Ang mga Prinsipyong Dapat Gumabay sa Asal ng Isang Tao (Ikalawang Bahagi)

Ano ang inyong mga prinsipyo sa inyong pag-uugali? Dapat kayong umasal ayon sa inyong puwesto, hanapin ang tamang lugar para sa inyo, at gampanan ang tungkulin na nararapat ninyong gampanan; ito lamang ang taong may katuturan. Bilang halimbawa, may mga taong mahuhusay sa mga partikular na propesyunal na kasanayan at may pagkaunawa sa mga prinsipyo, at dapat nilang akuin ang responsabilidad at gawin ang panghuling pagsisiyasat sa larangang iyon; may mga taong makapagbibigay ng mga ideya at malilinaw na pagkaunawa, nagiging inspirasyon sa iba at tinutulungan silang mapabuti ang kanilang mga tungkulin—sa gayon ay dapat silang magbigay ng mga ideya. Kung matatagpuan mo ang tamang lugar para sa iyo at makagagawa nang tugma sa iyong mga kapatid, tinutupad mo ang iyong tungkulin, at umaasal ka ayon sa iyong puwesto. Sa umpisa, maaaring makapagbigay ka lamang ng ilang ideya, ngunit kung susubukan mong magbigay ng iba pang mga bagay, at sa huli ay nagsisikap nang mabuti na gawin ito, ngunit hindi pa rin magawa; at pagkaraan, kapag ibinibigay ng iba ang mga bagay na iyon, hindi ka komportable, at hindi nais makinig, at ang iyong puso ay nasasaktan at napipigilan, at sinisisi mo ang Diyos at sinasabing ang Diyos ay hindi makatarungan—ito ay ambisyon. Anong disposisyon ang nagiging sanhi ng ambisyon sa isang tao? Ang mapagmataas na disposisyon ang nagiging sanhi ng ambisyon. Ang mga kalagayang ito ay tiyak na maaaring lumitaw sa inyo sa anumang sandali, at kung hindi ninyo hahanapin ang katotohanan upang lutasin ang mga ito, at walang pagpasok sa buhay, at hindi kayang magbago ukol dito, ang antas ng kuwalipikasyon at kadalisayan ng inyong pagganap sa inyong mga tungkulin ay magiging mababa, at ang mga resulta ay hindi rin magiging masyadong maganda. Hindi ito pagsasagawa ng inyong tungkulin nang kasiya-siya at nangangahulugan na hindi nagtamo ang Diyos ng kaluwalhatian mula sa inyo. Binigyan ng Diyos ang bawat tao ng iba’t ibang talento at kaloob. Ang ilang tao ay may talento sa dalawa o tatlong larangan, ang ilan ay may talento sa isang larangan, at ang ilan ay walang anumang talento—kung makadudulog kayo nang wasto sa mga bagay na ito, mayroon na kayong katwiran. Ang isang taong may katwiran ay mahahanap ang kanyang lugar, kayang umasal ayon sa kanilang mga puwesto at gampanan nang mahusay ang kanilang mga tungkulin. Ang isang taong hindi kailanman matagpuan ang kanyang lugar ay isang taong laging may ambisyon. Lagi siyang naghahangad ng katayuan at mga pakinabang. Hindi siya kailanman nasisiyahan sa kung ano ang mayroon siya. Para makinabang pa, sinusubukan niyang kumuha ng mas marami pa hangga’t kaya niya; lagi siyang umaasang masiyahan ang kanyang maluluhong pagnanais. Iniisip niya na kung mayroon siyang mga kaloob at mahusay ang kanyang kakayahan, dapat siyang higit na magtamasa ng biyaya ng Diyos, at na ang pagkakaroon ng ilang maluluhong pagnanais ay hindi isang pagkakamali. May katwiran ba ang ganitong klase ng tao? Hindi ba’t kawalanghiyaan ang laging magkaroon ng maluluhong pagnanais? Nadarama ng mga taong may konsiyensiya at pagkaunawa na kawalanghiyaan ito. Hindi gagawin ng mga taong nakakaunawa sa katotohanan ang mga kahangalang ito. Kung inaasam mong matupad ang iyong tungkulin nang tapat upang masuklian ang pagmamahal ng Diyos, hindi ito isang maluhong pagnanais. Ito ay naaayon sa konsiyensiya at katwiran ng normal na tao. Pinasasaya nito ang Diyos. Kung talagang nais mong isagawa nang maayos ang iyong tungkulin, kailangan mo munang makita ang tamang puwesto para sa iyo, at gawin pagkaraan ang iyong makakaya nang buong puso, nang buong pag-iisip, nang buong lakas, at gawin ang lahat ng makakaya mo. Ito ay katanggap-tanggap, at ang gayong pagganap sa tungkulin ay may antas ng kadalisayan. Ito ang dapat gawin ng isang tunay na nilikha. Una, dapat mong maunawaan kung ano ang tunay na nilikha: Ang isang tunay na nilikha ay hindi isang mahigit pa sa tao, kundi isang tao na nabubuhay nang simple at praktikal sa mundo; hindi talaga siya ekstraordinaryo at katangi-tangi, sa halip ay katulad lamang ng ordinaryong tao. Kung nais mo laging mahigitan ang iba, mailuklok nang mataas sa iba, bunga ito ng iyong mapagmataas at satanikong disposisyon, at ito ay kahibangan na dinulot ng ambisyon mo. Ang totoo ay hindi mo ito matatamo, at imposible para sa iyo na magawa ito. Hindi ka binigyan ng Diyos ng gayong talento o kasanayan, at hindi ka rin Niya binigyan ng gayong diwa. Huwag mong kalimutan na ikaw ay isang karaniwang kasapi ng sangkatauhan, hindi naiiba sa iba sa anumang paraan, bagama’t ang iyong anyo, pamilya, at ang pagpapalaki sa iyo ay maaaring naiiba, at maaaring may mga pagkakaiba sa iyong mga talento at kaloob. Ngunit huwag mong kalimutan ito: Gaano ka man natatangi, ito ay nasa ganitong maliliit na bagay lamang, at ang iyong tiwaling disposisyon ay katulad ng sa iba. Ang saloobin na dapat mayroon ka at ang mga prinsipyo na dapat mong panghawakan sa pagtupad ng iyong tungkulin ay katulad ng taglay ng iba. Tanging sa kanilang mga kalakasan at kaloob nagkakaiba ang mga tao. Sa iglesia, may mga taong marunong tumugtog ng gitara, ang ilan ay marunong tumugtog ng erhu, at ang iba pa ay marunong tumugtog ng tambol. Kung may interes ka sa alinman sa mga larangang ito, puwede kang matuto. Anuman ang partikular na kasanayan o teknolohiyang ito, hangga't masaya ka sa pag-aaral at may kasanayan ka, maaari kang matuto. Sa sandaling matuto ka na ng panibagong kasanayan, maaari mo itong gamitin para gumanap ng karagdagang tungkulin, na hindi lang nakalulugod sa mga tao kundi nakalulugod din sa Diyos. Isang napakamapagpalang bagay ang magkaroon ng dagdag na kasanayan at mas mag-ambag pa sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Walang masama sa pag-aaral ng mga bagong bagay habang bata pa at magaling pa ang memorya. Pakinabang lamang ang mayroon dito at walang pinsala. Kapaki-pakinabang ito sa pagganap ng mga tungkulin at gawain sa sambahayan ng Diyos. Ang pagtutuon ng pansin sa pag-aaral ng iba't ibang bagong bagay habang gumagampan sa tungkulin ay nangangahulugan na masigasig at responsable ang isang tao; siya ay mas mahusay kaysa sa mga taong hindi dedikado sa kanilang gawain. Gayunpaman, kung matagal-tagal ka nang nag-aaral ng isang bagay at hindi pa rin makaunawa, ipinahihiwatig nito na wala kang tinataglay na kakayahan sa larangang iyon. Katulad na lamang ng ilang taong magaling sumayaw ngunit wala sa tono kumanta o kulang sa talento sa musika, ito ay likas at hindi na mababago. Ang gayong sitwasyon ay dapat harapin nang may tamang saloobin. Kung marunong kang sumayaw, galingan mo sa pagsayaw. Kung mayroon kang pusong nagpupuri sa Diyos, kahit na kumanta ka nang wala sa tono, hindi ito alintana ng Diyos. Hangga’t mayroon kang kagalakan sa iyong puso, sapat na iyon. Anuman ang personal mong mga talento, hangga’t ginagamit mo ang mga ito, magandang bagay iyon. Taimtim mong gampanan ang iyong mga tungkulin, at iyon ang pakahulugan ng kumilos ayon sa iyong kinalalagyan.

Huwag hayaan ang sinuman na isipin na ang kanyang sarili ay perpekto, bantog, marangal, o namumukod sa iba pa; ang lahat ng ito ay dulot ng mapagmataas na disposisyon at kamangmangan ng tao. Ang palaging pag-iisip na katangi-tangi ang sarili—ito ay sanhi ng isang mapagmataas na disposisyon; hindi kailanman nagagawang tanggapin ang kanyang mga pagkukulang, at hindi kailanman nagagawang harapin ang kanyang mga pagkakamali at pagkabigo—dulot ito ng isang mapagmataas na disposisyon; hindi kailanman pagpapahintulot sa iba na maging mas mataas sa kanila, o maging mas mahusay sa kanila—dulot ito ng mapagmataas na disposisyon; hindi kailanman nagpapahintulot sa iba na maging mas mataas o mas magaling kaysa sa kanila—dahil ito sa mapagmataas na disposisyon; hindi kailanman nagpapahintulot sa iba na magtaglay ng mas mabubuting kaisipan, mungkahi, at pananaw kaysa sa kanila, at kapag natuklasan nila na mas magaling ang iba kaysa sa kanila, nagiging negatibo, ayaw magsalita, nakararamdam ng pagkabagabag at pananamlay, at nagiging balisa—ang lahat ng ito ay dulot ng isang mapagmataas na disposisyon. Dahil sa mapagmataas na disposisyon, maaaring maging maingat ka sa pagpoprotekta sa iyong reputasyon, hindi mo magawang tanggapin ang pagtatama ng iba, hindi mo magawang harapin ang mga pagkukulang mo, at hindi magawang tanggapin ang iyong mga sariling kabiguan at pagkakamali. Higit pa riyan, kapag may sinumang mas mahusay sa iyo, maaari itong maging sanhi upang umusbong ang pagkamuhi at inggit sa iyong puso, at makararamdam ka na napipigil ka, kung kaya’t hindi mo nais na gawin ang iyong tungkulin at nagiging pabasta-basta ka sa pagtupad nito. Ang isang mapagmataas na disposisyon ay maaaring magbunga ng pag-usbong ng ganitong mga asal at gawi sa iyo. Kung nagagawa ninyo, unti-unti, na siyasatin nang husto ang lahat ng detalyeng ito, na magtamo ng mga tagumpay, at magkamit ng pagkaunawa sa mga ito; at kung pagkatapos ay nagagawa ninyong unti-unting talikdan ang mga kaisipang ito, talikdan ang mga maling kuru-kurong ito, pananaw at maging mga asal na ito, at hindi kayo napipigil ng mga ito; at kung, sa pagtupad ng inyong tungkulin, ay nagagawa ninyong matagpuan ang tamang katayuan para sa inyo, at kumilos nang naaayon sa mga prinsipyo, at tuparin ang tungkulin na kaya at dapat ninyong gawin; kung gayon, sa pagdaan ng panahon, magagawa ninyong tuparin ang inyong mga tungkulin nang mas mahusay. Ito ay bahagi ng pagpasok sa katotohanang realidad. Kung kaya mong pumasok sa katotohanang realidad, magmumukha kang may wangis ng tao, at sasabihin ng mga tao, “Ang taong ito ay umaasal ayon sa kanyang katayuan, at tinutupad niya ang kanyang tungkulin sa isang maayos na paraan. Hindi siya umaasa sa pagiging likas, sa pagiging mainitin ng ulo, o sa kanyang tiwali, satanikong disposisyon upang tuparin ang kanyang tungkulin. Kumikilos siya nang may hinahon, mayroon siyang takot sa Diyos na puso, may pagmamahal siya sa katotohanan, at ang kanyang asal at mga pahayag ay nagpapakita na natalikdan na niya ang kanyang sariling laman at mga kagustuhan.” Lubhang kahanga-hanga ang umasal nang gayon! Sa mga pagkakataon na binabanggit ng iba ang iyong mga pagkukulang, nagagawa mong hindi lamang tanggapin ang mga ito, kundi umasa sa mabuti, hinaharap ang mga pagkukulang at kapintasan mo nang may tatag. Lubhang normal ang lagay ng isip mo, malaya sa mga kasukdulan, malaya sa init ng ulo. Hindi nga ba’t ganito ang magtaglay ng isang wangis ng tao? Tanging ang mga gayong tao ang may katwiran.

Anong klaseng disposisyon ito kapag ang mga tao ay laging nagpapanggap, laging pinagtatakpan ang kanilang sarili, laging nagmamagaling upang maging mataas ang tingin sa kanila ng iba, at hindi makita ang kanilang mga pagkakamali o pagkukulang, kapag lagi nilang sinisikap na ipakita sa mga tao ang pinakamagandang aspeto nila? Ito ay kayabangan, pagkukunwari, pagpapaimbabaw, ito ang disposisyon ni Satanas, ito ay isang masamang bagay. Tingnan natin ang mga miyembro ng satanikong rehimen: Gaano man sila maglaban-laban, mag-away-away, o pumatay nang lihim, walang sinumang maaaring mag-ulat o magsiwalat sa kanila. Natatakot sila na makikita ng mga tao ang kanilang mala-demonyong mukha, at ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila para pagtakpan ito. Sa harap ng iba, ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila para pagtakpan ang kanilang sarili, sinasabi nila kung gaano nila kamahal ang mga tao, kung gaano sila kadakila, kamaluwalhati at kung paano sila hindi nagkakamali. Ito ang kalikasan ni Satanas. Ang pinakaprominenteng katangian ng kalikasan ni Satanas ay ang panloloko at panlilinlang. At ano ang layon ng panloloko at panlilinlang na ito? Para dayain ang mga tao, para pigilan silang makita ang diwa at tunay na kulay nito, at nang sa gayon ay makamtan ang layon na mapatagal ang pamumuno nito. Maaaring walang gayong kapangyarihan at katayuan ang mga ordinaryong tao, ngunit nais din nilang magkaroon ng magandang pagtingin ang ibang tao tungkol sa kanila, at magkaroon ng mataas na tingin ang mga tao sa kanila, at iangat sila sa mataas na katayuan ng mga ito, sa puso ng mga ito. Ito ay isang tiwaling disposisyon, at kung hindi nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, wala silang kakayahang makilala ito. Ang mga tiwaling disposisyon ang pinakamahirap makilala sa lahat: Madaling makilala ang sarili mong mga pagkakamali at pagkukulang, pero hindi ang makilala ang sarili mong tiwaling disposisyon. Ang mga taong hindi kilala ang kanilang sarili ay hindi kailanman tinatalakay ang kanilang mga tiwaling kalagayan—lagi nilang iniisip na maayos sila. At nang hindi nila namamalayan, nagsisimula silang magpakitang-gilas: “Sa lahat ng mga taong sumasampalataya ako, dumaan na ako sa napakaraming pag-uusig at pinagdusahan ko na ang napakaraming paghihirap. Alam ba ninyo kung paano ko ito napagtagumpayang lahat?” Mapagmataas na disposisyon ba ito? Ano ang motibasyon sa likod ng kanilang pagpapasikat? (Para tumaas ang tingin sa kanila ng mga tao.) Ano ang motibo nila sa pagsisikap na mapataas ang tingin sa kanila ng mga tao? (Para mabigyan sila ng katayuan sa isipan ng gayong mga tao.) Kapag nabigyan ka ng katayuan sa isipan ng iba, kapag kasama ka niya, may paggalang siya sa iyo, at mas magalang siya kapag kausap ka niya. Lagi ka niyang tinitingala, lagi ka niyang pinapauna sa lahat ng bagay, pinagbibigyan ka niya, binobola at sinusunod ka niya. Sa lahat ng bagay, hinahanap ka niya at hinahayaan kang magdesisyon. At nakadarama ka ng kasiyahan mula rito—pakiramdam mo ay mas malakas at mas mahusay ka kaysa sa sinuman. Gusto ng lahat ang pakiramdam na ito. Ito ang pakiramdam ng pagkakaroon ng katayuan sa puso ng isang tao; nais ng mga taong magpakasasa rito. Ito ang dahilan kung bakit nakikipagpaligsahan ang mga tao para sa katayuan, at ninanais ng lahat na mabigyan ng katayuan sa puso ng iba, na hangaan at sambahin sila ng iba. Kung hindi nila makukuha ang ganoong kasiyahan na dulot nito, hindi sila maghahangad ng katayuan. Halimbawa, kung wala kang katayuan sa isipan ng isang tao, pakikisamahan ka niya bilang kapantay niya, pakikitunguhan ka niya bilang kapantay niya. Kokontrahin ka niya kapag kinakailangan, hindi sila gumagalang o rumerespeto sa iyo, at maaari pa ngang iwanan ka nila bago ka pa matapos sa pagsasalita. Magagalit ka ba? Hindi mo gusto kapag tinatrato ka nang ganito ng mga tao; gusto mo kapag binobola ka nila, tinitingala ka, at sinasamba ka sa bawat pagkakataon. Gusto mo kapag ikaw ang sentro ng lahat, lahat ng bagay ay umiikot sa iyo, at lahat ng tao ay nakikinig sa iyo, tumitingala sa iyo, at nagpapasakop sa iyong direksiyon. Hindi ba’t ito ay isang pagnanais na mamayani bilang isang hari, na magkaroon ng kapangyarihan? Ang iyong mga salita at gawa ay itinutulak ng paghahangad at pagtatamo ng katayuan, at nakikipaglaban, nakikipag-unahan, at nakikipagkumpetensiya ka sa iba para dito. Ang mithiin mo ay ang makakuha ng isang posisyon, at magawang makinig sa iyo, sumuporta sa iyo, at sumamba sa iyo ang mga hinirang ng Diyos. Kapag nasa iyo na ang posisyon na iyon, mapapasaiyo na ang kapangyarihan at matatamasa mo na ang mga pakinabang ng katayuan, paghanga ng iba, at lahat ng iba pang mga pakinabang na kasama ng posisyong iyon. Ang mga tao ay laging nagbabalatkayo, nagpapakitang-gilas sa iba, nagkukunwari, nagpapanggap, at nagpapalamuti ng sarili upang isipin ng iba na perpekto sila. Ang layunin nila rito ay para magkamit ng katayuan, upang matamasa nila ang mga pakinabang ng katayuan. Kung hindi ka naniniwala rito, pag-isipan mo ito nang mabuti: Bakit lagi mong nais na mataas ang tingin sa iyo ng mga tao? Gusto mong sambahin ka nila at tingalain ka nila, upang kalaunan ay makuha mo ang kapangyarihan at matamasa mo ang mga pakinabang ng katayuan. Ang katayuan na labis mong hinahangad ay magdadala sa iyo ng maraming pakinabang, at ang mga pakinabang na ito ang mismong kinaiinggitan at hinahangad ng iba. Kapag natikman ng mga tao ang maraming pakinabang na ibinibigay ng katayuan, nalalasing sila rito, at nagpapakasasa sila sa marangyang buhay na iyon. Iniisip ng mga tao na ito lamang ang isang buhay na hindi nasayang. Ang tiwaling sangkatauhan ay nalulugod sa pagpapakasasa sa mga bagay na ito. Samakatuwid, kapag ang isang tao ay nakamit ang isang partikular na posisyon at nagsimulang magtamasa ng iba’t ibang pakinabang na dulot nito, walang humpay siyang magnanasa sa mga makasalanang kasiyahang ito, hanggang sa puntong hindi na niya mabitiwan ang mga ito. Sa diwa, ang paghahangad sa katanyagan at katayuan ay bunsod ng pagnanasa na magpadala sa mga pakinabang na dulot ng isang partikular na posisyon, na mamayani bilang isang hari, na magkaroon ng kontrol sa mga taong hinirang ng Diyos, na magkaroon ng kapangyarihan sa lahat ng bagay, at magtatag ng isang malayang kaharian kung saan maaari siyang magpakasaya sa mga pribilehiyo ng kanilang posisyon at magpakasasa sa makasalanang mga kasiyahan. Gumagamit si Satanas ng lahat ng uri ng pamamaraan para linlangin, lokohin, at dayain ang mga tao, na nagbibigay sa kanila ng huwad na impresyon. Gumagamit pa ito ng pananakot at pagbabanta para hangaan at katakutan ito ng mga tao, na ang panghuling layon ay mahikayat silang magpasakop kay Satanas at sambahin ito. Ito ang nagpapalugod kay Satanas; ito rin ang layon nito sa pakikipagpaligsahan sa Diyos para makuha ang loob ng mga tao. Kaya, kapag nakikipaglaban kayo sa ibang mga tao para sa katayuan at reputasyon, ano ang ipinaglalaban ninyo? Para ba talaga maging bantog? Hindi. Ang totoong ipinaglalaban mo ay ang mga kapakinabangang hatid sa iyo ng kabantugan. Kung gusto mong laging matamasa ang mga pakinabang na iyon, kailangan mong ipaglaban ang mga ito. Ngunit kung hindi mo pinahahalagahan ang mga pakinabang na iyon at sasabihin mong, “Hindi mahalaga kung paano ako itrato ng mga tao. Isa lang akong ordinaryong tao. Hindi ako karapat-dapat sa gayon kabuting pakikitungo, wala rin akong pagnanais na sumamba sa isang tao. Ang Diyos lamang ang Siyang dapat kong tunay na sambahin at katakutan. Siya lamang ang aking Diyos at ang aking Panginoon. Gaano man kahusay ang isang tao, gaano man kagaling ang kanyang mga abilidad, gaano man kalawak ang kanyang talento, o gaano karingal o kaperpekto ang kanyang imahe, hindi siya ang layon ng aking pagpipitagan dahil hindi siya ang katotohanan. Hindi siya ang Lumikha; hindi siya ang Tagapagligtas, at hindi niya kayang pangasiwaan o pagharian ang kapalaran ng tao. Hindi siya ang layon ng aking pagsamba. Walang taong karapat-dapat sa aking pagsamba,” hindi ba’t naaayon ito sa katotohanan? Sa kabilang banda, kung hindi mo sinasamba ang iba, paano mo sila dapat pakitunguhan kung magsisimula silang sumamba sa iyo? Dapat kang humanap ng paraan para pigilan silang gawin iyon, at tulungan silang makawala sa ganoong kaisipan. Dapat kang humanap ng paraan para ipakita sa kanila ang tunay mong pagkatao, at hayaan silang makita ang iyong kapangitan at tunay na kalikasan. Ang susi ay ang maipaunawa sa mga tao na gaano man kahusay ang iyong mga katangian, gaano man kataas ang iyong pinag-aralan, gaano ka man kamaalam, o gaano katalino, isa ka pa ring ordinaryong tao. Hindi ka isang taong pinagtutuunan ng paghanga at pagsamba ng sinuman. Una sa lahat, dapat kang manindigan sa iyong posisyon, at hindi umatras pagkatapos mong magkamali o mapahiya. Kung pagkatapos magkamali o mapahiya, hindi ka lang nabigong kilalanin ito, ngunit gumamit ka rin ng panlilinlang para itago o pagtakpan ito, pinalalaki mo ang iyong pagkakamali at mas pinapapangit ang iyong sarili. Mas lumilitaw ang iyong ambisyon. Ang mga tiwaling tao ay mahusay magpanggap. Anuman ang ginagawa nila o katiwaliang ipinapakita nila, kailangan nila palaging magpanggap. Kung may mangyaring mali o may ginawa silang mali, gusto nilang isisi iyon sa iba. Gusto nilang sila ang mapuri sa mabubuting bagay, at masisi ang iba sa masasamang bagay. Hindi ba maraming ganitong pagpapanggap sa tunay na buhay? Napakarami. Ang paggawa ng mga pagkakamali o pagpapanggap: alin sa mga ito ang may kaugnayan sa disposisyon? Ang pagpapanggap ay isang usapin ng disposisyon, may kaakibat itong mapagmataas na disposisyon, kasamaan, at kataksilan; ito ay higit na kinasusuklaman ng Diyos. Sa katunayan, kapag nagpapanggap ka, nauunawaan ng lahat ang nangyayari, pero akala mo hindi iyon nakikita ng iba, at ginagawa mo ang lahat para makipagtalo at pangatwiranan ang sarili mo sa pagsisikap na hindi ka mapahiya at isipin ng lahat na wala kang ginawang mali. Hindi ba't kahangalan ito? Ano ang palagay ng iba tungkol dito? Ano ang nadarama nila? Nayayamot at namumuhi sila. Kung, matapos makagawa ng pagkakamali, matatrato mo ito nang tama, at mapapayagan mo ang lahat ng iba pa na pag-usapan ito, na pinahihintulutan ang kanilang komentaryo at pagkilatis dito, at kaya mong magtapat tungkol dito at suriin ito, ano ang magiging opinyon ng lahat sa iyo? Sasabihin nila na isa kang matapat na tao, dahil bukas ang puso mo sa Diyos. Sa pamamagitan ng iyong mga kilos at pag-uugali, makikita nila ang nasa puso mo. Ngunit kung susubukan mong magkunwari at linlangin ang lahat, liliit ang tingin sa iyo ng mga tao, at sasabihin nila na hangal ka at hindi matalino. Kung hindi mo susubukang magkunwari o pangatwiranan ang sarili mo, kung kaya mong aminin ang iyong mga pagkakamali, sasabihin ng lahat na tapat ka at matalino. At ano ang ikinatalino mo? Ang lahat ng tao ay nagkakamali. Ang lahat ng tao ay may mga pagkukulang at kapintasan. At ang totoo, lahat ng tao ay may magkakaparehong tiwaling disposisyon. Huwag mong isipin na mas marangal, perpekto, at mabait ka kaysa sa iba; lubos na pagiging hindi makatwiran iyan. Sa sandaling malinaw na sa iyo ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao at ang diwa at totoong hitsura ng kanilang katiwalian, hindi mo na susubukang pagtakpan ang sarili mong mga pagkakamali, ni hindi mo isusumbat ang pagkakamali ng ibang tao sa kanila, mahaharap mo nang tama ang dalawang ito. Saka ka lamang magkakaroon ng kabatiran at hindi gagawa ng mga kahangalan, na siyang ikakatalino mo. Ang mga hindi matatalino ay mga taong hangal, at lagi silang nakatuon sa maliliit na pagkakamaling nagawa nila habang palihim na kumikilos. Kasuklam-suklam itong makita. Sa katunayan, halatang-halata kaagad ng ibang mga tao ang ginagawa mo, subalit lantaran ka pa ring nagpapanggap. Nagmumukha kang katatawanan sa iba. Hindi ba’t kahangalan ito? Talagang kahangalan ito. Walang anumang karunungan ang mga hangal na tao. Kahit gaano pa karaming sermon ang marinig nila, hindi pa rin nila maunawaan ang katotohanan o makita ang anumang bagay sa kung ano talaga ito. Lagi silang nagmamagaling, iniisip na naiiba sila sa lahat, at mas kagalang-galang sila; ito ay kayabangan at pagmamatuwid sa sarili, ito ay kahangalan. Ang mga hangal ay walang espirituwal na pagkaunawa, hindi ba? Ang mga bagay kung saan hangal at mangmang ka ay ang mga bagay kung saan wala kang espirituwal na pagkaunawa, at hindi madaling maunawaan ang katotohanan. Ito ang realidad ng usaping ito.

Ang pagbabago ng isang tiwaling disposisyon ay hindi nangyayari sa isang kisapmata lang. Ang isang tao ay dapat na patuloy na magnilay at magsuri ng sarili sa lahat ng bagay. Dapat nilang suriin ang kanilang mga kilos at pag-uugali ayon sa mga salita ng Diyos, subukang maintindihan ang kanilang sarili, at hanapin ang landas ng pagsasagawa ng katotohanan. Ito ang paraan para masolusyunan ang isang tiwaling disposisyon. Kinakailangan na pagnilayan at tuklasin ang mga tiwaling disposisyon na lumilitaw sa pang-araw-araw na buhay, na magsagawa ng pagsusuri at pagkilatis batay sa pag-unawa sa katotohanan, at na unti-unting makalampas, nang sa gayon ay makapagsagawa ng katotohanan at maiayon ang lahat ng kilos sa katotohanan. Sa pamamagitan ng gayong paghahangad, pagsasagawa, at pag-unawa sa sarili, ang mga tiwaling pagpapamalas na ito ay nagsisimulang mabawasan, at may pag-asang magbago kalaunan ang disposisyon ng isang tao. Ito ang landas. Ang pagbabago ng disposisyon ng isang tao ay usapin ng paglago nila sa kanilang buhay. Kailangang maunawaan ng isang tao ang katotohanan at maisagawa ito. Sa pamamagitan lamang ng pagsasagawa ng katotohanan nila matutugunan ang suliranin ng isang tiwaling disposisyon. Kung ang isang tiwaling disposisyon ay patuloy na naipapamalas, hanggang sa punto na naipapamalas ito sa bawat kilos at salita, nangangahulugan ito na ang disposisyon ng isang tao ay hindi pa nagbabago. Anumang mga bagay na may kaugnayan sa isang tiwaling disposisyon ay dapat na taimtim na himayin at tuklasin. Dapat hanapin ng isang tao ang katotohanan para matuklasan at matugunan ang mga ugat ng isang tiwaling disposisyon. Ito lang ang natatanging paraan para ganap na malutas ang suliranin ng isang tiwaling disposisyon. Kapag natagpuan mo na ang landas na ito, mayroon nang pag-asa para sa pagbabago ng iyong disposisyon. Hindi ito mababaw na mga bagay lamang; may kinalaman ang mga ito sa totoong buhay. Ang susi ay kung kaya ng mga tao na buong puso at buong sigasig na mailapat ang kanilang sarili sa mga katotohanang realidad, at kung kaya nilang isagawa ang katotohanan. Hangga’t kaya nilang isagawa ang katotohanan, unti-unti ay magagawa nilang alisin ang kanilang tiwaling disposisyon. Pagkatapos ay makakakilos na sila nang naaayon sa mga hinihingi ng Diyos at naaayon sa kanilang kinalalagyan. Sa pamamagitan ng paghahanap sa kanilang puwesto, paninindigan sa kanilang tungkulin bilang isang nilikha, at pagiging isang taong tunay na sumasamba at nagpapasakop sa Diyos, sila ay pupurihin ng Diyos.

Pebrero 20, 2020

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.