Ang Paglutas Lamang sa Tiwaling Disposisyon ng Isang Tao ang Makapagdudulot ng Tunay na Pagbabago (Ikalawang Bahagi)
Sabihin nang may isang taong nagpipinta ng isang larawan—sa tingin niya ay perpekto ito at kontento siya, hanggang sa isang araw, may isang taong nagsabi na maraming kapintasan ang kanyang painting. Bago pa man ito idetalye ng taong iyon, pakiramdam niya ay isa itong pag-atake sa kanya. Sumasama ang loob niya, at agad siyang kumokontra: “Sinasabi mong hindi ako magaling magpinta? Mas pangit kang magpinta kaysa sa akin at mas maraming problema ang mga gawa mo! Ni wala ngang gustong tumingin sa mga iyon!” Bakit nagagawa niyang sabihin ang gayong bagay? Nasa anong uri ng kalagayan siya para makapagsabi ng gayong bagay? Bakit siya nagagalit at nagngingitngit nang husto, at bakit nagiging mapaghiganti at agresibo ng pag-iisip niya dahil sa gayon kaliit na bagay? Ano ang nagdulot nito? (Iniisip niya na perpekto ang kanyang painting, at sumasama ang loob niya na may ibang nagsasabing may mga kapintasan ito.) Hindi mo maaaring sirain ang kanyang perpektong imahe. Kung sa tingin niya ay maganda ang isang bagay, pinakamainam na huwag mong tukuyin ang anumang kapintasan o banggitin ang anumang pag-aalinlangan. Dapat mong sabihin na: “Talagang maganda ang painting mong larawan. Maaari itong tawaging isang obra maestra. Sa tingin ko, maging ang mga kasanayan ng mga dakilang maestro ay hindi mas mahusay kaysa sa mga kasanayan mo. Kung ipapakita mo sa publiko ang obrang ito, tiyak na magiging usap-usapan ito sa industriya, at magiging isang mahalagang yaman ito sa loob ng maraming henerasyon!” Pagkatapos ay masisiyahan siya. Ang kasiyahan at galit ay mula sa iisang tao, kaya paanong mayroon siyang dalawang magkaibang pagpapamalas? Alin ang tiwaling disposisyon sa mga ito? (Kapwa tiwaling disposisyon ang mga ito.) Alin sa mga tiwaling disposisyong ito ang mas malubha? (Ang pangalawa.) Ang pangalawa ay nagbubunyag ng kanyang pagiging mapagpaimbabaw, kamangmangan, at kahangalan. Kapag may nagsasabing hindi ka magaling magpinta, bakit masyado kang nalulungkot, hanggang sa puntong nagkakaroon ka na ng napopoot, agresibo, at mapaghiganting kaisipan? Bakit labis kang nasisiyahan kapag may nakapagsasabi ng iilang magandang salita sa iyo? Bakit napakahambog mo? Hindi ba’t lubos na walang kahihiyan ang gayong mga tao? Wala silang kahihiyan; pareho silang hangal at kahabag-habag. Bagamat hindi masyadong maganda pakinggan ang mga salitang ito, ito ang totoo. Saan nagmumula ang kamangmangan, kahangalan, at pangit na mga ekspresyon ng mukha ng mga tao? Nagmumula ang mga ito sa mga tiwaling disposisyon ng mga tao. Kung ang isang tao ay may gayong saloobin kapag nangyayari ang mga ganitong bagay, ang mga bagay na naipapamalas nila ay hindi ang katwiran at konsiyensiya na dapat taglayin ng isang taong may normal na pagkatao, at hindi rin ang mga ito ang dapat na isabuhay ng isang taong may normal na pagkatao. Kung gayon paano dapat harapin ang mga bagay na tulad nito? Sinasabi ng ilang tao: “May paraan ako. Kapag may ibang nagyabang na magaling ako, mananahimik ako; kapag may nagsabi na masama ako, mananahimik din ako. Haharapin ko ang lahat nang hindi nagpapaapekto. Hindi kasali rito ang pagiging tama o mali, at hindi rin ito pagpapamalas ng isang tiwaling disposisyon. Hindi ba’t maganda ito?” Kumusta ang pananaw na ito? Nangangahulugan ba ito na ang mga taong ito ay walang tiwaling disposisyon? Gaano man kahusay ang isang tao sa pagpapanggap, kahit pa kaya niyang gawin ito nang ilang panahon, ang gawin ito habang-buhay ay hindi madali. Gaano ka man kahusay sa pagpapanggap, o gaano mo man kahigpit na pinagtatakpan ang mga bagay-bagay, hindi mo mapagtatakpan o maikukubli ang iyong tiwaling disposisyon. Maaaring malinlang mo ang mga tao tungkol sa kung ano ang nasa puso mo, ngunit hindi mo malilinlang ang Diyos, at hindi mo rin malilinlang ang iyong sarili. Maipapamalas man ito o hindi, sa huli, ang iniisip ng isang tao at ang lumalabas sa kanyang isipan, matindi man ito o hindi, malinaw man ito o hindi, ay kumakatawan sa kanyang tiwaling disposisyon. Kaya, hindi ba’t ang mga tiwaling disposisyong ito ay natural na lumalabas kahit saan at anumang oras? Iniisip ng ilang tao na maaaring madulas ang dila nila minsan kapag hindi sila nag-iingat, na maglalantad sa kanilang kaloob-loobang mga iniisip, at pagsisisihan nila ito. Iisipin nila na, “Sa susunod, wala na akong sasabihin; kaysa magsalita ako at magkamali. Kung wala akong anumang sasabihin, hindi lalabas ang aking tiwaling disposisyon, tama?” Sa huli, gayunpaman, kapag kumikilos sila, muling lumalabas ang kanilang mga tiwaling disposisyon, at muli nilang inilalantad ang kanilang mga intensiyon, na maaaring mangyari kahit saan at anumang oras, at imposibleng maging mapagbantay laban dito. Kaya, kung hindi nalutas ang iyong tiwaling disposisyon, normal lang na regular na lumitaw ang tiwaling disposisyon na iyon. Mayroon lamang isang paraan para malutas ito, iyon ay ang dapat mong hanapin ang katotohanan at magsikap, hanggang sa talagang maunawaan mo ang katotohanan, at lubos mong maunawaan ang diwa ng iyong tiwaling disposisyon; pagkatapos, magagawa mong kamuhian si Satanas at ang iyong laman, at sa ganitong paraan, magiging madali para sa iyo na isagawa ang katotohanan. Kapag naisasagawa mo ang katotohanan, ang lumalabas sa iyo ay hindi isang tiwaling disposisyon, bagkus ay isang pagpapamalas ng konsiyensiya, katwiran, at normal na pagkatao. Kaya, sa pamamagitan lamang ng paghahanap sa katotohanan mo malulutas ang problema ng isang tiwaling disposisyon; ang umasa sa pagtitimpi, pagpipigil, at pagdidisiplina sa sarili ay hindi isang epektibong paraan, at hindi talaga nito kayang lutasin ang tiwaling disposisyon.
Kaya, paano mo malulutas ang mga tiwaling disposisyon? Una, dapat mong kilalanin at himay-himayin ang pinagmulan ng mga tiwaling disposisyong ito, pagkatapos ay hanapin ang kaukulang pamamaraan ng pagsasagawa. Ikonsidera ang halimbawang ibinigay Ko. Iniisip ng taong ito na perpekto ang kanyang painting, ngunit sa huli, ang isang taong may pagkaunawa sa pagpipinta ay nagsasabing marami itong kapintasan, kaya’t hindi natuwa ang taong nagpinta, at pakiramdam nito ay nasaktan ang kanyang kumpiyansa sa sarili. Kapag nasaktan ang iyong kumpiyansa sa sarili, at kapag lumabas ang iyong tiwaling disposisyon, ano ang maaaring gawin? Ang ibang tao ay nagbibigay ng iba’t ibang ideya at pananaw, kaya ano ang maaaring gawin kapag hindi mo ito kayang tanggapin? Ang ilang tao ay walang kakayahang pangasiwaan ito nang tama. Kapag may nangyayari sa kanila, sinusuri muna nila ito: “Ano ang ibig nilang sabihin niyon? Ako ba ang pinupuntirya nila rito? Dahil ba tiningnan ko sila nang masama kahapon, kaya ngayon ay gusto nila akong gantihan? Kung ako ang pinupuntirya nila rito, hindi ko ito bastang palalampasin: ngipin sa ngipin, mata sa mata. Kung hindi sila magiging mabait sa akin, hindi ako magiging makatarungan sa kanila. Dapat akong gumanti!” Anong klaseng pagpapamalas ito? Ito ay pagpapamalas pa rin ng isang tiwaling disposisyon. Sa pagsasagawa, ang ganitong uri ng pagpapamalas ng tiwaling disposisyon ay nagpapakita ng kagustuhan at intensiyong gumanti. Sa diwa, ano ang katangian ng ganitong pagkilos? Hindi ba’t mapaminsala ito? May mapaminsalang kalikasan na nakapaloob dito. Maghihiganti ba ang mga tao kung wala silang mapaminsalang kalikasan? Hindi nila maiisip ito. Kapag nag-iisip ng paghihiganti ay saka lang lumalabas sa kanila ang ganitong uri ng pananalita: “Sinasabi mong hindi ako magaling magpinta? Mas pangit kang magpinta kaysa sa akin at mas maraming problema ang mga gawa mo! Ni wala ngang gustong tumingin sa mga iyon!” Ano ang katangian ng gayong pananalita? Ito ay isang uri ng pag-atake. Ano ang palagay mo sa ganoong paraan ng pagkilos? Ang pag-atake at paghihiganti ba ay positibo o negatibo? Ang mga ito ba ay papuri o panlalait? Malinaw na negatibo at mapanlait ang mga ito. Ang pag-atake at paghihiganti ay isang uri ng pagkilos at pagpapamalas na nagmumula sa mapaminsala at satanikong kalikasan. Isa rin itong uri ng tiwaling disposisyon. Ganito mag-isip ang mga tao: “Kung hindi ka mabait sa akin, gagawan kita ng masama! Kung hindi mo ako pakikitunguhan nang may dignidad, bakit kita pakikitunguhan nang may dignidad?” Anong klaseng pag-iisip ito? Hindi ba’t isa itong mapaghiganting klase ng pag-iisip? Sa pananaw ng isang karaniwang tao, hindi ba’t tama ang ganitong perspektiba? Hindi ba’t makatwiran ito? “Hindi ako aatake maliban na lang kung inatake ako; kung inatake ako, tiyak na gaganti ako ng atake,” at “Ito ang karma mo”—madalas na sabihin ng mga hindi mananampalataya ang gayong mga bagay; sa kanila, ang lahat ng ito ay mga pangangatwirang tama at lubos na umaayon sa mga kuru-kuro ng tao. Subalit paano nga ba dapat tingnan ng mga naniniwala sa Diyos at ng mga naghahangad sa katotohanan ang mga salitang ito? Tama ba ang mga ideyang ito? (Hindi.) Bakit hindi tama ang mga ito? Paano ba dapat kilatisin ang mga ito? Saan ba nanggagaling ang mga bagay na ito? (Mula kay Satanas.) Walang pagdududang nanggagaling ang mga ito kay Satanas. Sa aling mga disposisyon ni Satanas nagmumula ang mga ito? Nagmumula ang mga ito sa malisyosong kalikasan ni Satanas; nagtataglay ang mga ito ng lason, at tinataglay ng mga ito ang totoong mukha ni Satanas na puno ng pagkamalisyoso at kapangitan. Naglalaman ang mga ito ng ganitong uri ng kalikasang diwa. Ano ang katangian ng mga perspektiba, kaisipan, pagpapamalas, pananalita, at pati na rin ng mga kilos na naglalaman ng ganoong uri ng kalikasang diwa? Walang duda na ito ang tiwaling disposisyon ng tao—ito ang disposisyon ni Satanas. Nakaayon ba sa mga salita ng Diyos ang mga satanikong bagay na ito? Umaayon ba ang mga ito sa katotohanan? May batayan ba ang mga ito sa mga salita ng Diyos? (Wala.) Ang mga ito ba ang mga pagkilos na dapat gawin ng mga sumusunod sa Diyos, at mga saloobin at pananaw na dapat nilang taglayin? Ang mga kaisipan at paraan ng pagkilos na ito ay naaayon ba sa katotohanan? (Hindi.) Yamang hindi naaayon sa katotohanan ang mga bagay na ito, naaayon ba ang mga ito sa konsiyensiya at katwiran ng normal na pagkatao? (Hindi.) Ngayon ay malinaw mong makikita na ang mga bagay na ito ay hindi naaayon sa katotohanan o sa normal na pagkatao. Inakala ba ninyo dati na ang mga paraan ng pagkilos at pag-iisip na ito ay angkop, presentable, at may katwiran? (Oo.) Pinangingibabawan ng mga satanikong kaisipan at teoryang ito ang puso ng mga tao, pinangungunahan ang kanilang mga pag-iisip, pananaw, asal, at mga paraan ng pagkilos, gayundin ang kanilang iba’t ibang kalagayan; kaya, kaya bang maunawaan ng mga tao ang katotohanan? Talagang hindi. Sa kabaligtaran—hindi ba’t isinasagawa at pinanghahawakan ng mga tao ang mga bagay na sa tingin nila ay tama na para bang ang mga ito ang katotohanan? Kung ang mga bagay na ito ang katotohanan, bakit hindi nalulutas sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ito ang iyong mga praktikal na problema? Bakit hindi nagbubunga ng tunay na pagbabago sa iyo ang pagsunod sa mga ito, sa kabila ng iyong pananampalataya sa Diyos nang matagal? Bakit hindi mo magamit ang mga salita ng Diyos para makilatis ang mga pilosopiyang ito na galing kay Satanas? Pinanghahawakan mo pa rin ba ang mga satanikong pilosopiyang ito na parang ang mga ito ang katotohanan? Kung tunay kang may pagkilatis, hindi ba’t natuklasan na ang ugat ng mga problema? Dahil ang pinanghahawakan mo ay talagang hindi ang katotohanan—sa halip, ito ay mga satanikong maling paniniwala at pilosopiya—naroon ang problema. Lahat kayo ay dapat na sundin ang landas na ito upang siyasatin at suriing mabuti ang inyong mga sarili; tingnan kung aling mga bagay sa loob ninyo ang sa tingin ninyo ay may katwiran, na naaayon sa sentido komun at makamundong karunungan, na sa tingin ninyo ay maipepresenta ninyo—ang mga maling pag-iisip, pananaw, paraan ng pagkilos, at pundasyon na itinuring na ninyong katotohanan sa puso ninyo, na sa tingin ninyo ay hindi mga tiwaling disposisyon. Ipagpatuloy ang paghuhukay para sa mga bagay na ito; marami pa ang nandoon. Kung huhukayin ninyo ang lahat ng tiwali at negatibong bagay na ito, hihimayin ninyo ang mga ito hanggang sa magkaroon kayo ng pagkakilala, at hanggang sa magawa ninyong bitiwan ang mga ito, pagkatapos ay madaling malulutas ang inyong mga tiwaling disposisyon, at kayo ay malilinis.
Balikan natin ang halimbawa kanina. Kapag narinig ng pintor ang mga pagsusuri ng iba sa kanyang gawa, kapwa negatibo at kaaya-aya, anong uri ng tugon ang tama, na may pag-uugali at pagpapamalas na parehong may pagkatao at katwiran? Kasasabi Ko lang na ang mga kaisipang iyon sa loob ng mga tao, tingin man nila ay tama o mali ang mga ito, ay lahat nagmumula kay Satanas, mula sa kanilang tiwaling disposisyon; ang mga ito ay mali, at hindi ang katotohanan. Gaano man katama ang iniisip mo, o gaano mo man inaakala na sinasang-ayunan ng iba ang iyong mga iniisip, hindi nagmumula ang mga ito sa katotohanan; hindi pagpapamalas o pagsasabuhay sa katotohanang realidad ang mga ito, at hindi naaayon sa kalooban ng Diyos ang mga ito. Kaya paano mo talaga dapat tratuhin ang bagay na ito nang may katwiran at pagkatao? Una sa lahat, huwag maging hambog dahil sa mga papuri na ibinibigay sa iyo ng iba; iyon ay isang uri ng kalagayan. Bukod dito, huwag mong kontrahin o kamuhian ang masasamang bagay na sinasabi ng iba tungkol sa iyo, lalong hindi ka dapat magkaroon ng mapaminsala at mapaghiganting pag-iisip. Pinupuri ka man nila o hindi, o nagsasabi man sila ng masasamang bagay tungkol sa iyo, dapat kang magkaroon ng wastong saloobin sa puso mo. Anong klaseng saloobin? Una, dapat kang manatiling kalmado, pagkatapos ay sabihin mo sa kanila: “Ang pagpipinta ay isang simpleng libangan lamang para sa akin. Alam ko naman ang antas ng aking kakayahan. Anuman ang sabihin mo, kaya kitang tratuhin nang tama. Huwag na nating pag-usapan ang pagpipinta; hindi ako interesado rito. Mas interesado ako sa kung masasabi mo ba sa akin kung saan ako mayroong mga pagpapamalas ng mga tiwaling disposisyon na hindi ko pa napagtatanto, na hindi ko namamalayan. Magbahaginan tayo at siyasatin ang mga bagay na ito. Danasin natin pareho ang paglago sa ating pagpasok sa buhay, at magkaroon tayo ng mas malalim na pagpasok—magiging napakaganda niyon! Ano ang silbi ng pag-uusap tungkol sa mga panlabas na bagay? Hindi iyon makakatulong sa isang tao na gawin nang maayos ang kanyang tungkulin. Sabihin mo mang maganda o pangit ang aking ipinintang larawan, wala talaga akong pakialam. Kung pupurihin mo ang ipininta kong larawan, hindi kaya mayroon kang lihim na motibo? Hindi kaya nais mo akong gamitin para gumawa ng isang bagay para sa iyo? Kung gusto mong tulungan kitang pangasiwaan ang isang bagay, tutulong ako sa abot ng aking makakaya, nang walang hinihinging kabayaran; kung hindi ako makakatulong, maaari kitang bigyan ng ilang mungkahi. Hindi na kailangan pang pakitunguhan ako nang ganito. Ito ay mapagpaimbabaw, at nasusuklam at nasusuka ako rito! Kung sinasabi mong pangit ang ipininta kong larawan, sinusubukan mo ba akong tuksuhin, at ihulog ako sa tukso? Gusto mo bang kumilos ako nang mapusok, at pagkatapos ay gumanti sayo at atakihin ka? Hindi ko gagawin iyon; hindi naman ako ganoon kahangal. Hindi ako malilinlang ni Satanas.” Ano ang tingin mo sa gayong saloobin? (Mabuti ito.) Ano ang tawag sa paraang ito ng pagkilos? Ito ay tinatawag na pagganti kay Satanas. Ang ilang tao na hindi naghahangad sa katotohanan ay walang magawa, at nagsasabi sila ng lahat ng uri ng walang kwentang salita: “Ah, napakamatagumpay ng dati mong propesyon, nakakainggit iyon!” “Ah! Tingnan mo kung gaano ka kaganda! Ang mukha mo ay ang ehemplo ng magandang kapalaran.” Tinitingnan nila kung sino ang makapangyarihan, kung sino ang may hitsura, o kung sino ang may silbi sa kanila, at pagkatapos ay patuloy silang magiging malapit sa mga ito, bobolahin ang mga ito, pupurihin, at magiging sipsip sa mga ito. Gumagamit sila ng lahat ng uri ng kasuklam-suklam at kahiya-hiyang pamamaraan para matugunan ang kanilang sariling lihim na mga intensiyon at hangarin. Hindi ba’t nakasusuklam ito? (Oo.) Kaya paano mo dapat tratuhin ang ganitong uri ng tao kapag nakatagpo mo siya? Tama bang sundin ang ngipin sa ngipin, mata sa mata? (Hindi.) Kung wala kang oras, magsabi ka lang ng ilang masasakit na salita para gantihan at hiyain sila. Maaari mong sabihin: “Bakit ba sobra kang nakakabugnot? Wala ka bang ibang nga bagay na dapat asikasuhin? Anong silbi ng pagtsitsismis tungkol sa gayong mga bagay?” Kung sa tingin mo ay masyadong mababaw at nakakasuka ang kanilang pambobola, ayaw mong makinig, at wala kang oras na magsalita nang mahaba, kung gayon, tumugon ka lang sa ilang pangungusap na ito at tapusin mo na ang usapan. Kung may oras ka, makipagbahaginan ka sa kanila. Sa pakikipagbahaginan, walang tiwaling disposisyon, walang pagkamainitin ng ulo o pagiging natural, walang pang-aatake o paghihiganti, walang poot, at walang bagay na kinasusuklaman ng mga tao—ang mga bagay na naipapamalas mo ay dapat naaayon sa normal na pagkatao, dapat naaayon sa konsiyensiya at katwiran, dapat taglay ang katotohanang realidad, dapat nakatutulong sa iba, at dapat na nakabubuti at kapaki-pakinabang sa iba. Ang lahat ng bagay na ito ay positibong pagpapamalas. Kaya, ano ang ilang negatibong pagpapamalas? Subukang ibuod ang mga ito. (Paghihiganti, pang-aatake, ngipin sa ngipin.) Paghihiganti, pang-aatake, ngipin sa ngipin, mata sa mata, at ang mga ideya na nakaugaliang isipin ng mga tao na tama: “Ito ang karma mo,” at “Ako ay isang matuwid na ginoo, hindi ako kasuklam-suklam na tao, at hindi ako mapagpaimbabaw.” Naaayon ba sa katotohanan ang mga bagay na ito na sa tingin ng mga tao ay tama? (Hindi.) Ang mga bagay na ito ay nararapat siyasatin. Iyong mga bagay na simple, malinaw, at madaling makita sa isang sulyap lang ay medyo mas madaling makilatis. Tungkol naman sa mga bagay na hindi nakikita ng karamihan sa mga tao, na inaakala ng maraming tao na tama at mabuti—hindi kinikilatis ng mga tao ang mga ito, kaya madali para sa kanila na tratuhin at sundin ang mga ito na parang ang mga ito ang katotohanan. Sa pagsunod sa mga ito, iniisip ng mga tao na ang isinasabuhay nila ay ang katotohanang realidad at normal na pagkatao; iniisip nila kung gaano kaperpekto, gaano kahusay, gaano kamakatarungan at kakagalang-galang, at kung gaano sila kabukas at katapat. Ang pagsasabuhay at pagpapalit sa katotohanan ng mga bagay na iyon na mainitin ang ulo, natural, makalaman, etikal, at moral na tila ba ang mga ito ang realidad ng katotohanan ay isang pagkakamali na karaniwang nagagawa ng karamihan sa mga tao, na kahit na ang mga nananampalataya sa Diyos nang maraming taon ay hindi nakakakilatis dito; halos lahat ng nananampalataya sa Diyos ay kailangang dumaan sa yugtong ito, at ang mga naghahangad lamang sa katotohanan ang makatatakas sa maling ideyang ito. Kaya, dapat kilalanin at suriing mabuti ng mga tao ang mga bagay na ito na nagmumula sa pagkamainitin ng ulo at sa pagiging natural. Kung maaarok at malulutas mo ang mga bagay na ito, ang ilan sa mga bagay na karaniwang naipapamalas mo ay magiging naaayon sa katotohanang realidad. Ang pagsasagawa sa katotohanan ay maaaring matamo kapag may normal na pagkatao; ang pagsasagawa sa katotohanan ang tanging pamantayan na nagpapatunay na ang isang tao ay may konsiyensiya at katwiran. Gaano man karami sa katotohanan ang isinasagawa nila, lahat ito ay positibo; talagang hindi ito isang tiwaling disposisyon, lalong hindi ito pagkilos nang may init ng ulo. Kung may nanakit sa iyo dati, at ganoon mo rin siya tinatrato, naaayon ba ito sa mga katotohanang prinsipyo? Kung, dahil sa sinaktan ka niya—sinaktan ka nang husto—ay sinubukan mo sa patas o maruming paraan na gantihan at parusahan siya, ayon sa mga hindi mananampalataya, ito ay makatarungan at makatwiran, at walang maipipintas dito; ngunit anong uri ng paraan ng pagkilos ito? Ito ay pagkamainitin ng ulo. Sinaktan ka niya, kung saan ang paraan ng pagkilos na ito ay pagpapamalas ng tiwaling satanikong kalikasan, ngunit kung gaganti ka sa kanya, hindi ba’t katulad ng sa kanya ang iyong paraan ng pagkilos? Ang mentalidad, pinagsisimulan, at pinagmumulan ng iyong paghihiganti ay pareho ng sa kanya; walang ipinagkaiba. Kaya, ang katangian ng iyong mga kilos ay tiyak na mainitin ang ulo, natural, at sataniko. Sapagkat ito ay sataniko at mainitin ang ulo, hindi ba’t dapat mong baguhin ang pagkilos mong ito? Dapat bang magbago ang pinagmulan, intensiyon, at motibasyon sa likod ng iyong mga kilos? (Oo.) Paano mo babaguhin ang mga ito? Kung maliit na bagay ang nangyayari sa iyo, kahit na hindi ka komportable rito, kapag hindi ito nakakaapekto sa iyong sariling mga interes, o nakakapanakit sa iyo nang husto, o nagsasanhi sa iyo na kamuhian ito, o inuudyukan kang itaya ang buhay mo para gumanti, kung gayon, maaari mong isuko ang iyong poot nang hindi umaasa sa pagkamainitin ng ulo; sa halip, maaari kang umasa sa iyong katwiran at pagkatao para mapangasiwaan nang tama at mahinahon ang bagay na ito. Maaari mong prangka at taimtim na ipaliwanag ang bagay na ito sa taong iyon, at lutasin ang iyong poot. Pero kung masyadong malalim ang poot na ito, kung kaya’t umabot ka sa punto na gusto mong gumanti at nakararamdam ka ng mapait na poot, makakayanan mo pa bang magtimpi? Kapag nagagawa mong hindi umasa sa pagkamainitin ng ulo, at mahinahon mong masasabi na, “Dapat maging makatwiran ako. Dapat akong mamuhay ayon sa aking konsiyensiya at katwiran, at mamuhay ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Hindi ko pwedeng tugunan ang kasamaan ng kasamaan, kailangan kong manindigan sa aking patotoo at ipahiya si Satanas,” hindi ba’t ibang kalagayan ito? (Iba nga.) Anong mga uri ng kalagayan ang mayroon kayo noon? Kung may ibang taong nagnakaw ng isang bagay na pag-aari mo, o kumain ng pagkain mo, hindi ito katumbas ng isang malaking, matinding poot, kaya hindi mo iisipin na kailangang makipagtalo sa kanya hanggang sa mamula ang mukha mo dahil sa isyung ito—hindi mo ito dapat pagtuunan ng pansin, at hindi karapat-dapat pag-aksayahan ng oras. Sa ganitong uri ng sitwasyon, mapapangasiwaan mo ang usapin nang makatwiran. Ang kakayahang pangasiwaan ang bagay nang makatwiran ay katumbas ba ng pagsasagawa sa katotohanan? Katumbas ba ito ng pagkakaroon ng katotohanang realidad sa usaping ito? Talagang hindi. Ang pagkamakatwiran at pagsasagawa sa katotohanan ay dalawang magkahiwalay na bagay. Kung makatatagpo ka ng isang bagay na talagang ikinagagalit mo, ngunit nagagawa mong harapin ito nang makatwiran at mahinahon, nang hindi hinahayaang lumabas ang init ng ulo o katiwalian mo—hinihingi nito na maunawaan mo ang mga katotohanang prinsipyo at umasa sa karunungan para harapin ito. Sa gayong sitwasyon, kung hindi ka mananalangin sa Diyos o maghahanap sa katotohanan, madaling lilitaw sa iyo ang pagkamainitin ng ulo—maging ang karahasan. Kung hindi mo hahanapin ang katotohanan, gagamitin lamang ang mga pamamaraan ng tao, at haharapin ang isyu ayon sa sarili mong mga kagustuhan, hindi mo ito malulutas sa pamamagitan ng pangangaral ng kaunting doktrina o pag-upo at paglalantad sa puso mo. Hindi iyon ganoon kasimple.
Ngayon, saklaw lahat ng pagbabahaginan natin ang problema ng mga tiwaling disposisyon at tiwaling kalikasan ng mga tao. Ang ilang tao ay ipinanganak na may simple at prangkang ugali; kapag nagdudulot ang iba ng mga kawalan sa kanilang mga interes, o may sinasabing hindi kasiya-siya sa kanila, tinatawanan lang nila ito at pinapalampas. Ang ilang tao ay makitid ang isip, at hindi nila kayang palampasin ito, buong buhay silang nagkikimkim ng sama ng loob. Alin sa dalawang uri ng taong ito ang may tiwaling disposisyon? Sa totoo lang, kapwa sila may tiwaling disposisyon, kaya lang, magkaiba ang likas na ugali nila. Hindi maiimpluwensyahan ng ugali ang tiwaling disposisyon ng isang tao, at hindi rin maitatakda ng ugali ang lalim ng kanyang tiwaling disposisyon. Hindi maitatakda ng pagpapalaki, edukasyon, at mga sitwasyon ng pamilya ng mga tao ang lalim ng kanilang tiwaling disposisyon. Kaya may kaugnayan ba ito sa mga bagay na pinag-aaralan ng mga tao? Sinasabi ng ilang tao: “Nag-aral ako ng literatura at nakabasa ng maraming aklat; mahusay ang sensibilidad ko at may pinag-aralan ako, kaya mas malakas ang abilidad kong magpigil sa sarili kaysa sa iba, mas higit akong nakauunawa sa mga tao kaysa sa iba, at mas malawak ang pag-iisip ko kaysa sa iba. Kapag nahaharap ako sa mga bagay-bagay, may paraan ako para malutas ang mga ito, kaya maaaring hindi masyadong malalim ang aking tiwaling disposisyon” Sinasabi ng ilang tao: “Nag-aral ako ng musika, kaya may espesyal na talento ako. Pinapasigla ng musika ang kalooban ng mga tao at dinadalisay ang kanilang mga kaluluwa. Habang inaantig ng bawat nota ang kaluluwa ng isang tao, ang kanyang kaluluwa ay nadadalisay at nababago. Ang pakikinig sa iba’t ibang musika ay nagdudulot sa mga tao ng iba’t ibang lagay ng pag-iisip at iba’t ibang lagay ng kalooban. Kapag negatibo ang lagay ng kalooban ko, nakikinig ako ng musika para malutas ito, kaya unti-unting humihina ang aking tiwaling disposisyon habang nakikinig ako ng musika. Unti-unti ring nalulutas ang aking tiwaling kalikasan habang humuhusay ang abilidad ko sa musika.” Sinasabi ng ilang taong kumakanta na: “Ang mga kaaya-ayang kanta ay nakapagdudulot ng kaligayahan sa kaluluwa ng mga tao. Habang mas kumakanta ako, mas gumaganda ang boses ko, mas humuhusay ang kasanayan ko sa pagkanta, at mas nagiging propesyonal ako, na nakapagpapabuti sa kalagayan ko. Habang mas bumubuti ang kalagayan ko, hindi ba’t liliit nang liliit ang tiwaling disposisyon ko?” Sa tingin ba ninyo ay ganito ang lagay? (Hindi.) Kaya, maraming tao ang may maling mga ideya sa kanilang kaalaman at pagkaunawa sa mga tiwaling disposisyon; kapag nakatanggap sila ng kaunting edukasyon, akala nila ay nabawasan na ang kanilang tiwaling disposisyon. Iniisip pa nga ng ilang matatanda na: “Noong bata pa ako, nagdusa ako nang husto, at napakasimple ng buhay; tumuon ako sa pag-iipon at hindi sa pag-aaksaya. Anuman ang trabaho ko, napakalinis kong gumawa at magalang ang pananalita ko. Nagsalita ako nang prangka at isa akong inosenteng tao. Kaya, wala akong ganoon karaming tiwaling disposisyon. Ang ilang kabataan ay naiimpluwensyahan ng kanilang panlipunang kapaligiran: Gumagamit sila ng droga, at naghahangad sila ng masasamang uso. Lubha silang nahawaan ng panlipunang kapaligiran, at malalim na nagawang tiwali!” Ang mga maling pagkaunawa at kaalaman sa mga tiwaling disposisyon na ito ay nagdudulot sa mga tao ng iba’t ibang damdamin at pagkiling hinggil sa kanilang tiwaling diwa at satanikong kalikasan. Dahil sa mga damdamin at pagkiling na ito, nadarama ng karamihan sa mga tao na bagamat mayroon silang tiwaling disposisyon, bagamat sila ay mayabang, mapagmagaling, at mapanghimagsik, ang karamihan sa kanilang pag-uugali ay mabuti pa rin. Sa partikular, kapag ang mga tao ay nakakasunod sa mga panuntunan, may normal at organisadong espirituwal na buhay, at nakapagsasalita ng ilang espirituwal na doktrina, lalo pa silang nagiging kumbinsido na mayroon silang mga natamo sa landas ng pananampalataya sa Diyos, at na malaking bahagi ng kanilang tiwaling disposisyon ang nalutas na. Mayroon pa ngang ilang tao na, kapag hindi gaanong masama ang kanilang kalagayan, kapag mayroon silang mga natatapos sa paggawa ng kanilang tungkulin, o kapag may nakakamit silang isang bagay, nag-iisip na sila ay espirituwal na, na sila ay mga banal na tao na naperpekto at nalinis na, at na wala na silang tiwaling disposisyon. Hindi ba’t ang gayong mga kaisipan ng mga tao ang iba’t ibang maling akala na umuusbong sa ilalim ng mga sitwasyon ng walang tunay na pagkakilala sa kanilang sariling mga tiwali at satanikong disposisyon? (Ganoon na nga.) Hindi ba’t ang mga maling akalang ito ang pinakamalaking hadlang sa mga tao sa paglutas ng kanilang mga tiwaling disposisyon at paghihirap? Ito ang pinakamalaking balakid, ang siyang dahilan kung bakit pinakamahirap iwasto ang mga tao.
Nauunawaan ba ninyo kung ano ang pinagbahaginan natin ngayong araw? Naarok ba ninyo ang mga pangunahing elemento? Kung hindi malulutas ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao, hindi sila makapapasok sa katotohanang realidad. Kung hindi nila alam kung aling mga tiwaling disposisyon ang mayroon sila, o kung ano ang sarili nilang satanikong kalikasang diwa, kaya ba talaga nilang aminin na sila mismo ay mga tiwaling tao? (Hindi.) Kung hindi talaga kayang aminin ng mga tao na sila ay sataniko, na sila ay mga miyembro ng tiwaling lahi ng tao, magagawa ba talaga nilang magsisi? (Hindi.) Kung hindi talaga nila magagawang magsisi, maaari kayang madalas nilang iisipin na hindi sila napakasama, na sila ay marangal, mataas ang posisyon, na sila ay may katayuan at karangalan? Maaari kayang madalas silang magkaroon ng gayong mga kaisipan at kalagayan? (Maaari nga.) Kaya bakit lumilitaw ang mga kalagayang ito? Ang lahat ng ito ay maaaring ibuod sa iisang pangungusap: Kung hindi malulutas ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao, kung gayon, ang kanilang puso ay palaging mababagabag, at mahihirapan silang magkaroon ng normal na kalagayan. Ibig sabihin, kung ang iyong tiwaling disposisyon ay hindi nalutas sa isang aspeto, labis kang mahihirapan na makawala sa impluwensya ng negatibong kalagayan, at labis kang mahihirapan na umalis sa negatibong kalagayang iyon, kaya maaaring iisipin mo pa nga na tama, wasto, at naaayon sa katotohanan ang kalagayan mong ito. Panghahawakan at ipagpapatuloy mo ito, at natural na mabibitag ka rito, kaya’t magiging napakahirap na umalis dito. Pagkatapos, isang araw, sa sandaling maunawaan mo ang katotohanan, mapagtatanto mo na ang ganitong uri ng kalagayan ay nagdudulot sa iyo na magkamali ng pagkaunawa at lumaban sa Diyos, at nagdudulot sa iyo na salungatin at husgahan ang Diyos, hanggang sa punto na pagdududahan mo kung ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan, pagdududahan ang gawain ng Diyos, pagdududahan na ang Diyos ang pinakamakapangyarihan sa lahat, at pagdududahan na ang Diyos ang realidad at pinagmulan ng lahat ng positibong bagay. Makikita mo na napakamapanganib ng kalagayan mo. Ang matinding kahihinatnang ito ay dahil sa wala kang tunay na kaalaman sa mga satanikong pilosopiya, ideya, at teoryang ito. Sa oras na ito mo lang makikita kung gaano kasama at kamapaminsala si Satanas; si Satanas ay lubos na may kakayahang linlangin at gawing tiwali ang mga tao, na nagsasanhi sa kanila na tahakin ang landas ng paglaban sa Diyos at pagkakanulo sa Kanya. Kung hindi malulutas ang mga tiwaling disposisyon, magiging malubha ang mga kahihinatnan. Kung may kakayahan kang taglayin ang kaalamang ito, ang realisasyong ito, ito ay ganap na resulta ng iyong pagkaunawa sa katotohanan, at sa mga salita ng Diyos na nagbibigay-liwanag at nagtatanglaw sa iyo. Ang mga taong hindi nakauunawa sa katotohanan ay hindi nakakahalata kung paano ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao, kung paano nito nililinlang ang mga tao at inuudyukan silang labanan ang Diyos; sobrang mapanganib ang kahihinatnang ito. Habang nararanasan ng mga tao ang gawain ng Diyos, kung hindi nila alam kung paano pagnilay-nilayan ang sarili, tukuyin ang mga negatibong bagay, o tukuyin ang mga satanikong pilosopiya, hinding-hindi sila makakawala sa panlilinlang at pagtitiwali ni Satanas. Bakit hinihingi ng Diyos sa mga tao na magbasa ng marami pang salita Niya? Ito ay upang maunawaan ng mga tao ang katotohanan, makilala ang kanilang sarili, malinaw na makita kung ano ang nagsasanhi ng kanilang mga tiwaling kalagayan, at makita kung saan nagmumula ang kanilang mga ideya, pananaw, at pamamaraan ng pagsasalita, pag-uugali, at pakikipagharap sa mga bagay-bagay. Kapag nalaman mo na ang mga pananaw na ito na iyong pinanghahawakan ay hindi naaayon sa katotohanan, na sumasalungat ang mga ito sa lahat ng sinabi ng Diyos, at na hindi ang mga ito ang ninanais Niya; kapag mayroong mga hinihingi sa iyo ang Diyos, kapag sumapit sa iyo ang Kanyang mga salita, at kapag hindi tinulutan ng iyong kalagayan at mentalidad na magpasakop ka sa Diyos, ni maging masunurin sa mga sitwasyong isinaayos Niya, o na makapamuhay ka nang libre at malaya sa presensiya ng Diyos at makapagbigay-kasiyahan sa Kanya—lahat ito ay nagpapatunay na mali ang pinanghahawakan mong kalagayan. Naharap na ba kayo sa ganitong uri ng sitwasyon dati: Namumuhay ka sa mga bagay na sa tingin mo ay positibo, na sa tingin mo ay pinaka-kapaki-pakinabang sa iyo; ngunit sa hindi inaasahan, kapag may nangyayari sa iyo, ang mga bagay na sa tingin mo ay pinakatama ay kadalasang wala namang positibong epekto—sa kabaligtaran, nagiging sanhi ang mga ito na pagdudahan mo ang Diyos, iniiwan kang walang landas, nagdudulot sa iyo ng mga maling pagkaunawa sa Diyos, at nagdudulot ng pagtutol sa Diyos—naranasan mo na ba ang gayong mga pagkakataon? (Oo.) Siyempre, tiyak na hindi mo panghahawakan ang mga bagay na sa tingin mo ay mali; patuloy ka lamang kumakapit at nagpupursige sa mga bagay na sa tingin mo ay tama, palaging namumuhay sa gayong kalagayan. Kapag isang araw ay naunawaan mo ang katotohanan, saka mo lang mapagtatanto na ang mga bagay na pinanghahawakan mo ay hindi positibo—ganap na mali ang mga ito, mga bagay na inaakala ng mga tao na mabuti, ngunit hindi ang katotohanan ang mga ito. Gaano kadalas ninyo napagtatanto at namamalayan na ang mga bagay na pinanghahawakan ninyo ay mali? Kung madalas na batid ninyo na mali ang mga ito, ngunit hindi kayo nagninilay-nilay, at may pagtutol sa puso ninyo, hindi matanggap ang katotohanan, hindi maharap nang tama ang mga bagay na ito, at nangangatwiran kayo sa inyong sarili—kung ang ganitong uri ng maling kalagayan ay hindi nabago, lubha itong mapanganib. Kung palagi ninyong panghahawakan ang gayong mga bagay, malamang na kayo ay mamighati, matisod at mabigo, at bukod pa rito, hindi kayo makapapasok sa katotohanang realidad. Kapag palaging pinangangatwiranan ng mga tao ang kanilang sarili, ito ay paghihimagsik; ibig sabihin ay wala sila sa tamang katwiran. Kahit na wala silang sabihing anumang bagay nang malakas, kung hawak nila ito sa kanilang puso, hindi pa rin nalulutas ang ugat ng problema. Kaya sa anong mga panahon ka may kakayahang hindi sumalungat sa Diyos? Dapat mong baguhin ang iyong kalagayan at lutasin ang mga ugat ng iyong problema sa aspetong ito; dapat malinaw sa iyo kung nasaan mismo ang pagkakamali sa pananaw na pinanghahawakan mo; dapat mong siyasatin ito, at hanapin ang katotohanan para lutasin ito. Saka ka lang makapamumuhay sa tamang kalagayan. Kapag namumuhay ka sa tamang kalagayan, hindi ka magkakaroon ng mga maling pagkaunawa sa Diyos, at hindi ka sasalungat sa Kanya, lalong hindi lilitaw sa iyo ang mga kuru-kuro. Sa panahong ito, ang paghihimagsik mo sa aspetong ito ay malulutas. Kapag nalutas na ito, at alam mo kung paano kumilos alinsunod sa kalooban ng Diyos, hindi ba’t magiging tugma sa Diyos ang mga kilos mo sa oras na ito? Kung katugma mo ang Diyos sa usaping ito, hindi ba’t aayon sa Kanyang kalooban ang lahat ng ginagawa mo? Hindi ba’t alinsunod sa katotohanan ang mga paraan ng pagkilos at pagsasagawang naaayon sa kalooban ng Diyos? Habang naninindigan ka sa usaping ito, namumuhay ka sa tamang kalagayan. Kapag namumuhay ka sa tamang kalagayan, ang ipinamamalas at isinasabuhay mo ay hindi na isang tiwaling disposisyon; nagagawa mo nang magsabuhay ng normal na pagkatao, madali na para sa iyo na isagawa ang katotohanan, at tunay ka nang mapagpasakop. Ngayon, ang karanasan ng karamihan sa inyo ay hindi pa umabot sa puntong ito, kaya’t marahil ay hindi ninyo masyadong nauunawaan ang mga salita ng Diyos, at ang inyong pagkaunawa sa mga ito ay hindi malinaw. Kaya ninyong tanggapin ang mga ito sa teorya at tila ba nakauunawa kayo, ngunit tila rin ba hindi kayo nakauunawa. Ang bahaging nauunawaan ninyo ay ang doktrina, at ang bahaging hindi ninyo nauunawaan ay ang bahaging tungkol sa mga kalagayan at realidad. Habang lumalalim ang iyong karanasan, mauunawaan ninyo ang mga salitang ito, at malalaman ninyo kung paano isagawa ang mga ito. Ngayon, gaano man kalalim ang karanasan mo, talagang hindi kakaunti ang mga paghihirap na mayroon ka sa iba’t ibang bagay na nangyayari sa iyo, kaya, paano mo malulutas ang mga paghihirap na ito? Una, dapat mong pagnilayan ang mga tiwaling disposisyon na dapat mong siyasatin: Anong iba’t ibang aspeto ang mayroon? Sino ang gustong subukang ilarawan ang mga ito? (Kabilang dito ang limang aspeto: mga ideya, pananaw, kondisyon, lagay ng kalooban, at paninindigan.) Sa sandaling maunawaan mo ang doktrina, paano ka dapat magsagawa at dumanas kapag may nangyayari sa iyo? (Kapag may nangyayari, dapat naming suriin kung anong disposisyon at kalikasan ang tinutukoy ng mga saloobin at ideyang naipapamalas namin, alamin ang mga mentalidad, ideya, at pananaw na ito, at pagkatapos ay simulang lutasin ang mga ito mula rito.) Tama ito. Kung lubos mong kilala ang iyong sariling mga tunay na mga kalagayan, saloobin, ideya, at pananaw, kalahati ng problemang ito ay nalutas na, at sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan at pagsasagawa nito, ang paghihirap ay nawala na.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.