Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

recital-latest-expression
Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Kategorya

recital-the-word-appears-in-the-flesh
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

(II) Ang Diyos Ang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng Mga Bagay

Ikatlong bahagi

Sa gayong pagtalakay, nararamdaman ba ninyo na mayroon na kayong konting pagkaunawa sa ibig sabihin ng kasabihang “Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng Bagay”? (Oo.) Alam Ko na nang tinalakay ko ang paksang ito maraming mga tao ang kaagad na mag-iisip kung paanong ang Diyos ay katotohanan at kung paanong ang Kanyang salita ay naglalaan para sa atin, ngunit iisipin lang nila ang ukol dito sa ganitong antas. Mararamdaman pa ng iba na ang paglalaan ng Diyos ay para sa buhay ng tao, paglalaan ng pang-araw-araw na pagkain at inumin at ang mga pang-araw-araw na pangangailangan ay hindi ituturing bilang paglalaan para sa tao. Ganito ba ang nararamdaman ng ilang mga tao? (Oo.) Hindi ba napakalinaw ng layunin ng Diyos sa kung paano Niya nilikha ang lahat ng bagay nang upang ang sangkatauhan ay maaaring umiral at mamuhay nang normal? Pinananatili ng Diyos ang kapaligiran kung saan naninirahan ang mga tao at inilalaan Niya ang lahat ng bagay na kinakailangan ng sangkatauhang ito. Bukod dito, Siya ang namamahala at humahawak sa pamamahala sa lahat ng bagay. Ang lahat ng ito ay nagpapahintulot sa sangkatauhan na mabuhay nang normal at umunlad nang normal; sa ganitong paraan naglalaan ang Diyos para sa lahat ng bagay at para sa sangkatauhan. Kailangan bang makilala at maintindihan ng mga tao ang mga bagay na ito? (Oo.) Sasabihin marahil ng ilan, “Ang paksang ito ay masyadong malayo mula sa ating kaalaman sa tunay na Diyos Mismo, at ayaw naming malaman ito sapagkat ang tao ay hindi nabubuhay sa tinapay lamang, ngunit sa halip nabubuhay sa salita ng Diyos.” Tama ba ito? (Hindi.) Ano ang mali dito? Magkakaroon ba kayo nang lubos na pagkaunawa sa Diyos kung ang alam niyo lang ay ang mga sinabi ng Diyos? Kung ang tinatanggap niyo lamang ay ang Kanyang gawain at ang Kanyang paghatol at pagkastigo, magkakaroon ba kayo ng ganap na pagkaunawa sa Diyos? Kung ang alam niyo lang ang isang maliit na bahagi ng disposisyon ng Diyos, isang maliit na bahagi ng awtoridad ng Diyos, sapat na iyon upang matamo ang pagkaunawa sa Diyos, tama? (Hindi.) Bakit ganoon? (Masyado itong may kinikilingan, sapagkat ang ating kaalaman ay masyadong hungkag. Ngunit sa bawat gawain ng Diyos na pinagsama ang buhay at hindi buhay[a] na mga bagay gaya ng mga bundok at mga sapa, mga lawa, mga buto, ang sikat ng araw, at ulan na ating nakikita, napapanood, at nararanasan, natatamo natin ang isang praktikal na pagkaunawa sa Diyos. Habang nagigising ang ating pagkaunawa bilang mga anak nasisimulan nating makita ang mga bagay na ito at madama na sila ay tunay.) Ang mga pagkilos ng Diyos ay nagsimula sa paglikha Niya sa sansinukob at nagpapatuloy sila ngayon kung saan ang Kanyang mga pagkilos ay malinaw sa lahat ng oras at sa bawat saglit. Kung naniniwala ang mga tao na ang Diyos ay umiiral dahil lamang sa pumili Siya ng mga tao kung kanino ginagawa Niya ang Kanyang gawain upang iligtas ang mga taong iyon, at kung sila ay naniniwala na ang ibang mga bagay ay hindi kinapapalooban ng Diyos, ang Kanyang awtoridad, ang Kanyang katayuan, at ang Kanyang mga pagkilos, iyon ba ay maituturing na tunay na pagkilala sa Diyos? Ang mga tao na may gayong tinatawag na kaalaman sa Diyos—na batay lamang sa may pagkiling na pananaw na ang Diyos ay limitado lamang sa isang grupo ng mga tao—ay mga mabababaw ang pananaw. Ito ba ang tunay na pagkakilala sa Diyos? Hindi ba’t itinatatwa ng mga tao na may ganitong uri ng pagkakilala sa Diyos ang paglikha Niya sa lahat ng bagay at ang Kanyang dominyon sa ibabaw nila? Hindi ito nais kilalanin ng ilang mga tao, at maaaring isipin nila sa kanilang mga sarili: “Hindi ko nakikita ang dominyon ng Diyos sa lahat ng bagay, isa itong bagay na masyadong malayo sa akin at ayaw kong intindihin ito. Gagawin ng Diyos ang anumang maibigan Niya at wala itong kinalaman sa akin. Aabalahin ko na lang ang sarili ko sa pagtanggap sa pamumuno ng Diyos at ang Kanyang salita at ako ay gagawaing perpekto at ako ay ililigtas ng Diyos. Pagtutuunan ko lamang ng pansin ang mga bagay na ito, ngunit hindi ko susubukang maintindihan ang anupaman o mag-isip ukol dito. Anumang mga patakaran ang ginawa ng Diyos nang Kanyang likhain ang lahat ng bagay o anumang gawin ng Diyos upang ipagkaloob sa kanila o sa sangkatauhan ay walang kinalaman sa akin.” Anong uri ng usapin ito? Hindi ba ito lubos na kahiya-hiya? Mayroon ba sa inyo ang nag-iisip kagaaya nito? Alam ko na halos lahat ay ganito kung mag-isip kahit hindi ninyo sabihin. Maaaring gamitin ng ganitong uri ng tao na nakabatay lamang sa libro ang kanilang tinatawag na espiritwal na paninidigan sa pagtingin nila sa lahat ng bagay. Gusto nilang limitahan ang Diyos sa Biblia, limitahan ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga sinabi, at limitahan ang Diyos sa literal na nakasulat lamang. Ayaw nilang madagdagan pa ang nalalaman nila tungkol sa Diyos at ayaw nilang magtuon ang Diyos ng dagdag na pansin sa paggawa ng ibang mga bagay. Ang ganitong uri ng pag-iisip ay isip-bata at masyadong relihiyoso. Nakikilala ba ang Diyos ng mga taong may ganitong pinanghahawakan na pananaw? Mahihirapan silang makilala ang Diyos. Sa araw na ito ay inilahad ko ang dalawang kuwento na ito at nagsalita tungkol sa dalawang aspeto na ito. Karirinig pa lang natin sa mga ito at kakikita pa lang natin sa kanila, maaaring madama ninyo na sila ay malalim o medyo malabo at mahirap maunawaan at maintindihan. Maaaring mas mahirap pang iugnay sila sa mga pagkilos ng Diyos at sa Diyos Mismo. Gayunman, ang lahat ng pagkilos ng Diyos at lahat ng Kanyang ginawa sa gitna ng lahat ng bagay at sa gitna ng lahat ng sangkatauhan ay dapat na malinaw at wastong makilala ng bawat isang tao at ng bawat isa na naghahangad na makilala ang Diyos. Ang kaalamang ito ay magbibigay sa iyo ng pagpapatibay at ng pananampalataya sa tunay na pag-iral ng Diyos. Makapagbibigay din ito sa iyo ng wastong kaalaman sa karunungan ng Diyos, sa Kanyang kapangyarihan, at kung paano Siya naglalaan para sa lahat ng bagay. Magbibigay-daan din ito sa iyo upang malinaw na mabatid ang tunay na pag-iral ng Diyos at makita na ito ay hindi gawa-gawang kuwento, at hindi isang alamat. Magbibigay-daan ito sa inyo na malaman na hindi ito malabo, at hindi isang teorya lamang, na ang Diyos ay tiyak na hindi lang isang kabuhayang pang-espiritwal, kundi Siya ay talagang umiiral. Bukod dito magbibigay-daan ito sa iyo na makilala Siya bilang Diyos sa paraang palagi Siyang naglalaan para sa lahat ng bagay at para sa sangkatauhan; ginagawa Niya ito sa Kanyang sariling pamamaraan at alinsunod sa Kanyang sariling ritmo. Kaya masasabi ng isa na dahil nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay at binigyan Niya sila ng mga patakaran na sa Kanyang utos bawat isa ay gagampan ng kanilang inilaang mga gawain, tutupad ng kanilang mga pananagutan, at gagampanan ang papel na ipinagkaloob sa bawat isa sa kanila. Ang lahat ng bagay ay tumutupad ng kanilang sariling gampanin para sa sangkatuhan, at ginagawa ito sa lugar, sa kapaligiran kung saan naninirahan ang mga tao. Kung hindi ginawa ng Diyos ang mga bagay sa ganitong paraan at kung ang kapaligiran ng sangkatauhan ay hindi naging ganito, ang paniniwala ng mga tao sa Diyos o ang pagsunod nila sa Kanya—wala sa mga ito ang magiging posible; ito ay magiging pananalitang walang saysay lamang, hindi ba ito tama?

Balikan nating muli ang kuwentong ito na karirinig pa lamang natin. Patungkol sa dakilang bundok at sa maliit na sapa, ano ang bundok? Ang mga bagay na may buhay ay umunlad sa bundok kaya mayroong halaga sa pag-iral nito mismo. Sa kaparehong pagkakataon, hinaharangan ng bundok ang maliit na sapa, tinitiyak nitong hindi siya makadaloy saan man niya naisin at magdadala ng kapinsalaan sa mga tao. Hindi ba tama iyon? Sa kabutihan ng pag-iral ng bundok, binibigyang-daan nito ang mga buhay na bagay gaya ng mga puno at mga damo at lahat ng iba pang mga halaman at mga hayop sa bundok na umunlad habang pinamamahalaan kung saan dadaloy ang maliit na sapa; tinitipon ng bundok ang mga tubig ng sapa at natural na inaalalayan sa palibot ng paanan nito kung saan ay makadadaloy sila patungo sa ilog at sa huli’y sa dagat. Ang mga patakaran na nakalagay dito ay hindi ginawa ng kalikasan, ngunit sa halip ay sadyang isinaayos ng Diyos sa panahon ng paglikha. Tungkol naman sa dakilang bundok at sa mabalasik na hangin, ang bundok, din, ay nangangailangan ng hangin. Kinakailangan ng bundok ang hangin upang yakapin ang mga buhay na bagay sa ibabaw nito, at sa kaparehong pagkakatao’y hinihigpitan ng bundok kung gaaano kalakas maaaring umihip ang mabagsik na hangin upang hindi ito mag-umapaw at manalasa. Pinanghahawakan ng patakarang ito, sa isang paraan, ang tungkulin ng dakilang bundok, kaya ang patakaran bang ito na may kinalaman sa tungkulin ng bundok ay nabuo na lamang sa ganang kanyang sarili? (Hindi.) Sa halip ito ay ginawa ng Diyos. Ang dakilang bundok ay may sariling tungkulin at ang mabagsik na hangin ay mayroon ding sariling tungkulin. Ngayon, tungkol sa dakilang bundok at sa malaking alon, kung wala ang bundok sa kanyang kinaroroonan makahahanap ba ang tubig ng direksyong dadaluyan sa ganang kanyang sarili? (Hindi.) Ang tubig ay mag-uumapaw din at mananalasa. Ang bundok ay may sariling halaga bilang isang bundok, at ang dagat ay may sariling halaga bilang dagat. Sa ganitong paraan, sa ilalim ng ganitong mga pangyayari kung saan ang bawat isa sa kanila ay hindi nakikialam sa isa’t isa at kung saan umiiral silang magkakasama nang normal, hinihigpitan din nila ang isa’t isa; hinihigpitan ng dakilang bundok ang dagat upang hindi ito umapaw at sa gayon napoprotektahan nito ang mga tahanan ng mga tao, at nagbibigay-daan din ito sa dagat na alagaan ang buhay na mga bagay na naninirahan sa loob nito. Ang anyong lupa bang ito ay nabuo na lang nang kusa? (Hindi.) Ito ay nilikha rin ng Diyos. Nakikita natin mula sa mga larawang ito na nang nilikha ng Diyos ang sansinukob, itinakda na Niya kung saan titindig ang bundok, saan aagos ang sapa, kung saang direksyon magsisimulang umihip ang mabagsik na hangin at kung saan ito pupunta, gayundin kung gaaano ang magiging taas ng malaking alon. Ang mga balak at mga layunin ng Diyos ay nakapaloob sa lahat ng bagay na ito at sila ay Kanyang mga gawa. Ngayon, nakikita ba ninyo na ang mga gawa ng Diyos ay naroroon sa lahat ng bagay? (Oo.)

Ano ang layunin sa pagtalakay natin sa mga bagay na ito? Ito ba ay upang masaliksik ng tao ang mga patakaran sa likod ng paglikha ng Diyos sa sansinukob? Ito ba ay upang maging intresado ang mga tao sa astronomiya at pisika? (Hindi.) Kung gayon ay ano ito? Ito ay upang maunawaan ng mga tao ang mga gawa ng Diyos. Ang pinakamahalagang aspeto sa pag-unawa sa mga gawa ng Diyos ay sa pag-unawa sa Kanyang mga pagkilos, maaaring panindigan at patunayan ng tao na ang Diyos ay ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay. Kung mauunawaan mo ang puntong ito, kung gayon ay tunay mong mapatutunayan na inookupahan ng Diyos ang pangunahing papel sa iyong puso at mapatutunayan mo na ang Diyos ay ang natatanging Diyos Mismo, ang Maylalang ng kalangitan at ng lupa at lahat ng bagay. Kaya, makatutulong ba tungo sa iyong pagkaunawa sa Diyos ang malaman ang mga patakaran sa lahat ng bagay at upang malaman ang mga gawa ng Diyos? (Oo.) Gaano ito nakatutulong? Ito ay isang mahalagang tanong. Una, kapag naunawaan mo ang mga gawang ito ng Diyos, magiging intresado ka pa rin ba sa astronomiya at heograpiya? Magkakaroon ka pa rin ba ng pusong may pag-aalinlangan at pagdududahan na ang Diyos ay ang Maylalang ng lahat ng bagay? Magkakaroon ka pa rin ba ng puso ng isang mananaliksik at pagdududahan na ang Diyos ang Maylalang ng lahat ng bagay? Kapag iyong napatunayan na ang Diyos ang Maylalang ng sansinukob at saka nalaman ang mga patakaran sa likod ng Kanyang paglikha, tunay mo bang paniniwalaan sa iyong puso na ang Diyos ang nagkakaloob para sa sansinukob? Ang “nagkakaloob” ba ay sinasabi lamang para sa anumang uri ng kahulugan o ito ay sinasabi sa isang natatanging pagkakataon? Na ang paglalaan ng Diyos para sa daigdig ay may napakalawak na kahulugan at paggamit. Tama? Hindi lamang pinagkakalooban ng Diyos ang mga tao ng kanilang pang-araw-araw na pangangailangan sa pagkain at inumin, ipinagkakaloob Niya sa sangkatauhan ang lahat ng bagay na kanilang kailangan, kabilang ang lahat ng bagay na nakikita ng tao at mga bagay na hindi nakikita. Itinataguyod, pinamamahalaan, at pinamumunuan ng Diyos ang buhay na kapaligiran na kinakailangan ng sangkatauhan. Anumang kapaligiran ang kakailanganin ng tao sa anumang panahon, inihanda ito ng Diyos. Anumang kapaligiran o temperatura na angkop para sa pag-iral ng tao ay nasa ilalim din ng pamamahala ng Diyos at wala sa mga patakarang ito ang nangyayari sa ganang kanilang mga sarili lamang o basta na lang nagaganap; ang mga ito ay bunga ng pamamahala ng Diyos at ng Kanyang mga gawa. Ang Diyos Mismo ang pinagmumulan ng mga patakarang ito ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay. Ito ay isang matatag at hindi mapasusubaliang katotohanan maniwala ka man o hindi, nakikita mo man ito o hindi, naiintindihan mo man ito o hindi.

Alam ko na halos lahat ng mga tao ay naniniwala lamang sa kung ano ang sinabi at ginawa ng Diyos sa Biblia, at inihayag ng Diyos ang Kanyang mga gawa sa isang maliit na grupo ng mga tao, nang sa gayon ay makita ng mga tao ang kahalagahan ng Kanyang pag-iral, at upang maintindihan din nila ang Kanyang katayuan at malaman na tunay nga Siyang umiiral. Gayunman, para sa maraming mga tao ang katotohanan na nilikha ng Diyos ang sansinukob at ang Kayang pinamamahalaan at pagkakaloob para sa lahat ng bagay ay tila malabo o hindi maliwanag at mayroon pa silang ugali ng pagdududa. Ang ganitong uri ng pag-uugali ay nagiging sanhi sa mga tao upang tuluy-tuloy na maniwala na ang mga batas ng likas na mundo ay nabuo sa ganang kanilang sarili lamang, na ang mga pagbabago, ang mga pagbabagong-anyo, at ang mga kababalaghan sa likas na mundo at ang mismong mga batas na namamahala sa kalikasan ay bumangon na lamang nang kusa. Ibig sabihin nito na sa isip ng mga tao, hindi nila maintindihan kung paano nilikha at pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng bagay, hindi nila maintindihan kung paano pinamamahalaan at ipinagkakaloob ng Diyos ang lahat ng bagay. Dahil sa mga limitasyon ng ganitong saligan, hindi naniniwala ang mga tao sa paglikha ng Diyos at pagkapanginoon sa ibabaw ng lahat ng bagay at na Siya ang Nagkakaloob; at maging ang mga sumasampalataya ay limitado lamang sa Kapanahunan ng Kautusan, sa Kapanahunan ng Biyaya at sa Kapanahunan ng Kaharian, iyon ay, ang mga gawa ng Diyos gayundin ang Kanyang pagkakaloob para sa sangkatauhan ay parang limitado lamang sa Kanyang piniling mga tao. Ito ay isang bagay na kinamumuhian Kong makita at nagdudulot ito ng ibayong sakit, sapagkat ikinasasaya ng mga tao ang lahat ng idinudulot ng Diyos, gayunman sa parehong pagkakataon ay tinatanggihan nila ang lahat ng Kanyang ginagawa at lahat ng Kanyang ibinibigay sa kanila. Pinaniniwalaan lang ng mga tao na ang kalangitan at ang lupa at ang lahat ng bagay ay pinamamahalaan ng kanilang sariling likas na mga patakaran at ng kanilang sariling likas na kautusan at na walang namumuno sa kanila upang pigilan sila o ng kahit na sinong namumuno na naglalaan para sa kanila at nagpapanatili sa kanila. Kahit na naniniwala ka sa Diyos, maaaring hindi ka maniniwala na mga gawa Niya ang lahat ng mga ito; ito ang isa sa mga hindi pinapansing mga bahagi para sa bawat naniniwala sa Diyos, para sa bawat isang tumatanggap sa salita ng Diyos, at para sa bawat isang sumusunod sa Diyos. Kaya, sa oras na nagsimula Akong tumalakay sa isang bagay na hindi nakaugnay sa Biblia o sa tinatawag na terminolohiyang espiritwal, ang ilang mga tao ay naiinip o nangangamba o ni hindi nagiginhawaan. Parang ito ay humihiwalay mula sa mga taong espiritwal at mga espiritwal na mga bagay. Iyon ay isang bagay na masama. Pagdating sa pag-alam sa mga gawa ng Diyos, kahit na hindi natin bangitin ang astronomiya, heograpiya, or biyolohiya, alam natin ang pagiging panginoon ng Diyos sa lahat ng bagay, alam natin ang Kanyang paglalaan para sa lahat ng bagay, at na Siya ang pinagmumulan ng lahat ng bagay. Ito ay isang mahalagang gampanin at isa na dapat na pag-aralan, nauunawaan ninyo? (Oo.)

Sa dalawang kuwento na katatalakay ko pa lamang, kahit na maaaring ang mga ito ay mayroong kakaibang nilalaman at maaaring ang mga ito ay inilahad at isinaad sa inyo sa natatanging paraan, gayunpaman nais Kong gumamit ng payak na pananalita at payak na paraan sa gayon kayo ay makaunawa at tanggapin ang isang bagay nang mas malalim. Ito ang tangi Kong layunin: Gusto Kong makita ninyo at paniwalaan na ang Diyos ang Namumuno sa lahat ng bagay sa pamamagitan nitong mga maliliit na kuwento at mga eksena. Ang layunin ng paglalahad sa inyo ng mga kuwentong ito ay upang tulutan kayong makita at malaman ang walang hanggang mga gawa ng Diyos sa loob ng may hangganang paligid ng isang kuwento. Tungkol sa kailan ninyo ganap na maaabot ang resulta na ito sa inyo, depende ito sa inyong sariling mga karanasan at inyong kani-kanyang hangarin. Kung hangad mo ang katotohanan at kung hangad mo na makilala ang Diyos, kung gayon ang mga bagay na ito ay magsisilbi bilang isang matatag at matibay na paalala sa iyo; tutulutan ka ng mga ito na magkaroon ng mas malalim na kamalayan, isang kalinawan sa iyong pagkaunawa, at ikaw ay unti-unting hihilahing palapit sa aktuwal na mga gawa ng Diyos, isang pagkakalapit na walang pagitan at walang pagkakamali. Gayunman, kung hindi ka maghahangad na makilala ang Diyos, kung gayon ang mga kuwentong iyon na iyong narinig ay mga kuwento lamang at hindi makagagawa ng anumang pananakit sa inyo. Kaya isaalang-alang mo na lang na totoong mga kuwento ang mga ito.

May naunawaan ba kayong anuman mula sa dalawang kuwento na ito? Sige magsalita kayo. (Mula sa paglalahad ng Diyos sa atin sa dalawang kuwento na ito, tunay nating madadama na Siya ang Namumuno, Maylalang, at Tagapamahala sa lahat ng bagay. Nakikita natin ang mga pagkilos ng Diyos, ang Kanyang walang hanggang kapangyarihan, at ang Kanyang karunungan, at mula rito ay lalo nating malalim na mararamdaman ang napakalawak na pagmamahal ng Diyos para sa sangkatauhan. Lahat ng ginagawa ng Diyos, ginagawa Niya para sa sangkatauhan.) Kung gayon, una, ang dalawa bang kuwentong ito ay bukod sa nakaraan nating talakayan ukol sa malasakit ng Diyos para sa sangkatauhan? Mayroon bang di-maiiwasan na koneksyon? (Oo.) Ano ang koneksyon? Sa loob ba ng dalawang kuwentong ito nakikita natin ang mga gawa ng Diyos at kung paano Niya pinapanukala at pinangangasiwaan ang lahat para sa sangkatauhan? Ang lahat ba ng ginagawa ng Diyos at lahat ng Kanyang iniisip ay nakatuon tungo sa pag-iral ng sangkatauhan? (Oo.) Hindi ba totoong malinaw ang maingat na pag-iisip at pagsasaalang-alang ng Diyos sa sangkatauhan? (Oo.) Hindi na kailangang gumawa ang sangkatauhan ng kahit na ano. Inihanda na ng Diyos para sa mga tao ang mismong hangin na kanilang ihihinga. Makikita mo na ang mga gulay at mga prutas ay kaagad makukuha. Mula sa hilaga hanggang sa timog, mula sa silangan hanggang sa kanluran, ang bawat rehiyon ay may sariling pinagkukunan at ang iba’t-bang mga tanim at mga prutas at mga gulay ay inihanda na ng Diyos para sa mga tao nang upang makapamuhay sila nang mapayapa. Lahat ng ito ay makapagpapatunay na ang lahat ng nilkha ng Diyos ay mabuti. Kapag pinag-uusapan ang mas malaking kapaligiran, ginawa ng Diyos na magkaka-ugnay ang lahat ng bagay, kapwa pinagbuklod, at nagtutulungan. Ginamit Niya ang pamamaraang ito at ang mga patakarang ito upang mapanatili ang kaligtasan at pag-iral ng lahat ng bagay at sa ganitong paraan ang sangkatauhan ay nabuhay nang tahimik at payapa at lumago at dumami mula sa isang salinlahi hanggang sa sumunod sa kapaligirang ito hanggang sa araw na kasalukuyan. Binabalanse ng Diyos ang likas na kapaligiran upang tiyakin ang kaligtasan ng sangkatauhan. Kung ang tuntunin at pamamahala ng Diyos ay hindi nakahanda, walang sinuman ang makapagpapanatili at makapagbabalanse ng kapaligiran, maging ito sa simula pa ay nilikha ng Diyos—hindi pa rin nito matitiyak ang kaligtasan ng sangkatauhan. Kaya makikita mo na ito ay ganap na napangangasiwaan ng Diyos! Kung ang tao ang gagawa ng buto at itatanim ito sa lupa, uusbong ba ito kailanman? Kung gumawa ng puno ang tao at ilalagay sa lupa, sa ilang daang taon ito ay hindi kailanman magkakaroon ng isang dahon. Hindi makagagawa ang tao ng buhay na mga buto. Ang tao ay dapat na mamalaging mabuhay sa plano ng Diyos. Sa ilang mga lugar ay walang hangin, samakatwid hindi mabubuhay ang tao doon at hindi ka hahayaan ng Diyos na magpunta doon. Kaya, huwag kang hihigit sa nararapat, ito ay para sa pag-iingat sa sangkatauhan at ang mga bagay na ito ay masyadong misteryoso. Ang bawat sulok ng kapaligiran, ang haba at ang luwang ng lupa, at ang bawat buhay na bagay sa lupa—kapwa nang nabubuhay at patay—ay inihanda ng Diyos at Siya ay nag-iisip sa pamamagitan nila: Bakit kinakailangan ang bagay na ito? Bakit hindi ito kailangan? Ano ang layunin sa pagkakaroon ng ganitong bagay dito at bakit dapat naroon iyon? Inisip na ng Diyos nang maigi ang lahat ng ito at hindi na kailangan ng mga tao na mag-isip tungkol sa mga ito. Lahat ng mga nilikha ng Diyos ay masyadong perpekto! May ilang hangal na mga tao na palaging nag-iisip tungkol sa paglilipat sa mga bundok, ngunit sa halip na gawin iyon, bakit hindi lumipat sa mga kapatagan? Kung hindi mo gusto ang mga bundok, bakit ka pupunta at maninirahan sa kanila? Hindi ba ito kahangalan? Ano ang mangyayari kapag inilipat mo ang bundok? Dadaluyong ang isang bagyo o ang isang malaking alon ay aalimbukay at ang mga tahanan ng mga tao ay mangawawasak. Hindi ba magiging kahangalan na gawin iyon? Tama? (Oo.) Maari lamang manira ang tao at hinihikayat lamang ni Satanas ang paninirang ito. Ang Diablo ay laging nag-iisip ng malalaking mga plano at panlilinlang upang itatag ang sarili nito at mapanatiling-buhay ang karangalan nito. Sinira pa nito ang tanging lugar na maaari itong tumahan, at gayunman gusto ng Diablo na maglaan at pamahalaan ang lahat ng bagay. Napakamangmang at masyadong hangal!

Hinahayaan ng Diyos na pamahalaan ng tao ang lahat ng bagay at magkaroon ng kapangyarihan sa kanilang lahat, ngunit nakagagawa ba ang tao ng magandang trabaho? (Hindi.) Paano nakagagawa ang tao ng masamang trabaho? Ang sangkatauhan ay nauuwi sa pagkawasak; hindi lamang sa hindi napananatili ng sangkatauhan ang mga bagay kung paano sila nilikha ng Diyos, sinira talaga niya ang mga ito. Ang mga bundok ay ginawang mga durog na buto ng sangkatauhan, pinasakan ang mga dagat ng lupa, ginawang mga disyerto ang mga kapatagan kung saan walang maaaring mabuhay. Subalit doon sa disyerto ay gumawa ng industriya ang tao at gumawa ng mga base nuklear at ang pagkawasak ay naghari sa lahat ng direksyon. Ang mga ilog ay hindi na mga ilog, ang dagat ay hindi na ang dagat, sila ay napuno na nang husto ng polusyon. Nang nilabag ng tao ang balanse at ang mga patakaran ng kalikasan, ang araw ng kanilang kapinsalaan at kamatayan ay hindi na malayo at hindi maiiwasan. Kapag dumating ang sakuna, malalaman mo kung gaano kahalaga ang nilikha ng Diyos at kung gaano kaimportante ang lahat ng ito para sa sangkatauhan; nagsisimula nang magising ang mga tao sa katotohanang ito. Nakikita mo, ang taong naninirahan sa isang kapaligiran na may magandang klima ay katulad ng nasa paraiso. Hindi napagtatanto ng mga tao ang pagpapalang ito, ngunit sa sandaling mawala nila ang lahat ng ito makikita nila kung gaano kabihira at kahalaga ang mga ito. Papaano makukuhang muli ng tao ang lahat ng ito? Ano ang maaaring gawin ng tao kung ayaw na ng Diyos na likhain itong muli? Ano ang maaari ninyong gawin? (Wala kaming maaaring gawin.) Sa totoo lang, mayroong isang bagay kayong magagawa at ito ay napakasimple at kapag sinabi ko sa inyo kung ano ito kaagad ninyong malalaman na ito ay maaaring gawin. Bakit natagpuan ng tao ang sarili niya sa kanyang kasalukuyang suliraning pangkapaligiran? Ito ba ay dahil sa kasakiman at pagkawasak ng tao? Kung titigilan ng tao ang pagkawasak na ito, hindi ba itatama ng buhay na kapaligiran nang unti-unti ang kanyang sarili? Kung walang ginagawa ang Diyos, kung ayaw na ng Diyos na gumawa ng kahit na anuman para sa sangkatauhan—iyon ay upang sabihin, ayaw Niyang makialam—ang pinakamahusay na paraan ay para sa tao na tigilan na ang pagkawasak na ito at ibalik ang mga bagay sa dati nilang kalagayan. Ang paglalagay ng katapusan sa mga pagwasak na ito ay ang pagtigil sa pamiminsala at pagluray sa mga bagay na nilikha ng Diyos. Magbibigay-daan ito sa kapaligiran na tinitirhan ng tao na bumuti ng unti-unti. Ang hindi paggawa nito ay magreresulta lang sa ibayong pagkasira ng kapaligiran at ito ay lalo lang lalala. Hindi mo ba nakikita na ang Aking pamamaraan ay simple? (Oo, ito nga.) Ito ay simple at maaaring gawin. Simple nga, at ito ay maaaring gawin para sa ilang mga tao, ngunit ito ba ay maaaring gawin ng higit na nakararaming mga tao sa mundo? (Hindi.) Para sa inyo, sa inyo na lang, maaari ba itong gawin? (Oo.) Ano ang pinanggalingan ng inyong “oo”? Maaari bang sabihin ng isang tao na kinapapalooban ito ng pagtatag ng isang batayan sa pagkaunawa tungkol sa mga gawa ng Diyos? Maaari bang sabihin ng isang tao na kinapapalooban ito ng pagtalima sa pamumuno at plano ng Diyos? (Oo.) Mayroong paraan upang baguhin ang lahat ng ito, ngunit hindi iyon ang paksa na ating tinatalakay ngayon. Ang Diyos ay nananagot sa bawat isang buhay na nilalang at Siya ay nananagot hanggang sa katapusan. Naglalaan ang Diyos para sa inyo, kahit na ikaw ay nagkasakit sa kapaligirang winasak ni Satanas, o naapektuhan ng polusyon o nakatanggap ng iba pang pinsala, hindi ito mahalaga; maglalaan ang Diyos para sa iyo at hahayaan ka Niyang mabuhay. Mayroon ka bang pananampalataya dito? (Oo!) Hindi tinatanggap ng Diyos nang basta-basta ang pagkawala ng buhay ng isang tao, tama?

Naramdaman na ba ninyo ang kahalagahan ng pagkilala sa Diyos bilang pinagmumulan para sa lahat ng buhay? Anong mga damdamin mayroon kayo? Magpatuloy kayo at makikinig Ako. (Sa nakaraan, hindi natin kailanman inisip na i-ugnay ang mga bundok, ang dagat at mga lawa sa mga pagkilos ng Diyos. Sa araw na ito, sa pamamagitan ng pakikisama ng Diyos, naiintindihan na nating ngayon na ang mga ito ay palaging mga pagkilos ng Diyos at na ang mga ito ay nanggaling sa Kanyang karunungan, kaya nakikita natin na ang paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay ay itinalaga na noon pang pasimula at lahat sila’y nagtataglay ng mabuting kalooban ng Diyos. Ang lahat ng bagay ay magkakaugnay at ang sangkatauhan ang siyang pangunahing benepisyaryo. Ang ating narinig sa araw na ito ay nadarama na totoong sariwa at naiiba, at nadama natin kung gaano katotoo ang mga pagkilos ng Diyos. Sa realidad at sa ating pang-araw-araw na mga buhay tunay ngang nakikita natin ang mga bagay bilang ang mga ito kapag nakikisalamuha tayo sa buhay na mga bagay.) Nakikita mo talaga ito, tama? Ang pagkakaloob ng Diyos para sa sangkatauhan ay hindi walang mahusay na saligan, hindi lang Siya basta magsasabi ng ilang mga salita at iyon na yun. Maraming ginagawa ang Diyos, maging ang mga bagay na hindi mo nakikita ginagawa Niya para sa iyong kapakanan. Nabubuhay ang tao sa kapaligirang ito, ang daigdig na ito na nilikha ng Diyos, at sa loob nito ay mga tao at ang iba pang mga bagay ay nagtutulungan, kagaya lang kung paanong ang gas na lumalabas mula sa mga halaman ay dumadalisay sa hangin at pinakikinabangan ng mga tao na inihihinga ito. Gayunman, ang ibang mga halaman ay nakalalason sa mga tao, ngunit wala bang ibang mga halaman ang nakikipagkompetensya sa mga halamang iyon? Ito ay isa sa mga hiwaga ng paglikha ng Diyos! Hindi natin tinalakay ang paksang ito ngayon, sa halip una nating tinalakay ang pagtutulungan ng tao at ibang mga bagay, kung paanong hindi mabubuhay ang tao na wala ang ibang mga bagay, at ang kahalagahan ng paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay. Hindi maaaring mabuhay ang tao na wala ang ibang mga bagay, gaya lamang ng kailangan ng tao ang hangin upang mabuhay at paano kung ikaw ay inilagay sa isang bakyum, ikaw ay mamamatay kaagad. Ito ay napakasimpleng prinsipyo upang tulutan kang makita na kinakailangan ng tao ang ibang mga bagay. Kaya anong uri ng pag-uugali ang dapat taglayin ng tao patungkol sa lahat ng bagay? (Pahalagahan ang mga ito.) Pahalagahan ang mga ito, ingatan ang mga ito, gamitin ang mga ito nang mahusay, huwag sisirain ang mga ito, huwag sasayangin ang mga ito at huwag babaguhin ang mga ito nang pabigla-bigla, sapagkat ang lahat ng bagay ay mula sa Diyos at pawang inilaan para sa sangkatauhan at dapat tratuhin ang mga ito ng sangkatauhan nang buong ingat. Tinalakay ko sa inyo sa araw na ito ang dalawang paksa, at maaari kang bumalik at pag-iisipang mabuti ang mga ito. Sa susunod na pagkakataon tatalakayin natin ang ilang bagay nang mas detalyado. Ang ating pagsasamahan ay magtatapos na rito sa ngayon. Paalam! (Paalam!)

Enero 18, 2014

Talababa:

a. Ang orihinal na teksto ay nilalaktawan ang “buhay at hindi buhay.”

0(Mga) Resulta ng Paghahanap