Mga Salita sa Pagganap ng Tungkulin (Sipi 41)
Sa sambahayan ng Diyos, ang lahat ng naghahangad sa katotohanan ay nagkakaisa sa harap ng Diyos, hindi watak-watak. Pinagsisikapan nilang lahat ang iisang layunin: ang tuparin ang kanilang tungkulin, gawin ang gawaing itinatalaga sa kanila, kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo, gawin ang hinihingi ng Diyos, at mapalugod ang Kanyang kalooban. Kung ang iyong layunin ay hindi para dito, kundi para sa sarili mong kapakanan, para mapalugod ang mga makasarili mong ninanasa, iyan ay pagbubunyag ng isang tiwali at satanikong disposisyon. Sa sambahayan ng Diyos, ang mga tungkulin ay ginagawa ayon sa mga katotohanang prinsipyo, samantalang ang mga kilos ng mga hindi mananampalataya ay pinamamahalaan ng kanilang mga satanikong disposisyon. Ito ay dalawang landas na labis na magkaiba. Ang mga hindi mananampalataya ay sinusunod ang sarili nilang payo, ang bawat isa ay may sarili niyang mga layunin at plano, ang lahat ay nabubuhay para sa sarili nilang mga interes. Ito ang dahilan kung bakit nag-aagawan silang lahat para sa sarili nilang kapakanan at ayaw nilang isuko ang kahit kapiraso ng kanilang pakinabang. Nahahati sila, hindi nagkakaisa, dahil hindi iisa ang kanilang layunin. Magkatulad ang intensiyon at kalikasang nasa likod ng kanilang ginagawa. Lahat sila ay para sa kanilang sarili lamang ang ginagawa. Walang katotohanang naghahari sa ganyan; ang naghahari at namumuno sa ganyan ay isang tiwali at satanikong disposisyon. Kinokontrol sila ng kanilang tiwali at satanikong disposisyon at hindi nila matulungan ang sarili nila, kaya’t lumulubog sila nang lumulubog sa kasalanan. Sa sambahayan ng Diyos, kung ang mga prinsipyo, pamamaraan, motibasyon, at panimulang punto ng inyong mga kilos ay hindi naiiba sa mga hindi mananampalataya, kung kayo ay pinaglaruan, kinontrol, at minanipula rin ng isang tiwali at satanikong disposisyon, at kung ang panimulang punto ng inyong mga kilos ay ang sarili ninyong mga interes, reputasyon, pagpapahalaga sa sarili, at katayuan, ang pagganap ninyo sa inyong tungkulin ay hindi maiiba sa paraan kung paano ginagawa ng mga hindi mananampalataya ang mga bagay-bagay. Kung hinahangad ninyo ang katotohanan, dapat ninyong baguhin ang paraan ninyo ng paggawa sa mga bagay-bagay. Dapat ninyong talikuran ang inyong mga pansariling interes at ang inyong mga personal na intensiyon at ninanasa. Dapat muna kayong sama-samang magbahaginan tungkol sa katotohanan kapag gumagawa kayo ng mga bagay-bagay, at dapat maunawaan ninyo ang kalooban at mga hinihingi ng Diyos bago ninyo paghatian ang gawain, nang binibigyang-pansin kung sino ang magaling at hindi sa kung ano. Dapat ninyong tanggapin ang kaya ninyong gawin at pangatawanan ang inyong tungkulin. Huwag kayong maglaban o mag-agawan sa mga bagay-bagay. Dapat kayong matutong makipagkompromiso at maging mapagparaya. Kung nagsisimula pa lamang ang isang tao na gumanap ng isang tungkulin o katututo pa lamang niya ng mga kasanayan para sa isang larangan, ngunit hindi pa niya kayang gumawa ng ilang gawain, hindi mo siya dapat pilitin. Dapat mo siyang takdaan ng mga gawain na medyo mas madali. Dahil dito, magiging mas madali para sa kanya na magtamo ng mga resulta sa pagganap ng kanyang tungkulin. Ganito ang pagiging mapagparaya, matiyaga at may prinsipyo. Isang bahagi ito ng kung ano ang dapat taglayin ng normal na pagkatao; ito ang hinihingi ng Diyos sa mga tao at ang dapat isagawa ng mga tao. Kung medyo mahusay ka sa isang larangan at mas matagal ka nang nagtatrabaho sa larangang iyon kaysa sa karamihan, dapat sa iyo italaga ang mas mahihirap na trabaho. Dapat mong tanggapin ito mula sa Diyos at magpasakop ka rito. Huwag kang maging mapili at magreklamo, at sabihing, “Bakit ako ang pinag-iinitan? Ibinibigay nila ang madadaling trabaho sa ibang tao at ibinibigay sa akin ang mahihirap. Sinusubukan ba nilang pahirapin ang buhay ko?” “Sinusubukang pahirapin ang buhay mo”? Ano ang ibig mong sabihin diyan? Ang mga pagsasaayos ng trabaho ay iniaakma sa bawat tao; ang mga may higit na kakayahan ay gumagawa ng mas maraming trabaho. Kung marami ka nang natutuhan at nabigyan ka na ng Diyos ng marami, dapat kang bigyan ng mas mabigat na pasanin—hindi para pahirapin ang buhay mo, kundi dahil ito ang mismong nababagay sa iyo. Tungkulin mo ito, kaya huwag mong subukang mamili, o na tanggihan, o takasan ito. Bakit mo iniisip na mahirap ito? Ang totoo, kung medyo isasapuso mo ito, ganap na makakaya mo ito. Ang pag-iisip mo na mahirap ito, na hindi ito patas na pagtrato, na sadya kang pinag-iinitan—iyan ay pagbubunyag ng isang tiwaling disposisyon. Ito ay pagtangging gampanan ang iyong tungkulin, hindi pagtanggap mula sa Diyos. Hindi ito pagsasagawa ng katotohanan. Kapag namimili ka sa pagganap ng iyong tungkulin, ginagawa kung ano ang magaan at madali, ginagawa kung ano lang ang pinagmumukha kang magaling, ito ay isang tiwali at satanikong disposisyon. Ang hindi mo magawang tanggapin ang iyong tungkulin o makapagpasakop ay nagpapatunay na suwail ka pa rin sa Diyos, na ikaw ay sumasalungat, umaayaw, at umiiwas sa Kanya. Ito ay isang tiwaling disposisyon. Ano ang dapat mong gawin kapag nalaman mong ito ay isang tiwaling disposisyon? Kung nadarama mo na ang mga gawaing ibinibigay sa iba ay madaling tapusin samantalang ang mga gawaing ibinibigay sa iyo ay ginagawa kang abala sa mahabang panahon at kinakailangan dito na magsikap ka sa pagsasaliksik, at dahil dito ay hindi ka masaya, tama ba na hindi ka maging masaya? Talagang hindi. Kaya, ano ang dapat mong gawin kapag nadama mong mali ito? Kung ikaw ay mapanlaban at sinasabi mong, “Tuwing nagbibigay sila ng mga trabaho, ibinibigay nila sa akin ang mahihirap, marurumi, at higit na nangangailang gawain, at ibinibigay nila sa iba ang magagaan, simple, at kapansin-pansin na gawain. Iniisip ba nilang tao akong madali nilang ipagtulakan? Hindi ito patas na paraan ng pamamahagi ng mga trabaho!”—kung ganyan ka mag-isip, iyan ay mali. Mayroon man o walang mga paglihis sa pamamahagi ng mga trabaho, o makatwiran man o hindi ang pamamahagi ng mga ito, ano ang masusing sinisiyasat ng Diyos? Ang puso ng tao ang masusi Niyang sinisiyasat. Tinitingnan Niya kung ang isang tao ay may pagpapasakop sa kanyang puso, kung nakapagdadala siya ng ilang pasanin para sa Diyos, at kung minamahal niya ang Diyos. Batay sa pagsukat ng mga hinihingi ng Diyos, hindi katanggap-tanggap ang iyong mga palusot, hindi umaabot sa pamantayan ang pagtupad mo sa iyong tungkulin, at hindi mo taglay ang katotohanang realidad. Walang-wala kang pagpapasakop, at nagrereklamo ka kapag gumagawa ka ng ilang gawaing maraming hinihingi o marumi. Ano ang problema rito? Unang-una, mali ang iyong mentalidad. Ano ang ibig sabihin niyan? Nangangahulugan iyan na mali ang iyong saloobin sa iyong tungkulin. Kung lagi mong iniisip ang iyong pagpapahalaga sa sarili at ang mga sarili mong interes, at wala kang pagsasaalang-alang sa kalooban ng Diyos, at walang-wala kang pagpapasakop, hindi iyan ang wastong saloobin na dapat mayroon ka sa iyong tungkulin. Kung matapat kang gumugugol para sa Diyos at may-takot-sa-Diyos na puso, paano mo tatratuhin ang mga gawaing marurumi, mabibigat, o mahihirap? Magiging iba ang iyong mentalidad: Pipiliin mong gawin ang anumang mahirap at hahanapin mo ang mabibigat na pasanin. Tatanggapin mo ang mga gawaing ayaw tanggapin ng ibang tao, at gagawin mo ito dahil lamang sa pagmamahal sa Diyos at para mapalugod Siya. Mapupuno ka ng galak sa paggawa nito, nang walang anumang bahid ng reklamo. Ang mga gawaing marurumi, mabibigat at mahihirap ang nagpapakita kung ano ang mga tao. Paano ka naiiba sa mga taong tinatanggap ang magagaan at mga kapansin-pansin na gawain lamang? Wala kang masyadong ipinagkaiba sa kanila. Ganyan nga ba? Ganito mo dapat tingnan ang mga bagay na ito. Kung gayon, ang pinakanagbubunyag sa mga tao kung ano sila ay ang kanilang pagtupad sa kanilang tungkulin. Madalas, nagsasabi ng matatayog na bagay ang ilang tao, nagpapahayag na handa silang mahalin ang Diyos at magpasakop sa Kanya, ngunit kapag nakaharap sila ng hirap sa paggampan ng kanilang tungkulin, pinawawalan nila ang lahat ng uri ng reklamo at mga negatibong salita. Halatang-halata na sila ay mga ipokrito. Kung ang isang tao ay nagmamahal sa katotohanan, kapag siya ay nahaharap sa hirap sa pagtupad sa kanyang tungkulin, magdarasal siya sa Diyos at hahanapin ang katotohanan habang masigasig na ginagampanan ang kanyang tungkulin kahit pa hindi ito angkop na naisasaayos. Hindi siya magrereklamo, kahit pa nahaharap sa mabibigat, marurumi o mahihirap na gawain, at magagawa niya nang maayos ang kanyang mga gawain at magagampanan nang maayos ang kanyang tungkulin nang may pusong nagpapasakop sa Diyos. Nakadarama siya ng malaking kasiyahan sa paggawa nito, at ikinaaaliw ng Diyos na makita ito. Ito ang uri ng tao na nakukuha ang pagsang-ayon ng Diyos. Kung ang isang tao ay nagiging masungit at bugnutin sa sandaling nakaharap siya ng marurumi, mahihirap o mabibigat na gawain, at hindi siya pumapayag na punahin siya ninuman, ang ganoong tao ay hindi isang taong matapat na ginugugol ang sarili niya para sa Diyos. Maaari lamang siyang ibunyag at itiwalag. Sa mga normal na kaso, kapag mayroon kayong mga ganitong kalagayan, nagagawa ba ninyong maramdaman ang kalubhaan ng problemang ito? (Ang kaunti nito.) Kung nararamdaman mo ang kaunti nito, mababaligtad mo ba ito gamit ang sarili mong lakas, ang sarili mong pananampalataya, at ang sarili mong tayog? Kailangan mong mabaligtad ang saloobing ito. Kailangan mo munang isipin, “Mali ang saloobing ito. Hindi ba’t ito ay pamimili sa pagtupad ko sa tungkulin? Hindi ito pagpapasakop. Ang pagtupad sa aking tungkulin ay dapat maging isang masayang bagay, na ginagawa nang kusang-loob at nang may galak. Bakit hindi ako masaya, at bakit masama ang aking loob? Alam na alam ko kung ano ang aking tungkulin at ito ang dapat kong gawin—bakit hindi ako makapagpasakop na lang? Dapat akong humarap sa Diyos at magdasal, at malaman ang pagbubunyag ng mga tiwaling disposisyong ito sa kaibuturan ng aking puso.” Pagkatapos, habang ginagawa mo ito, dapat kang manalangin: “Diyos ko, nasanay na ako sa pagiging matigas ang ulo—hindi ako makikinig kaninuman. Mali ang aking saloobin, at wala akong pagpapasakop. Disiplinahin Mo ako at gawing masunurin. Ayokong sumama ang aking loob. Ayoko na pong maghimagsik laban sa Iyo. Sana ay antigin Mo ako at magawa kong tuparin nang maayos ang tungkuling ito. Hindi ako pumapayag na mabuhay para kay Satanas; nakahanda akong mabuhay para sa katotohanan at isagawa ito.” Kapag nanalangin ka nang ganito, ang kalagayan ng iyong kalooban ay bubuti, at kapag bumuti ang kalagayang iyan, magagawa mong makapagpasakop. Iisipin mo, “Hindi naman talaga ito labis. Ito ay paggawa ko lamang ng mas marami kapag mas kaunti ang ginagawa ng iba, hindi pagsasaya kapag nagsasaya sila o pakikipagdaldalan kapag nagdadaldalan sila. Binigyan ako ng Diyos ng dagdag na pasanin, isang mabigat na pasanin; iyan ang Kanyang mataas na pagtingin sa akin, ang Kanyang pagpabor sa akin, at pinatutunayan nito na makakaya ko ang mabigat na pasaning ito. Napakabuti ng Diyos sa akin, at dapat akong maging mapagpasakop.” At ang iyong saloobin ay nagbago na, nang hindi mo namamalayan. May masama kang saloobin nang una mong tanggapin ang iyong tungkulin. Hindi mo nagawang magpasakop, ngunit agad mo itong nabago at agad mong natanggap ang masusing pagsisiyasat at pagdidisiplina ng Diyos. Nagawa mong agad na lumapit sa Diyos nang may masunuring saloobin, isa na tumatanggap at nagsasagawa ng katotohanan, hanggang sa magawa mong tanggapin nang buo ang iyong tungkulin mula sa Diyos at buong pusong tuparin ito. May isang proseso ng pakikibaka rito. Ang prosesong iyan ng pakikibaka ay ang proseso ng iyong pagbabago, ang proseso ng iyong pagtanggap sa katotohanan. Magiging imposible para sa mga tao na maging handa at malugod at na magpasakop sa anumang kakaharapin nila nang walang pag-aatubili. Kung kayang gawin iyan ng mga tao, mangangahulugan ito na wala silang tiwaling disposisyon, at hindi na nila kakailanganin na magpahayag ng katotohanan ang Diyos upang sila ay mailigtas. Nagkakaroon ng mga ideya ang mga tao; mayroon silang mga maling saloobin; mayroon silang mga mali at negatibong kalagayan. Ang lahat ng ito ay totoong problema—umiiral ang mga ito. Ngunit kapag ang mga negatibo at masasamang kalagayang ito, at ang mga negatibong emosyong ito, at ang mga tiwaling disposisyong ito ang mananaig at kokontrol sa iyong pag-uugali, sa iyong mga kaisipan, at sa iyong saloobin, ang iyong gagawin, paano ka magsasagawa, at ang landas mo na pipiliin ay babatay sa iyong saloobin sa katotohanan. Maaaring mayroon kang mga emosyon o nasa isang negatibo o mapanghimagsik kang kalagayan, ngunit kapag lumitaw ang mga bagay na ito habang ginagampanan mo ang iyong tungkulin, kaagad mong mababago ang mga ito, sapagkat lumalapit ka sa Diyos, sapagkat nauunawaan mo ang katotohanan, sapagkat hinahanap mo ang Diyos, at sapagkat ang iyong saloobin ay ang pagpapasakop at pagtanggap sa katotohanan. Pagkatapos noon ay mawawalan ka na ng problema sa maayos na pagtupad sa iyong tungkulin, at magagawa mong magtagumpay laban sa pagpigil at kontrol sa iyo ng tiwali at satanikong disposisyon. Sa huli, magiging matagumpay ka sa pagtupad sa iyong tungkulin, at matutupad mo ang atas ng Diyos, at matatamo mo ang katotohanan at ang buhay. Ang proseso ng paggampan sa tungkulin ng mga tao at pagkakamit ng katotohanan ay ang proseso rin ng disposisyonal na pagbabago. Tanging sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin natatanggap ng mga tao ang kaliwanagan at pagtanglaw ng Banal na Espiritu, at nauunawaan ang katotohanan, at nakapapasok sa realidad. Kapag may mga paghihirap din sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin na madalas silang lumalapit sa Diyos upang manalangin, upang maghanap, at upang unawain ang Kanyang kalooban upang malutas ang mga ito, upang normal nilang magampanan ang kanilang mga tungkulin. Tanging sa pagganap sa kanilang mga tungkulin na nadidisiplina ng Diyos ang mga tao at na nakapamumuhay sila sa ilalim ng patnubay ng Banal na Espiritu, unti-unting natututunang gawin ang mga bagay-bagay ayon sa mga katotohanang prinsipyo at kasiya-siyang nagagampanan ang kanilang tungkulin. Ito ang pangangasiwa at pamumuno ng katotohanan sa iyong puso.
Para sa ilang tao, anuman ang isyung maaari nilang kaharapin sa pagganap sa kanilang mga tungkulin, hindi nila hinahanap ang katotohanan, at palagi silang kumikilos ayon sa kanilang sariling mga saloobin, kuru-kuro, imahinasyon, at hangarin. Palagi nilang binibigyang-kasiyahan ang sarili nilang mga makasariling hangarin, at palaging kontrolado ng kanilang mga tiwaling disposisyon ang kanilang mga kilos. Maaaring mukhang lagi nilang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin, pero dahil hindi nila kailanman tinanggap ang katotohanan, at wala silang kakayahang gawin ang mga bagay-bagay ayon sa mga katotohanang prinsipyo, sa huli ay mabibigo silang magtamo ng katotohanan at buhay, at magiging mga trabahador na karapat-dapat sa ganoong katawagan. Kaya, saan umaasa ang mga taong ito kapag ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin? Hindi sila umaasa sa katotohanan ni sa Diyos. Ang kapirasong katotohanang iyon na nauunawaan nila ay hindi pa nangingibabaw sa kanilang puso; umaasa sila sa sarili nilang mga kaloob at talento, sa anumang kaalamang natamo nila gayundin sa kanilang sariling pagpupursigi o mabubuting layunin, para magampanan ang mga tungkuling ito. At sa ganitong sitwasyon, magagawa ba nilang gampanan ang kanilang mga tungkulin ayon sa katanggap-tanggap na pamantayan? Kapag umaasa ang mga tao sa kanilang pagiging likas, mga kuru-kuro, imahinasyon, kadalubhasaan, at pagkatutong gampanan ang kanilang mga tungkulin, bagama’t maaaring mukhang ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin at hindi sila gumagawa ng masama, hindi nila isinasagawa ang katotohanan, at wala silang nagawang anuman na nakalulugod sa Diyos. Mayroon ding isa pang problema na hindi maipagwawalang-bahala: Sa proseso ng pagganap sa iyong tungkulin, kung hindi nagbabago ang iyong mga kuru-kuro, imahinasyon, at personal na hangarin kailanman at hindi napapalitan ng katotohanan kailanman, at kung ang iyong mga kilos at gawa ay hindi isinasakatuparan alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo, ano ang huling kalalabasan nito? Hindi ka magkakaroon ng buhay pagpasok, magiging trabahador ka, sa gayon ay matutupad ang mga salita ng Panginoong Jesus: “Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na yaon, ‘Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at sa pangalan Mo ay nangagpalayas kami ng mga demonyo, at sa pangalan Mo ay nagsigawa kami ng maraming gawang kamangha-mangha?’ At kung magkagayon ay ipahahayag Ko sa kanila, ‘Kailanman ay hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan’” (Mateo 7:22–23). Bakit tinatawag ng Diyos na masasamang tao ang mga taong ito na nagsusumikap at nagtatrabaho? May isang punto tayong matitiyak, at iyon ay na anumang mga tungkulin o gawain ang ginagawa ng mga taong ito, ang kanilang mga motibasyon, pampasigla, layunin, at saloobin ay nagmumulang lahat sa kanilang makasariling mga hangarin, at ang mga iyon ay pawang para protektahan ang sarili nilang mga interes at inaasam, at para mapalugod ang sarili nilang pagpapahalaga sa sarili, banidad at katayuan. Lahat ng iyon ay nakasentro sa mga konsiderasyon at kalkulasyong ito, walang katotohanan sa kanilang puso, wala silang pusong may takot at nagpapasakop sa Diyos—ito ang ugat ng problema. Ano, sa ngayon, ang mahalagang hangarin ninyo? Sa lahat ng bagay, dapat ninyong hanapin ang katotohanan, at dapat ninyong gampanan ang inyong tungkulin nang maayos ayon sa kalooban ng Diyos at sa hinihingi ng Diyos. Kung gagawin ninyo ito, matatanggap ninyo ang pagsang-ayon ng Diyos. Kaya ano ba talaga ang sangkot sa pagganap ng inyong tungkulin ayon sa hinihingi ng Diyos? Sa lahat ng ginagawa ninyo, dapat kayong matutong manalangin sa Diyos, dapat ninyong pagnilayan kung ano ang inyong mga layunin, kung ano ang inyong mga saloobin, at kung ang mga layunin at saloobing ito ay naaayon sa katotohanan; kung hindi, dapat isantabi ang mga ito, pagkatapos ay dapat kayong kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo, at tumanggap ng masusing pagsisiyasat ng Diyos. Titiyakin nito na isasagawa ninyo ang katotohanan. Kung mayroon kayong mga sariling intensyon at layon, at alam na alam ninyo na lumalabag ang mga iyon sa katotohanan at salungat sa kalooban ng Diyos, pero hindi pa rin kayo nagdarasal sa Diyos at naghahanap ng katotohanan para sa isang solusyon, mapanganib ito, madali kang makakagawa ng kasamaan at ng mga bagay na sumasalungat sa Diyos. Kung makagawa kayo ng kasamaan nang minsan o makalawang beses at magsisi kayo, may pag-asa pa rin kayong maligtas. Kung patuloy kayong gumagawa ng kasamaan, kayo ay gumagawa ng lahat ng uri ng kasamaan. Kung hindi pa rin kayo makapagsisisi sa puntong ito, nanganganib kayo: isasantabi kayo ng Diyos o pababayaan kayo, na ibig sabihin ay may panganib na matiwalag kayo; ang mga taong gumagawa ng lahat ng uri ng masamang gawa ay tiyak na parurusahan at ititiwalag.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.