Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

recital-latest-expression
Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Kategorya

recital-the-word-appears-in-the-flesh
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay (II)

Ikatlong Bahagi

2. Ang Pang-araw-araw na Pagkain at Inumin na Inihahanda ng Diyos para sa Sangkatauhan

Napag-usapan pa lamang natin ang tungkol sa isang bahagi ng pangkalahatang kapaligiran, iyon ay, ang mga kundisyong kinakailangan para sa kaligtasan ng buhay ng tao na inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan mula pa noong nilikha Niya ang mundo. Napag-usapan pa lamang natin ang tungkol sa limang bagay, at ang limang mga bagay na ito ay ang pangkalahatang kapaligiran. Ang ating susunod na tatalakayin ay malapit na kaugnay sa bawat buhay ng tao sa kanyang laman. Ito ay isang kinakailangang kondisyon na mas tumutugma sa at mas kaugnay ng buhay ng tao sa kanyang katawang-tao. Ang bagay na ito ay pagkain. Nilikha ng Diyos ang tao at inilagay siya sa isang angkop na kapaligirang may buhay. Pagkatapos, kinailangan ng tao ang pagkain at inumin. Nagkaroon ang tao ng nasabing pangangailangan, kaya gumawa ang Diyos ng mga paghahandang iyon para sa tao. Kung gayon, makikita mo ang bawat hakbang ng gawa ng Diyos at ang bawat bagay na ginagawa Niya ay hindi lamang mga salitang walang laman, ngunit ito ay aktuwal na isinasagawa. Ang pagkain ba ay isang bagay na hindi kayang mawala ng tao sa kanilang pang-araw-araw na buhay? (Oo.) Ang pagkain ba ay mas mahalaga kaysa hangin? (Sila ay parehong mahalaga.) Pareho silang mahalaga. Pareho silang mga kundisyon at mga bagay na kailangan para sa kaligtasan ng buhay ng tao at pinapanatili ang pagpapatuloy ng buhay ng tao. Mas mahalaga ba ang hangin o mas mahalaga ang tubig? Mas mahalaga ba ang temperatura o mas mahalaga ang pagkain? Lahat sila ay mahalaga. Hindi maaaring mamili ang mga tao dahil hindi maaaring mawala ang anuman sa mga ito. Isa itong totoong problema, hindi isang bagay na maaari mong piliin. Hindi mo alam, ngunit alam ng Diyos. Kapag nakita mo ang mga bagay na ito, mararamdaman mong, “Hindi ko kayang walang pagkain!” Ngunit kung ikaw ay inilagay doon kaagad matapos kang likhain, malalaman mo ba na kakailanganin mo ng pagkain? Hindi mo malalaman, ngunit alam ng Diyos. Ito lamang ay kapag nagutom ka at nakita na mayroong mga prutas na nasa mga puno at mga butil na nasa lupa para iyong kainin na iyong mapagtantong, “Oh, kailangan ko ng pagkain.” Iyon lamang ay kapag nauuhaw ka at gustong uminom ng tubig na iyong mapagtatantong, “Kailangan ko ng tubig. Saan ako makakahanap ng tubig?” Makakakita ka ng isang bukal ng tubig sa iyong harapan, kaya iinom ka mula rito. Sasabihin mo, “Ang inuming ito ay napakasarap. Ano ito?” Ito ay tubig, at ito ay inihanda ng Diyos para sa tao. Kung sa pagkain, hindi mahalaga kung nakakakain ka ng tatlong beses sa isang araw, dalawang beses, o maging higit pa roon; samakatuwid, ang pagkain ay isang bagay na hindi kayang mawala ng tao sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Ito ay isa sa mga bagay na kailangan para sa pagpapanatili ng normal na pagkaligtas ng buhay ng katawan ng tao. Kung gayon, saan pangunahing nagmumula ang pagkain? Una, nagmumula ito sa lupa. Ang lupa ay unang inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan. Ang lupa ay angkop para sa kaligtasan ng buhay ng iba’t ibang halaman, hindi lamang para sa mga puno o damo. Inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan ang mga buto ng lahat ng uri ng mga butil at iba’t ibang pagkain, pati na rin ang angkop na lupa at lupain para tamnan ng tao, na magbibigay sa kanila ng pagkain. Anong mga uri ng pagkain ang naroon? Dapat kayong maging malinaw dito. Una, mayroong iba’t ibang uri ng mga butil. Ano ang mga kasama sa mga butil? Ang trigo, dawang foxtail, dawang proso, bigas…, ang mga bagay na mayroong ipa. Ang mga sereal na pananim ay nakabukod din sa iba’t ibang mga uri. Mayroong maraming uri ng mga sereal na pananim mula sa timog hanggang sa hilaga, gaya ng sebada, trigo, obena, at bakwit. Iba’t ibang mga uri ay naangkop na mapatubo sa iba’t ibang mga rehiyon. Mayroon ding iba’t ibang uri ng bigas. Ang timog ay mayroong sarili nitong mga sari-saring klase ng bigas, na mas mahaba at angkop sa mga tao mula sa timog dahil hindi ito masyadong malagkit. Dahil ang klima ay mas mainit sa timog, kailangan nilang kumain ng mga sari-saring klase gaya ng indica rice. Hindi ito maaaring maging masyadong malagkit dahil hindi nila ito makakain at mawawalan sila ng gana. Ang kanin na kinakain ng mga tao sa hilaga ay mas malagkit. Dahil ang hilaga ay laging mas malamig, kailangan nilang kumain ng mas malagkit na kanin. Dagdag pa rito, mayroong iba’t ibang uri ng patani. Ang mga ito ay tumutubo sa ibabaw ng lupa. Mayroon ding mga pinatubo sa ilalim ng lupa, gaya ng mga patatas, kamote, gabi, at marami pang iba. Ito ang iba’t ibang mga butil, isang pangangailangan para sa pang-araw-araw na pagkain at inumin ng mga tao. Gumagamit ang tao ng iba’t ibang mga butil upang gumawa ng mga bihon, siopao, kanin, at bihong gawa sa kanin. Kumakain rin ang mga tao ng mga patatas at gumagamit ng mga patatas at mga kamote upang gumawa ng mga sangkap sa hilaw na pagkain. Ang gabi, na madalas ay kinakain ng mga tao sa timog, ay maaari ring maging sangkap sa hilaw na pagkain. Ibinigay ng Diyos ang iba’t ibang uri ng mga butil na ito nang masagana sa sangkatauhan. Bakit mayroong napakaraming mga sari-saring klase? Ang mga intensyon ng Diyos ay maaaring mahanap doon: Sa kabilang banda, ito ay upang maangkop sa iba’t ibang mga lupa at klima sa hilaga, timog, silangan, at kanluran; sa kabilang dako, ang iba’t ibang bahagi at nilalaman ng mga butil na ito ay kaisa sa iba’t ibang bahagi at nilalaman ng katawan ng tao. Kaya lamang panatilihin ng mga tao ang iba’t ibang mga sustansya at bahagi na kailangan para sa kanilang mga katawan sa pamamagitan ng pagkain ng mga butil na ito. Kahit na ang pagkain sa hilaga at timog ay magkaiba, mayroon silang mas maraming pagkakapareho kaysa pagkakaiba. Ang mga pagkaing ito ay kayang punan ang normal na mga pangangailangan ng katawan ng tao at kayang panatilihin ang normal na pagkaligtas ng buhay ng katawan ng tao. Kaya, ang dahilan kung bakit ang mga uri na nilikha sa iba’t ibang mga lugar ay masyadong marami ay dahil kailangan ng katawan ng tao ang binibigay ng mga nasabing pagkain. Kailangan nila kung ano ang ibinibigay ng iba’t ibang mga pagkaing pinatubo mula sa lupa upang panatilihin ang normal na pagkaligtas ng buhay ng katawan ng tao at matamo ang normal na pamumuhay ng tao. Nauunawaan ninyo ba? (Oo.) Ang mga patatas ay tumutubo sa hilaga. Ang kalidad ng mga patatas sa hilaga ay napakaganda. Kapag walang butil ang mga tao para kainin, ang mga patatas ay maaaring maging pangunahing sangkap ng kanilang pagkain upang maaari nilang mapanatili na makakain ng tatlong beses sa isang araw. Ang mga patatas ay maaaring din maging panustos ng pagkain. Ang mga kamote ay hindi kasing-ganda ng mga patatas pagdating sa kalidad, ngunit maaari pa ring magamit ng tao bilang pagkain upang mapanatili ang kanilang pagkain ng tatlong beses sa isang araw. Kapag ang mga butil ay hindi pa makukuha, maaaring gamitin ng mga tao ang mga kamote upang punuin ang kanilang mga tiyan. Ang gabi ay maaari din gamitin sa parehong paraan. Samakatuwid, masyadong mapagbigay ang Diyos sa sangkatauhan. Ang iba’t ibang mga pagkain na ibinigay ng Diyos sa mga tao ay hindi mapurol—sila ay napakalawak ng saklaw. Kung gusto ng mga tao na kumain ng sereal, maaari silang kumain ng mga sereal. Maaaring sabihin ng iba na, “Hindi ko gusto ang kumain ng mga bihon, gusto kong kumain ng kanin,” at maaari silang kumain ng kanin. Mayroong lahat ng klase ng bigas—mahabang butil na bigas, maliit na butil ng kanin, at kaya nilang mapasiya ang mga panlasa ng mga tao, tama? Kung gayon, kung kakain ang mga tao ng mga butil na ito—hanggang hindi sila masyadong mapili o masyadong maselan sa kanilang pagkain—hindi sila magkukulang sa nutrisyon at magagarantiyang mamuhay nang malusog hanggang pagtanda. Iyon ang orihinal na ideya ng Diyos sa Kanyang isip noong ibinigay Niya ang pagkain sa sangkatauhan. Ang katawan ng tao ay hindi maaaring walang mga bagay na ito—hindi ba ito isang realidad? (Oo.) Hindi kayang maresolba ng mga tao ang mga tunay na problemang ito, ngunit inihanda na ng Diyos at pinag-isipan ito. May mga bagay na noon pa inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan, at inihanda ang mga ito nang masagana. Ito ay isang katotohanan.

Binigyan ng Diyos ang tao ng higit pa sa mga ito—mayroon ding mga gulay. Kapag kumakain ka ng kanin, kung kanin lang ang iyong kinakain, maaaring magkulang ka sa nutrisyon. Kung ipinirito mo ang ilang maliliit na ulam o maghalo ng isang ensalada upang iterno sa isang pagkain, kung gayon ang mga bitamina sa mga gulay at iba’t ibang bakas na elemento o ibang mga sustansya ay makakayanan ding ibigay ang mga pangangailangan ng katawan ng tao sa isang napakanormal na paraan. Kapag hindi kumakain ang mga tao ng mga pangunahing pagkain ay maaari rin silang kumain ng ilang prutas, tama? Minsan, kapag kailangan ng mga tao ng mas maraming likido o ibang mga sustansya o magkakaibang mga lasa, mayroon ding mga gulay at prutas para ibigay ito. Dahil ang mga lupa at klima sa hilaga, timog, silangan at kanluran ay magkakaiba, mayroon din silang sari-saring klase ng mga gulay at prutas. Dahil ang klima sa timog ay masyadong mainit, ang karamihan ng mga prutas at gulay ay malamig na uri na kayang balansehin ang lamig at init sa mga katawan ng tao kapag kinakain sila ng mga tao. Sa kabilang banda, mayroong mas kaunting sari-saring klase ng mga gulay at prutas sa hilaga, ngunit sapat pa rin para sa tao ng hilaga upang tamasahin. Hindi ba tama iyon? (Oo.) Gayunman, dahil sa mga pag-unlad ng lipunan noong mga huling taon, dahil sa mga binansagang pag-usbong ng lipunan, pati na rin ang mga pagsulong sa transportasyon at pakikipag-usap na nag-uugnay sa hilaga at timog at silangan at kanluran, ang mga tao sa hilaga ay maaari ring kumain ng ilang mga prutas, mga lokal na espesyalidad o mga gulay mula sa timog, kahit buong taon. Sa paraang iyon, kahit na ang mga tao ay kayang mapasiya ang kanilang mga gana at materyal na pagnanasa, ang kanilang mga katawan ay sasailalim nang hindi sinasadya sa magkakaibang mga antas ng pinsala. Ito ay dahil sa mga pagkaing inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan, mayroong mga pagkain at mga prutas at gulay na angkop para sa mga tao sa timog, pati na rin mga pagkain at mga prutas at mga gulay na angkop para sa mga tao sa hilaga. Iyon ay, kung ikaw ay ipinanganak sa timog, ang pagkain ng mga bagay mula sa timog ay napaka-angkop para sa iyo. Inihanda ng Diyos ang mga pagkain at mga prutas at mga gulay dahil ang timog ay may partikular na klima. Ang hilaga ay mayroong pagkain na kailangan para sa mga katawan ng mga tao sa hilaga. Ngunit dahil mayroong matakaw na gana ang mga tao, sila ay nadala nang hindi sinasadya sa daloy ng mga pag-unlad ng lipunan, na ginagawa sila nang hindi sinasadya na labagin ang mga nasabing mga kautusan. Kahit na nararamdaman ng mga tao na ang kanilang mga buhay ay mas maigi na ngayon, ang nasabing pagsulong ng lipunan ay nagdadala ng isang natatagong kapinsalaan sa mas marami pang mga katawan ng tao. Hindi ito ang gustong makita ng Diyos at hindi ang orihinal na ginusto ng Diyos noong dinala Niya ang lahat ng mga bagay at ang mga pagkaing ito, mga prutas, at mga gulay sa sangkatauhan. Ito ay ganap na dumating dahil sa sangkatauhang lumalabag sa mga kautusan ng kalikasan at nagsasagawa ng mga siyentipikong mga pag-unlad, at walang kinalaman sa Diyos.

Ang mga ibinigay ng Diyos sa sangkatauhan ay mayaman at marami, na bawat lugar ay mayroong kanilang sariling lokal na espesyalidad. Halimbawa, ang ilang mga lugar ay mayaman sa mga pulang datiles (karaniwang kilala bilang dyudyube), habang ang iba ay mayaman sa nogales, mga mani, o iba pang magkakaibang uri ng mga mani. Lahat ng mga materyal na bagay ay nagbibigay ng mga sustansya na kailangan ng katawan ng tao. Ngunit ibinibigay ng Diyos sa sangkatauhan ang mga bagay na ayon sa panahon at oras, at ibinibigay rin ang tamang dami sa tamang panahon. Ang sangkatauhan ay nag-iimbot ng mga pisikal na kasiyahan at katakawan, ginagawa itong madali upang labagin at pinsalain ang mga normal na kautusan ng pag-usbong ng tao mula nang nilikha Niya ang sangkatauhan. Bilang halimbawa, ating tingnan ang mga seresa, na dapat malaman ng lahat, tama? Kailan napapanahon ang mga seresa? (Hunyo.) Ang mga ito ay inaani bandang Hunyo. Sa ilalim ng mga normal na pagkakataon, kailan sila mauubos? (Agosto.) Sinisimulan ng mga tao ang pagkain nito mula noong panahon na naging madaling makuha ang mga ito, mula Hunyo hanggang Agosto, sa panahon ng dalawang buwan. Ang mga cherry ay sariwa lamang sa loob ng dalawang buwan, ngunit sa pamamagitan ng mga siyentipikong paraan may kakayahan na ngayon ang mga tao na pahabain ito sa 12 buwan, kahit hanggang sa susunod na panahon ng mga seresa sa susunod na taon. Ibig sabihin ay mayroong mga seresa buong taon. Ang kababalaghan bang ito ay normal? (Hindi.) Kung gayon, kailan ang pinakamagandang panahon upang kumain ng seresa? Ito ang panahon mula Hunyo hanggang Agosto. Lampas sa limitasyong ito, kahit gaano kasariwa mo ito pinapanatili, hindi sila magkakapareho ng lasa, ni hindi ito ang kailangan ng katawan ng tao. Sa oras na ang petsa ng pagkasira nito ay lumipas, kahit anong mga bagay na kemikal ang iyong gamitin, hindi mo makakayanang makuha ito sa kalagayan nito kapag ito ay pinatubo nang natural. Dagdag pa rito, ang panganib na dala ng mga kemikal sa mga tao ay isang bagay na walang kahit sino ang may kayang gumawa ng anuman upang alisin o mabago. Nauunawaan ninyo ba? Ano ang dinadala ng kasalukuyang ekonomiyang pang-merkado sa mga tao? Ang mga buhay ng mga tao ay parang naging mas mabuti, ang transportasyon sa lahat ng mga direksyon ay talagang naging maginhawa, at ang mga tao ay maaaring kainin ang lahat ng klase ng prutas sa anumang panahon ng taon. Ang mga tao sa hilaga ay madalas nakakakain ng mga saging at anumang pagkain, lokal na espesyalidad o prutas mula sa timog. Ngunit hindi ito ang buhay na nais na ibigay ng Diyos sa sangkatauhan. Ito ay dala ng mga pag-unlad na pang-siyensiya ng sangkatauhan. Ang dinala ng ekonomiyang pang-merkadong ito sa katawan ng tao ay isang paglabag ng mga normal na kautusan sa natural na pag-usbong ng tao. Ang dinala nito ay kapinsalaan at sakuna, hindi kasiyahan. Nauunawaan ninyo ba? (Oo.)

Tumingin. Binebenta ba ang mga ubas sa pamilihan sa lahat ng apat na panahon ng taon? (Oo.) Sa katunayan, nananatili lamang na sariwa ang mga ubas sa loob ng maikling panahon matapos pitasin ang mga ito. Kung itatago mo sila hanggang sa susunod na Hunyo, maaari pa ba silang tawaging mga ubas? Maari mo ba silang tawaging basura? Hindi lamang sa hindi na taglay ng mga ito ang orihinal na komposisyon ng mga ubas, ngunit mayroon din silang mas maraming kemikal. Matapos ang isang taon, hindi lamang sa hindi sariwa ang mga ito, ang mga sustansiya rin nila ay matagal nang nawala. Kapag kumakain ang mga tao ng ubas, nararamdaman nila: “Napakasaya! Sobrang kaaya-aya! Makakakain ba tayo ng mga ubas sa panahong ito 30 taon ang nakakalipas? Hindi ka makakakain nito kahit na gustuhin mo. Kahanga-hanga ang buhay ngayon!” Kasiyahan ba talaga ito? Kung ikaw ay interesado, maaari kang humayo at mag-aral ng tungkol sa mga ubas na pinepreserba ng mga kemikal at makita lamang kung ano ang kanilang komposisyon at kung ang komposisyon na ito ay maaaring magdala ng anumang benepisyo sa mga tao. Isiping muli ang Kapanahunan ng Kautusan. Noong ang mga Israelita ay nasa daan matapos lisanin ang Ehipto, binigyan sila ng Diyos ng pugo at mana. Pinahintulutan ba ng Diyos ang mga tao upang preserbahin sila? (Hindi.) Ang ilang mga tao ay makitid ang isip at mga takot na hindi na magkakaroon pa nito sa susunod na araw, kaya nagtago sila ng kaunti. “Tipirin ito sakaling kailanganin natin ito mamaya!” Kung gayon, ano ang nangyari? Noong sumunod na araw, ito ay nabulok. Hindi hinayaan ng Diyos na mag-iwan sila ng anuman bilang pamalit dahil nagsagawa ang Diyos ng ilang mga paghahanda, na siyang nagsiguradong hindi sila magugutom. Ngunit hindi nagkaroon ang mga tao ng ganoong kumpiyansa at laging ninais na magtago ng kaunti dahil kanilang inisip: “Ang mga kilos ng Diyos ay hindi maaasahan! Hindi mo ito makikita at hindi mo ito mahahawakan. Mas mabuti pa ring magtago ng kaunti para mamaya. Kailangang maging handa dahil walang sinuman ang magbabantay sa iyo kung hindi ka makakahanap ng paraan sa sarili mo!” Kung iyong makikita, walang ganoong kumpiyansa ang sangkatauhan, ni tunay na pananampalataya sa Diyos. Palagi silang nag-iiwan ng kaunti para mamaya at walang kakayahang makita ang lahat ng pag-aaruga at pag-iisip sa likod ng inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan. Palagi lamang silang walang kakayahang maramdaman ito, palaging hindi nagtitiwala sa Diyos, palaging nag-iisip na: “Ang mga kilos ng Diyos ay hindi maaasahan! Sino ang nakakaalam kung ibibigay ito ng Diyos sa sangkatauhan o kailan Niya ibibigay ito! Kung talagang gutom ako at hindi iyon ibibigay ng Diyos, kung gayon ay hindi ba ako magugutom? Hindi ba ako magkukulang sa nutrisyon?” Tingnan kung gaano kaliit ang kumpiyansa ng tao!

Ang mga butil, mga prutas at gulay, at ang lahat ng klase ng mga mani ay lahat mga pagkaing walang karne. Kahit na ang mga ito ay mga pagkaing walang karne, mayroon silang sapat na mga sustansiya upang punan ang mga pangangailangan ng katawan ng tao. Gayunpaman, hindi sinabi ng Diyos na: “Ang pagbibigay ng mga ito sa sangkatauhan ay sapat na. Maaaring kainin na lamang ng sangkatauhan ang mga ito.” Hindi tumigil ang Diyos doon at bagkus ay naghanda ng mga bagay na mas masarap pa ang lasa para sa sangkatauhan. Ano ang mga bagay na ito? Ito ang iba’t ibang uri ng karne at isda na nais ninyong makita sa inyong mga hapag kainan at kainin araw-araw. Mayroong maraming uri ng karne at isda. Ang lahat ng isda ay nabubuhay sa tubig; ang pagkakahabi ng kanilang karne ay kaiba kaysa sa karne na pinatubo sa ibabaw ng lupa at maaari silang magbigay ng iba’t ibang mga sustansya sa sangkatauhan. Ang mga katangian ng isda ay maaari ring magsaayos ng lamig at init sa katawan ng tao, kaya ang mga ito ay lubos na kapaki-pakinabang sa sangkatauhan. Ngunit kung ano ang masarap ay hindi maaaring abusuhin. Ito ay pareho pa ring kasabihang: Nagbibigay ang Diyos sa sangkatauhan ng tamang dami sa tamang oras, upang maaaring mamuhay nang normal at maayos na matamasa ang mga bagay na ito ayon sa panahon at oras. Ano ang kasama sa mga manok? Ang manok, pugo, kalapati, atbp. Maraming tao rin ang kumakain ng itik at gansa. Kahit na nagsagawa ang Diyos ng mga paghahanda, para sa mga napiling tao ng Diyos, nagkaroon pa rin ang Diyos ng mga pangangailangan at nagtakda ng partikular na saklaw sa Kapanahunan ng Kautusan. Ngayon ang saklaw na ito ay ayon sa indibidwal na panlasa at personal na pagkakaunawa. Ang iba’t ibang uri ng mga karneng ito ay nagbibigay sa katawan ng tao ng iba’t ibang sustansya, na kayang punuing muli ang protina at iron, pinagyayaman ang dugo, pinapalakas ang mga kalamnan at mga buto, at nagbibigay ng mas maraming enerhiya. Kahit anong paraan ang gamit ng tao upang lutuin at kainin ang mga ito, sa madaling salita, ang mga bagay na ito ay maaaring sa kabilang banda ay tulungan ang mga taong mapagbuti pa ang mga lasa at mga gana, at sa kabilang banda ay punan ang kanilang mga sikmura. Ang pinakamahalagang bagay ay kaya nilang bigyan ang katawan ng tao ng kanilang pang-araw-araw na pangangailangang nutrisyonal. Ang mga ito ay konsiderasyon na mayroon ang Diyos noong inihanda Niya ang pagkain para sa sangkatauhan. Mayroong mga pagkaing walang karne pati na rin mga karne—hindi ba ito mayaman at marami? (Oo.) Ngunit kailangang maunawaan ng mga tao kung ano ang mga orihinal na pakay ng Diyos noong Kanyang inihanda ang lahat ng mga pagkain ng sangkatauhan. Ito ba ay upang hayaan ang sangkatauhan na tamasahin nang buong kasakiman ang mga materyal na mga pagkaing ito? Ano kaya kung naging nagpakasawa ang mga tao sa kasiyahan ng kanilang mga materyal na pagnanais? Hindi ba sila magiging masyadong malusog? Hindi pa ang paggiging labis na malusog ay magdadala ng lahat ng uri ng mga karamdaman sa katawan ng tao? Tiyak na hindi magandang pagtaksilan ang mga kautusan ng kalikasan na nilikha ng Diyos, kung kaya naglalaan ang Diyos ng tamang dami sa tamang oras at hinahayaang tamasahin ng mga tao ang iba’t ibang mga pagkain ayon sa iba’t ibang mga oras at panahon. Iyon ang pinakamabuting paraan. Halimbawa, matapos tumira sa napakainit na tag-init, makakakolekta ang mga tao ng kaunting init, likas na pagkatuyo at pamamasa sa kanilang mga katawan. Kapag dumating ang taglagas, maraming mga prutas ang mahihinog, at kapag kumain ang mga tao ng ilang mga prutas, ang kanilang pagka-umido ay mawawala. Sa parehong panahon, ang mga baka at tupa ay lalaki nang malusog, kaya dapat kumain ang mga tao ng kaunting karne bilang nutrisyon. Matapos kumain ng iba’t ibang uri ng karne, ang mga katawan ng tao ay magkakaroon ng enerhiya at ang init ay tutulungan silang makayanan ang lamig ng taglamig, at bilang isang resulta, makakayanan nilang malampasan ang taglamig nang mapayapa. “Ang oras sa paghahanda ng anumang bagay para sa sangkatauhan, at ang oras ng pagpapahintulot sa anumang bagay para tumubo, mamunga, at mahinog.”—ang lahat ng ito ay kinokontrol ng Diyos at isinaayos na ng Diyos noon pa, at lubos na sinukat. Ito ay dahil sa ang sangkatauhan ay hindi naiintindihan ang kagustuhan ng Diyos. Ito ang paksa tungkol sa “paano naghanda ang Diyos ng pagkain na kailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao.”

Bukod sa lahat ng uri ng mga pagkain, nagbibigay din ang Diyos sa sangkatauhan ng mga pinagmumulan ng tubig. Kailangang uminom ng tubig ng tao matapos kumain. Ang pagkain ba ng prutas ay sapat? Hindi kakayanin ng tao na kumain lamang ng prutas, at bukod pa rito, walang prutas sa ibang mga panahon. Kung gayon, paano maaaring masolusyunan ang problema ng sangkatauhan sa tubig? Sa pamamagitan ng paghahanda ng Diyos ng maraming pinagmumulan ng tubig sa ibabaw ng lupa at sa ilalim nito, kasama na ang mga lawa, mga ilog, at mga bukal. Ang mga pinanggagalingan ng tubig na ito ay maaaring inuman sa mga kalagayang walang anumang kontaminasyon, o pagpoproseso ng tao o pinsala. Kaugnay ng mga pinagmumulan ng pagkain para sa buhay ng mga pisikal na katawan ng sangkatauhan, gumawa ang Diyos ng napakatiyak, napakaeksakto, at napaka-angkop na mga paghahanda, upang ang mga buhay ng tao ay maging mayaman at masagana at hindi kapos sa kahit ano. Ito ay isang bagay na maaaring maramdaman at makita ng tao. Dagdag pa rito, sa lahat ng mga bagay, maging ito ay mga hayop, mga halaman, o lahat ng klase ng damo, lumikha rin ang Diyos ng ilang mga halaman na kailangan upang solusyunan ang mga pinsala at sakit ng katawan ng tao. Ano ang iyong gagawin, halimbawa, kung ikaw ay napaso? Maaari mo bang hugasan ito ng tubig? Maaari ka bang makahanap lamang ng isang pirasong tela kahit saan at balutin ito? Maaari nitong mapuno ng nana o maimpeksiyon sa ganoong paraan. Ano ang iyong gagawin, halimbawa, kapag ikaw ay napaso nang hindi sinasadya ng apoy o ng mainit na tubig? Maaari mo bang buhusan ito ng tubig? Halimbawa, kung magkaroon ka ng lagnat, mahawa ng sipon, masaktan sa pinsalang mula sa pisikal na gawain, isang sakit sa tiyan mula sa pagkain ng hindi tamang pagkain, o pag-usbong ng ilang mga karamdaman buhat ng mga kaugalian ng pamumuhay o mga emosyonal na mga isyu, gaya ng mga karamdaman sa ugat, mga kondisyon sa pag-iisip, o mga sakit ng mga lamang-loob—mayroong mga kaukulang halaman upang gamutin ang mga ito. Mayroong mga halaman na nagpapabuti ng daloy ng dugo upang tanggalin ang pagwawalang-kilos, tanggalin ang sakit, pigilin ang pagdudugo, magbigay ng pampamanhid, tulungan ang tao na makabawi ng normal nilang balat, alisin ang pagbara ng dugo sa katawan, at alisin ang mga lason mula sa katawan. Sa madaling salita, ang lahat ng mga ito ay maaaring gamitin sa pang-araw-araw na buhay. May gamit sila sa mga tao at inihanda ang mga ito ng Diyos para sa katawan ng tao sakaling kailanganin. Ang ilan sa mga ito ay pinahintulutan ng Diyos na hindi sinasadyang madiskubre ng tao, habang ang iba ay nadiskubre mula sa ilang espesyal na mga kababalaghan o sa pamamagitan ng ilang tao na inihanda ng Diyos. Kasunod ng kanilang pagkakadiskubre, ipapasa ito ng sangkatauhan, at sa gayon ay maraming mga tao ang makakaalam tungkol sa mga ito. Sa ganitong paraan, ang paglikha ng Diyos sa mga halamang ito ay may halaga at kahulugan. Samakatuwid, lahat ng mga bagay na ito ay mula sa Diyos at inihanda at itinanim noong lumikha Siya ng isang kapaligirang tinitirahan ng sangkatauhan. Lahat ng ito ay lubos na kailangan. Hindi ba nito ipinapakita na noong nilikha ng Diyos ang langit at lupa at lahat ng mga bagay, ang Kanyang mga konsiderasyon ay mas pinag-isipan nang mabuti kaysa inisip ng sangkatauhan? Kapag iyong nakikita ang lahat ng ginawa ng Diyos, nararamdaman mo ba ang katotohanan ng Diyos? Nagtrabaho nang palihim ang Diyos. Noong hindi pa dumarating ang tao sa mundong ito, bago makadaupang-palad ang sangkatauhang ito, nilikha na ng Diyos ang lahat ng ito. Ang lahat ng ginawa Niya ay para sa kapakanan ng sangkatauhan, para sa kapakanan ng kaligtasan ng kanilang buhay, at para sa konsiderasyon ng pag-iral ng sangkatauhan, upang maaaring mamuhay ang sangkatauhan sa mayaman at saganang materyal na mundong nilikha ng Diyos para sa kanila, at upang maaari silang mamuhay nang masaya, nang hindi kailangang mag-alala tungkol sa pagkain o mga damit, at hindi magkulang sa kahit ano. Nagpapatuloy ang sangkatauhan na magparami at mamuhay nang ligtas sa nasabing kapaligiran, ngunit hindi marami ang kayang maintindihan na nilikha ng Diyos ang lahat para sa sangkatauhan. Sa halip, pinalabas ni Satanas na ito ay nilikha ng kalikasan.

0(Mga) Resulta ng Paghahanap