Christian Dance | "Hinahanap ng Diyos ang Iyong Puso at Iyong Espiritu" | Praise Song
Disyembre 22, 2024
I
Ang sangkatauhan, na lumayo mula
sa panustos ng buhay ng Makapangyarihan sa lahat,
ay hindi nakakaalam kung bakit sila umiiral, subalit takot pa rin sa kamatayan.
Wala silang tulong o suporta,
ngunit atubili pa ring ipikit ang kanilang mga mata,
at pilit na pinagtitibay ang kanilang sarili upang suportahan ang pisikal na laman,
na manhid ang kaluluwa,
habang ipinamumuhay nila ang walang dangal na buhay sa mundong ito.
Sa ganitong paraan ka namumuhay, walang pag-asa,
katulad ng iba, walang layunin.
Tanging ang Banal na Isa ng alamat ang magliligtas sa mga tao,
na habang dumadaing sa gitna ng kanilang pagdurusa,
ay lubhang umaasam sa Kanyang pagdating.
Sa ngayon, ang gayong paniniwala ay hindi pa rin nagaganap
sa mga yaong walang kamalayan.
Gayunpaman, patuloy pa ring inaasam ito ng mga tao.
II
Ang Makapangyarihan ay may habag sa mga taong ito na nagdurusa nang labis;
kasabay nito, nakakaramdam Siya ng pag-ayaw sa mga taong ito na walang kamalayan,
dahil kinailangan Niyang maghintay ng sagot sa napakatagal na panahon mula sa mga tao.
Hangad Niyang maghanap, hanapin ang iyong puso at ang iyong espiritu,
bigyan ka ng tubig at pagkain upang gisingin ka,
upang hindi ka na mauhaw at magutom.
Kapag pagod ka na
at kapag nagsimula kang makaramdam ng labis na kapanglawan sa mundong ito,
huwag magulumihanan, huwag manangis.
Tatanggapin ng Makapangyarihang Diyos, ang Tagapagbantay,
ang iyong pagdating anumang oras.
III
Siya ay lagi sa iyong tabi upang bantayan ka, naghihintay sa iyong pagbabalik.
Hinihintay Niya ang araw na biglang babalik ang iyong alaala:
na matatanto mo na ikaw ay nagmula sa Diyos,
na, sa isang hindi tiyak na oras, nawalan ka ng direksyon,
at sa isang hindi tiyak na oras, nawalan ka ng malay sa daan.
at sa isang hindi tiyak na oras ay nagkaroon ng “ama,”
at na iyong matatanto, bukod pa rito,
na ang Makapangyarihan sa lahat ay laging nagbabantay,
naghihintay nang napakatagal na panahon sa iyong pagbabalik.
IV
Noon pa man ay binabantayan ka at lubhang umaasam,
naghihintay ng tugon na walang kasagutan.
Ang Kanyang pagmamasid at paghihintay ay hindi matutumbasan,
at ang mga ito ay para sa kapakanan ng puso at espiritu ng tao.
Marahil ang pagmamasid at paghihintay na ito ay walang tiyak na katapusan,
at marahil ang mga ito ay malapit nang magwakas.
Ngunit dapat mong malaman
kung saan talaga naroroon ang iyong puso at espiritu sa mismong sandaling ito.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hinagpis ng Makapangyarihan sa Lahat
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video