Christian Song | "Ang Taos na Damdamin ng Lumikha para sa Sangkatauhan" (Duweto) | 2026 Mga Tinig ng Papuri

Enero 18, 2026

Ang sumusunod na talata ay nakatala sa Aklat ni Jonas 4:10–11: "At sinabi ni Jehova, 'Ikaw ay nagpahalaga sa kikayon na hindi mo pinagpagalan o pinatubo man; na sumampa sa isang gabi, at nawala sa isang gabi: At hindi baga Ako magpapahalaga sa Ninive, sa malaking bayang yaon, na mahigit sa isang daan at dalawampung libong katao na hindi marunong makakilala ng kanilang kanang kamay at ng kanilang kaliwang kamay; at marami ring hayop?'" Ang mga ito ang aktuwal na sinabi ng Diyos na si Jehova, mula sa pag-uusap sa pagitan ng Diyos at ni Jonas. Bagama't ang pag-uusap na ito ay maigsi lamang, ito ay puno ng pag-ayaw ng Lumikha na isuko ang sangkatauhan at ng Kanyang pagkalinga sa sangkatauhan. Ang mga salitang ito ay nagpapahayag ng tunay na saloobin at mga damdamin ng Diyos sa Kanyang puso para sa Kanyang mga nilikha. Ang mga salitang ito ay ang pagpapahayag din ng Diyos sa Kanyang mga tunay na layunin para sa sangkatauhan, sa gayong malinaw na wikang madalang na marinig ng tao.

I

Ang Lumikha ay kasama ng tao sa lahat ng pagkakataon, lagi Siyang nakikipag-usap sa tao at sa lahat ng bagay, at gumagawa Siya ng mga bagong gawa araw-araw. Ang Kanyang diwa at disposisyon ay ipinahahayag sa Kanyang pakikipag-usap sa tao; ang Kanyang mga kaisipan at mga ideya ay ganap na ibinubunyag sa Kanyang mga gawa; sinasamahan at inoobserbahan Niya ang sangkatauhan sa lahat ng pagkakataon. Ginagamit Niya ang Kanyang mga tahimik na salita para tahimik na sabihin sa lahat ng bagay at sa sangkatauhan: "Ako ay nasa kalangitan, at Ako ay kasama ng lahat ng bagay. Ako ay patuloy na nagbabantay; Ako ay naghihintay; Ako ay nasa iyong tabi…."

II

Ang Kanyang mga kamay ay mainit-init at malakas; ang Kanyang mga yapak ay magaan; ang Kanyang tinig ay banayad at kaaya-aya; ang Kanyang anyo ay padaloy-daloy, niyayakap ang buong sangkatauhan; ang Kanyang mukha ay maganda at malumanay. Hindi Siya kailanman lumisan, hindi kailanman naglaho. Sa araw at gabi, Siya ang palaging kasama ng sangkatauhan, hindi umaalis sa kanilang tabi kailanman. Ang Kanyang debotong pag-iingat at natatanging pagmamahal sa sangkatauhan, gayundin ang Kanyang tunay na pagmamalasakit at pag-ibig sa tao, ay unti-unting naipakita nang iligtas Niya ang lungsod ng Ninive. Sa partikular, ang usapan sa pagitan ng Diyos na si Jehova at ni Jonas ay ipinakita nang ganap ang pagmamalasakit ng Lumikha sa sangkatauhan na Siya Mismo ang lumikha. Sa pamamagitan ng mga salitang iyon, malalim mong mapapahalagahan ang mga sinserong damdamin ng Diyos para sa sangkatauhan …

mula sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin