Hinihintay nila Akong maghiganti sa buong sangkatauhan

at isaayos ang hantungan ng sangkatauhan sa papel Ko bilang Araw ng katuwiran.

Nagkakahugis ang Aking kaharian sa ibabaw ng buong sansinukob,

at sinasakop ng Aking luklukan ang puso ng milyun-milyong tao.

Sa pakikipagtulungan ng mga anghel,

malapit nang magtagumpay ang Aking dakilang gawain.

II

Sabik na hinihintay ng lahat ng Aking mga anak at Aking mga tao ang Aking pagbalik,

inaasam na muli nila Akong makasama,

upang hindi na muling magkahiwalay kailanman.

Paanong hindi magmamadaling magsama-sama at magagalak

ang napakaraming tao ng Aking kaharian dahil makakasama nila Akong muli?

Isa kaya itong muling pagsasama na hindi kailangang tumbasan ng anumang halaga?

Ako ay marangal sa mga mata ng lahat ng tao,

ipinoproklama Ako sa mga salita ng lahat ng tao.

Bukod pa riyan, sa Aking pagbalik, lulupigin Ko ang lahat ng puwersa ng kaaway.

Dumating na ang panahon! Pakikilusin Ko ang Aking gawain,

mamamahala Ako bilang Hari sa gitna ng mga tao!

Pabalik na Ako! At paalis na Ako!

Ito ang inaasam ng lahat, ito ang kanilang nais.

Ipamamalas Ko sa buong sangkatauhan ang pagsapit ng Aking araw,

at sasalubungin nilang lahat ang pagdating ng Aking araw nang may kagalakan!

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 27

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin