Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpapakita at Gawain ng Diyos | Sipi 56
Oktubre 8, 2020
Ang Makapangyarihang tunay na Diyos, ang Haring nakaluklok sa trono, ang namumuno sa buong sansinukob, humaharap sa lahat ng bansa at lahat ng lahi, at lahat ng nasa silong ng langit ay sumisikat nang may kaluwalhatian ng Diyos. Makikita iyon ng lahat ng may buhay sa sansinukob at hanggang sa mga kadulu-duluhan ng lupa. Ang mga bundok, ang mga ilog, ang mga lawa, ang mga lupain, ang mga karagatan at lahat ng nabubuhay na nilalang ay nagbukas na ng kanilang mga pantabing sa liwanag ng mukha ng tunay na Diyos, at sila’y muling nabuhay, na parang gumigising mula sa isang panaginip, na parang sila’y mga usbong na sumisibol sa lupa!
Ah! Ang nag-iisang tunay na Diyos ay nagpapakita sa harap ng sanlibutan. Sinong mangangahas na lumapit sa Kanya nang may pagtutol? Ang lahat ay nanginginig sa takot. Ang lahat ay lubusang naniniwala, at ang lahat ay paulit-ulit na humihingi ng kapatawaran. Ang lahat ng tao’y lumuluhod sa harap Niya, at ang lahat ng bibig ay sumasamba sa Kanya! Ang mga kontinente at mga karagatan, ang mga bundok, ang mga ilog—lahat ng bagay ay nagpupuri sa Kanya nang walang katapusan! Dumarating ang tagsibol kasama ang maiinit na simoy ng hangin, na nagdadala ng pinong ulan ng tagsibol. Tulad ng lahat ng tao, ang agos ng mga batis ay dumadaloy nang may dalamhati at galak, lumuluha dahil sa utang na loob at paninisi sa sarili. Ang mga ilog, ang mga lawa, ang mga alon at mga daluhong, lahat ay umaawit, pinupuri ang banal na pangalan ng tunay na Diyos! Ang tunog ng papuri ay umaalingawngaw nang napakalinaw! Ang mga dating bagay na minsang ginawang tiwali ni Satanas—bawat isa ay muling gagawing bago at iibahin at papasok sa isang bagung-bagong kaharian …
Ito ang banal na trumpeta, at nagsimula na itong tumunog! Pakinggan mo ito. Yaong tunog na napakatamis ay ang pagbigkas ng trono, na ibinabalita sa bawat bansa at bayan na sumapit na ang panahon, na sumapit na ang kawakasan ng lahat. Tapos na ang Aking plano ng pamamahala. Ang Aking kaharian ay lantaran nang nagpakita sa lupa. Ang mga kaharian sa mundo ay naging Aking kaharian, Ako na siyang Diyos. Ang Aking pitong trumpeta ay tumutunog mula sa trono, at anong mga kababalaghan ang magaganap! Ang mga tao mula sa mga wakas ng lupa ay magmamadaling magsama-sama mula sa bawat direksyon nang may lakas ng isang daluyong at kapangyarihan ng mga kidlat at kulog….
Tinitingnan Ko nang may galak ang Aking bayan, na nakikinig sa Aking tinig at nagtitipon mula sa bawat bansa at lupain. Lahat ng tao, na laging pinananatili ang tunay na Diyos sa kanilang mga bibig, ay nagpupuri at lumulukso sa tuwa nang walang katapusan! Nagpapatotoo sila sa sanlibutan, at ang tunog ng kanilang patotoo sa tunay na Diyos ay gaya ng dumadagundong na tunog ng maraming katubigan. Lahat ng tao ay magsisiksikan sa Aking kaharian.
Tumutunog ang Aking pitong trumpeta, na gumigising sa mga natutulog! Bumangon ka agad, hindi pa huli ang lahat. Tingnan mo ang iyong buhay! Buksan mo ang iyong mga mata at tingnan kung anong oras na ngayon. Ano pa ang dapat hanapin? Ano pa ang dapat pag-isipan? At ano pa ang dapat kapitan? Hindi mo ba kailanman naisaalang-alang ang kaibahan ng halaga ng pagkakamit ng Aking buhay at pagkakamit ng lahat ng bagay na minamahal at kinakapitan mo? Tigilan mo na ang katigasan ng ulo at paglalaro. Huwag mong palampasin ang pagkakataong ito. Ang sandaling ito ay hindi na muling darating! Agad kang tumayo, sanayin mo ang pagpapagana sa iyong espiritu, gumamit ka ng sari-saring kasangkapan para mahalata at mahadlangan ang bawat pakana at panlilinlang ni Satanas, at magtagumpay ka laban kay Satanas, upang mas lumalim ang iyong karanasan sa buhay at maisabuhay mo ang Aking disposisyon, upang gumulang at magkaroon ng maraming karanasan ang iyong buhay, at palagi kang makasunod sa Aking mga yapak. Hindi pinanghihinaan ng loob, hindi mahina, laging sumusulong, paisa-isang hakbang, tuluy-tuloy hanggang sa dulo ng daan!
Kapag tumunog muli ang pitong trumpeta, ito ang magiging panawagan para sa paghatol, paghatol sa mga anak ng paghihimagsik, paghatol sa lahat ng bansa at lahat ng lahi, at bawat bansa ay susuko sa harap ng Diyos. Ang maluwalhating mukha ng Diyos ay tiyak na magpapakita sa harap ng lahat ng bansa at lahat ng lahi. Bawat isa’y lubos na mapapaniwala, at sisigaw sa tunay na Diyos nang walang katapusan. Ang makapangyarihang Diyos ay lalo pang magiging maluwalhati, at ang Aking mga anak ay makikibahagi sa kaluwalhatian at makikibahagi sa Akin sa paghahari, hinahatulan ang lahat ng bansa at lahat ng lahi, pinarurusahan ang masama, inililigtas at kinahahabagan ang mga taong nabibilang sa Akin, at ginagawang matibay at matatag ang kaharian. Sa pamamagitan ng tunog ng pitong trumpeta, napakaraming tao ang maliligtas, na babalik sa harap Ko upang lumuhod at sumamba na may patuloy na pagpupuri!
Kapag muli pang tumunog ang pitong trumpeta, ito ang magiging pagtatapos ng kapanahunan, ang pagtunog ng trumpeta ng tagumpay laban sa diyablong si Satanas, ang pagpupugay na nagbabalita ng pagsisimula ng hayagang pamumuhay sa kaharian sa lupa! Sadyang napakatayog na tunog, itong tunog na umaalingawngaw sa palibot ng trono, itong pagtunog ng trumpetang yumayanig sa langit at lupa, na siyang tanda ng tagumpay ng Aking plano ng pamamahala, na siyang paghatol kay Satanas; hinahatulan nito ang matandang mundong ito ng ganap na kamatayan, na bumalik sa walang-hanggang kalaliman! Ang pagtunog na ito ng trumpeta ay nagbabadya na magsasara na ang tarangkahan ng biyaya, na ang buhay ng kaharian ay magsisimula na sa lupa, na tama at marapat. Inililigtas ng Diyos yaong mga nagmamahal sa Kanya. Sa sandaling bumalik sila sa Kanyang kaharian, ang mga tao sa lupa ay haharap sa taggutom at salot, at ang pitong mangkok at pitong salot ng Diyos ay magaganap nang sunud-sunod. Ang langit at lupa ay lilipas, ngunit hindi lilipas ang Aking salita!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 36
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video