Tagalog Christian Music Video | "Ang Diyos ay Nagkatawang-tao Upang Gumawa Dahil sa Pangangailangan ng Tao"

Abril 22, 2023

I

Walang kaugnayan ang Diyos sa mga pabuya o pakinabang.

Walang ani sa hinaharap, pagkakautang lang sa Kanya.

Ang ginagawa Niya para sa tao'y hindi para sa Kanya,

kundi para lang sa tao.

Ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay napakahirap,

ngunit sa huli'y mas maraming bunga

kaysa sa gawain ng Espiritu.

Katawang-tao'y 'di makapagtaglay ng pagkakakilanlan ng Espiritu,

pati na ang makapagsagawa ng kahima-himala tulad ng Espiritu,

lalo na ang makapagtaglay ng awtoridad ng Espiritu.

Ngunit ang diwa ng gawain ng karaniwang laman ay

mas higit pa kaysa sa tuwirang ginagawa ng Espiritu.

Katawang-tao Mismo'ng sumasagot sa kailangan ng tao.

Ang tanging dahilan kaya pumarito ang Diyos sa katawang-tao ay ang

mga pangangailangan ng tao at 'di ng Diyos.

Mga pagpapasakit at paghihirap Niya'y alang-alang sa tao't

'di para sa Diyos Mismo.

II

Sa lahat na'ng hanap ay katotohana't sabik sa pagpapakita ng Diyos,

gawain ng Espiritu'y makakapagbigay lang ng pagpukaw o inspirasyon

at pagkaramdam ng pagkamanghang 'di maipaliwanag,

pagkaramdam na Siya'y nangingibabaw at dapat hangaan,

ngunit 'di maaaring maabot ng sinuman.

Ngunit bigay ng gawain ng katawang-tao'y

salitang malilinaw at layuning tunay,

pagkaramdam na Siya'y tunay, na Siya ay normal,

na Siya ay mapagkumbaba at Siya ay ordinaryo.

Ang tanging dahilan kaya pumarito ang Diyos sa katawang-tao ay ang

mga pangangailangan ng tao at 'di ng Diyos.

Mga pagpapasakit at paghihirap Niya'y alang-alang sa tao't

'di para sa Diyos Mismo.

III

Kahit tao'y takot sa Kanya, karamiha'y nakakaugnay sa Kanya.

Tao'y maa'ring makita'ng mukha Niya, marinig ang tinig Niya't

'di kailangan tumingin sa Kanya sa malayo.

Katawang-taong 'to'y madaling lapitan,

Siya'y 'di malayo o 'di maaarok,

bagkus ay nakikita't nahahawakan, dahil Siya'y nasa mundo ng tao.

Ang tanging dahilan kaya pumarito ang Diyos sa katawang-tao ay ang

mga pangangailangan ng tao at 'di ng Diyos.

Mga pagpapasakit at paghihirap Niya'y alang-alang sa tao't

'di para sa Diyos Mismo.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin