Tagalog Christian Music Video|"Ang Basehan ng Diyos para Kondenahin ang mga Tao"

Disyembre 25, 2022

Sa panahong 'di pa nagkatawang-tao'ng Diyos,

ang sukatan kung kumalaban ang tao sa Diyos

ay batay sa kung ang tao'y sumamba't umasa

sa 'di-nakikitang Diyos sa langit.

Ang paraan ng pagtukoy ng pagsalungat sa Diyos sa panahong 'yon

ay 'di ga'nong praktikal,

ang paraan ng pagtukoy ng pagsalungat sa Diyos sa panahong 'yon

ay 'di ga'nong praktikal,

dahil 'di kayang makita ng tao'ng Diyos,

ni alam kung ano ang wangis ng Diyos,

o paano Siya gumawa at magsalita.

Tao ay walang mga kuru-kuro sa Diyos,

at malabong naniwala siya sa Diyos,

dahil 'di pa nagpakita ang Diyos sa tao.

Samakatuwid, pa'no man naniwala'ng tao sa Diyos sa kanyang imahinasyon,

hindi kinondena ng Diyos ang tao

o humingi ng napakarami sa kanya,

dahil tao'y ganap na 'di makita ang Diyos,

dahil tao'y ganap na 'di makita ang Diyos.

'Pag nagiging katawang-tao ang Diyos

at pumaparito upang gumawa kasama ang tao,

lahat ay napagmamasdan Siya't naririnig ang mga salita Niya,

at kita ng lahat ang mga ginagawa ng Diyos mula sa katawang-tao Niya.

Sa sandaling 'yon, lahat ng kuru-kuro ng tao'y nagiging bula.

Yaon namang nakita na ang pagkakatawang-tao ng Diyos,

sila'y 'di kokondenahin kung kusang-loob silang sumunod sa Kanya,

samantalang yaong sadyang naninindigan laban sa Kanya'y

ituturing na kalaban ng Diyos.

Gan'tong mga tao'y anticristo,

mga kaaway na naninindigan laban sa Diyos.

Yaong nagkikimkim ng mga kuru-kuro sa Diyos

ngunit handa pa ring sumunod sa Kanya'y 'di kokondenahin.

Kinokondena ng Diyos ang tao batay sa mga layunin

at mga kilos ng tao,

hindi kailanman sa mga kaisipan at ideya nito.

Kung kokondenahin Niya'ng tao batay sa mga kaisipa't ideya nito,

wala ni isang tao ang makatatakas mula sa galit na mga kamay ng Diyos.

Yaong kusang-loob na naninindigan laban sa nagkatawang-taong Diyos

ay parurusahan sa pagsuway nila.

Ito namang mga taong kusang naninindigan laban sa Diyos,

pagsalungat nila'y bunga ng mga kuru-kuro nila sa Diyos,

na humahantong sa mga pagkilos nilang nakagagambala sa gawain ng Diyos.

Mga taong ito'y sadyang lumalaban at sumisira sa gawain ng Diyos.

Hindi lang sila may kuru-kuro sa Diyos,

sumasali rin sila sa mga aktibidad na gumagambala sa gawain Niya,

at dahil dito mga taong tulad nito'y kokondenahin.

Yaong 'di kusang gumagambala sa gawain ng Diyos

ay 'di kokondenahin bilang makasalanan,

dahil sila'y kusang sumusunod at 'di sumasali sa mga aktibidad na dulot ay gulo.

Mga taong tulad nito'y hindi kokondenahin.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger