Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Umiiral ba ang Trinidad? (Ikalawang bahagi)

Maaari itong maging paalala para sa karamihan ng mga tao ang mga salita ng Diyos mula sa Genesis: “Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis”. Ipagpalagay na sinasabi ng Diyos na lalangin “natin” ang tao sa “ating” larawan, kung gayon ang “natin” ay nagpapakita ng dalawa o higit pa; yamang sinabi Niyang “natin,” kung gayon hindi lang iisa ang Diyos. Sa ganitong paraan, ang tao ay nagsimulang mag-isip nang pangkalahatan ukol sa magkakaibang mga persona, at mula sa mga salitang ito nagkaroon ng ideya ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu. Ano kung gayon ang hitsura ng Ama? Ano ang hitsura ng Anak? At ano ang hitsura ng Banal na Espiritu? Maaari kaya na ang tao sa kasalukuyan ay ginawa sa larawan ng isa na pinagsama-sama mula sa tatlo? Kung gayon ang larawan ba ng tao ay kagaya ng sa Ama, ng Anak, o ng Banal na Espiritu? Alin sa mga persona ng Diyos ang kalarawan ng tao? Ang ideyang ito ng tao ay totoong mali at walang kabuluhan! Mapaghihiwalay lang nito ang isang Diyos sa ilang mga Diyos. Sa panahong sinulat ni Moises ang Genesis, ito ay pagkatapos malikha ang sangkatauhan kasunod ng paglikha sa mundo. Noong pasimula, nang mag-umpisa ang mundo, si Moises ay wala pa. At nagtagal pa bago sulatin ni Moises ang Biblia, kaya paano niya posibleng nalaman kung ano ang sinabi ng Diyos sa langit? Siya ay walang malay sa kung paano nilikha ng Diyos ang mundo. Sa Lumang Tipan ng Biblia, walang banggit tungkol sa Ama, sa Anak, at sa Banal na Espiritu, tanging tunay na Diyos lamang, si Jehovah, ang nagpapatupad ng Kanyang gawain sa Israel. Siya ay tinatawag sa iba’t-ibang pangalan sa pagbabago ng panahon, ngunit hindi nito mapatutunayan na ang bawat pangalan ay tumutukoy sa iba’t-ibang persona. Samakatuwid, kung gayon hindi ba magkakaroon ng di-mabilang na mga persona ng Diyos? Ang nakasulat sa Lumang Tipan ay ang gawain ni Jehovah, isang yugto ng gawain ng Diyos Mismo para sa pagsisimula sa Kapanahunan ng Kautusan. Ito ay gawain ng Diyos, kung saan ayon sa Kanyang sinalita, ito’y nangyari, at ayon sa Kanyang iniutos, ito’y nanatili. Walang pagkakataon na sinabi ni Jehovah na Siya ang Ama na darating upang ipatupad ang gawain, o hinulaan man lang Niya ang pagdating ng Anak upang tubusin ang sangkatauhan. Pagdating sa panahon ni Jesus, nabanggit lamang na ang Diyos ay naging tao upang tubusin ang lahat ng sangkatauhan, hindi sa ang Anak ang dumating. Sapagkat ang mga panahon ay hindi magkakatulad at ang gawain na isinasagawa ng Diyos Mismo ay naiiba rin, kailangan Niyang ipatupad ang Kanyang gawain sa loob ng iba’t-ibang mga kaharian. Sa ganitong paraan, ang pagkakakilanlan na Kanyang kinakatawan ay naiiba rin. Naniniwala ang tao na si Jehovah ang Ama ni Jesus, ngunit ito ay hindi totoong kinilala ni Jesus, na sinabing: “Hindi kami kailanman kinilala bilang Ama at Anak; Ako at ang Ama sa langit ay iisa. Ang Ama ay nasa Akin at Ako ay nasa Ama; kapag nakikita ng tao ang Anak, nakikita nila ang Ama na nasa langit.” Kapag ang lahat ay nasabi na, maging ito man ang Ama o ang Anak, Sila ay isang Espiritu, hindi nahahati sa magkahiwalay na persona. Sa oras na magtangka ang tao na magpaliwanag, ang mga usapin ay kumplikado sa ideya ukol sa magkakaibang mga persona, gayundin ang relasyon sa pagitan ng Ama, Anak, at Espiritu. Kapag ang tao ay nagsasalita tungkol sa magkakahiwalay na mga persona, di ba nito pinapakita ang Diyos? Inaantasan pa ng tao ang mga persona bilang una, ikalawa, at ikatlo; lahat ng ito ay mga pagkaintindi lamang ng tao, hindi karapat-dapat na sangguniin, at lubos na hindi makatotohanan! Kung tatanungin mo siya: “Ilan ba ang Diyos?” sasabihin niya na ang Diyos ay ang Trinidad ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu: ang isang tunay na Diyos. Kung tatanungin mo siya: “Sino ang Ama?” sasabihin niya: “Ang Ama ay ang Espiritu ng Diyos sa langit; Siya ang namumuno sa lahat, at Siya ang Panginoon ng langit.” “Kung gayon si Jehovah ba ang Espiritu?” Sasabihin niya: “Oo!” Kung tatanungin mo pa siya pagkatapos, “Sino ang Anak?” sasabihin niyang si Jesus ay ang Anak, mangyari pa. “Kung gayon ano ang kuwento ni Jesus? Mula kanino Siya nanggaling?” Sasabihin niya: “Si Jesus ay ipinanganak ni Maria sa pamamagitan ng paglilim ng Banal na Espiritu.” “Kung gayon ang Kanya bang sangkap ay hindi Espiritu rin naman? Ang Kanya bang gawain ay kumakatawan din sa Banal na Espiritu? Si Jehovah ay ang Espiritu, at sangkap din naman ni Jesus. Ngayon sa mga huling araw, hindi na kailangang sabihin na ang Espiritu pa rin ang gumagawa;[a] paano nangyaring magkaiba Sila ng mga persona? Hindi ba ipinatutupad lamang ng Espiritu ng Diyos ang gawain ng Espiritu mula sa magkakaibang mga pananaw?” Dahil dito, walang pagkakaiba sa pagitan ng mga persona. Si Jesus ay ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, at walang alinlangan, ang Kanyang gawain ay tiyak na kagaya ng sa Banal na Espiritu. Sa unang yugto ng gawain na isinagawa ni Jehovah, hindi Siya naging tao o nagpakita man lang sa tao. Kaya hindi kailanman nakita ng tao ang Kanyang kaanyuan. Gaano man Siya kadakila at kataas noon, Siya pa rin ang Espiritu, ang Diyos Mismo na unang nilikha ang tao. Iyon ay, Siya ang Espiritu ng Diyos. Nang Siya ay makipag-usap sa tao mula sa gitna ng mga ulap, Siya ay isang Espiritu lamang. Walang nakasaksi sa Kanyang kaanyuan; sa Kapanahunan ng Biyaya nang ang Espiritu ng Diyos ay dumating na katawang-tao at nagkatawang-tao sa Judea saka lamang nakita ng tao sa unang pagkakataon ang larawan ng pagkakatawang-tao bilang isang Hudyo. Ang damdamin ni Jehovah ay hindi maaaring madama. Gayunman, Siya ay ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, iyon ay, ipinaglihi sa pamamagitan ng Espiritu ni Jehovah Mismo, at si Jesus ay ipinanganak pa rin bilang mismong larawan ng Espiritu ng Diyos. Ang unang nakita ng tao ay ang Banal na Espiritu na bumababa gaya ng isang kalapati sa pamamagitan ni Jesus; hindi ito ang Espiritung tanging kay Kristo, ngunit sa halip ang Banal na Espiritu. Kung gayon maaari bang ihiwalay ang Espiritu ni Jesus mula sa Banal na Espiritu? Kung si Jesus ay si Jesus, ang Anak, at ang Banal na Espiritu ay ang Banal na Espiritu, kung gayon paano Sila naging isa? Ang gawain ay hindi maipatutupad kung sakali. Ang Espiritu sa loob ni Jesus, ang Espiritu sa langit, at ang Espiritu ni Jehovah ay iisang lahat. Maaari itong tawaging Banal na Espiritu, ang Espiritu ng Diyos, ang makapitong pinatinding Espiritu, at ang sumasa-lahat na Espiritu. Ang Espiritu ng Diyos ay kayang mag-isang isagawa ang maraming gawain. Kaya Niyang likhain ang mundo at wasakin ito sa pamamagitan ng pagpapabaha sa lupa; kaya Niyang tubusin ang buong sangkatauhan, at higit pa rito, makakayang lupigin at wasakin ang buong sangkatauhan. Ang gawaing ito ay ipinatupad lahat ng Diyos Mismo at hindi makakayang gawin ng sinuman sa iba pang mga persona ng Diyos sa Kanyang lugar. Ang Kanyang Espiritu ay maaaring tawagin sa pangalang Jehovah at Jesus, maging sa pangalang Makapangyarihan. Siya ang Panginoon, at Kristo. Maaari din Siyang maging ang Anak ng tao. Siya ay nasa kalangitan at nasa lupa din; Siya ay nasa kaitaasan ng mga daigdig at nasa gitna ng karamihan. Siya ang tanging Panginoon ng langit at ng lupa! Mula sa panahon ng paglikha hanggang sa ngayon, ang gawaing ito ay ipinatutupad ng Diyos Mismo. Maging ito man ay gawain sa langit o sa laman, lahat ay ipinatutupad ng Kanyang sariling Espiritu. Lahat ng mga nilalang, maging sa langit o sa lupa, ay nasa pamamahala ng Kanyang makapangyarihang kamay; lahat ng ito ay gawain ng Diyos Mismo at hindi maaaring gawin ninuman sa Kanyang lugar. Sa mga kalangitan, Siya ang Espiritu subalit ang Diyos Mismo din; sa gitna ng mga tao, Siya ay katawang-tao ngunit nananatiling Diyos Mismo. Bagamat maaari Siyang tawagin sa daan-daang libong mga pangalan, Siya pa rin ay Siya Mismo, at ang lahat ng gawain[b] ay ang tuwirang pagpapahayag ng Kanyang Espiritu. Ang pagtubos sa lahat ng sangkatauhan sa pamamagitan ng pagkakapako Niya sa krus ay ang tuwirang gawain ng Kanyang Espiritu, at maging ang pagpapahayag sa lahat ng mga bansa at lahat ng mga bayan sa panahon ng mga huling araw. Sa lahat ng panahon, ang Diyos ay maaari lamang tawaging makapangyarihan at isang tunay na Diyos, ang sumasa-lahat na Diyos Mismo. Ang nagkakaibang mga persona ay hindi umiiral, lalong hindi ang ideya ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu! Mayroon lamang isang Diyos sa langit at sa lupa!

Ang plano sa pamamahala ng Diyos ay may saklaw na anim na libong taon at nahahati sa tatlong mga yugto batay sa pagkakaiba ng Kanyang gawain: Ang unang panahon ay ang Kapanahunan ng Kautusan ng Lumang Tipan; ang ikalawa ay ang Kapanahunan ng Biyaya; at ang ikatlo ay ang kabilang sa mga huling araw—ang Kapanahunan ng Kaharian. Kinakatawan sa bawat panahon ang isang naiibang pagkakakilanlan. Ito ay dahil lamang sa pagkakaiba sa gawain, iyon ay, ang mga kinakailangan sa gawain. Ang unang yugto ng gawain ay ipinatupad sa Israel, at ang ikalawang yugto ng pagtatapos sa gawain ng pagtubos ay ipinatupad sa Judea. Para sa gawain ng pagtubos, si Jesus ay ipinanganak sa paglilihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu bilang tanging Anak. Ang lahat ng ito ay dahil sa mga kinakailangan sa gawain. Sa mga huling araw, ninanais ng Diyos na palawakin ang Kanyang gawain sa mga bayan ng Hentil at lupigin ang mga tao doon, upang maging dakila ang Kanyang pangalan sa gitna nila. Ninanais Niyang patnubayan ang tao sa pagkaunawa sa lahat ng tamang pamamaraan ukol sa buhay ng tao, gayundin ang lahat ng katotohanan at daan ng buhay. Ang lahat ng gawaing ito ay ipinatutupad ng isang Espiritu. Bagamat maaari Niyang magawa mula sa ibang mga pananaw, ang kalikasan at ang mga pamantayan ng gawain ay nananatiling pareho. Sa oras na mapansin mo ang mga patakaran at kalikasan ng gawain na Kanilang ipinatupad, kung gayon malalaman mo na ang lahat ay sa pamamagitan ng kamay ng nag-iisang Espiritu. Maaari pa ring masabi ng iba: Ang Ama ay ang Ama; ang Anak ay ang Anak; ang Banal na Espiritu ay ang Banal na Espiritu, at sa bandang huli, Sila ay gagawing isa. Kung gayon paano mo Sila gagawing isa? Paano magiging isa ang Ama at Banal na Espiritu? Kung Sila ay likas nang dalawa, kung gayon kahit paano man sila pagsamahin, hindi ba Sila mananatiling dalawang bahagi? Kapag sinabi mong gagawin Silang isa, hindi ba ganoon lang kasimpleng pagsamahin ang dalawang magkahiwalay na bahagi upang makagawa nang isang buo? Ngunit hindi ba sila ay dalawang bahagi bago ginawang buo? Ang bawat Espiritu ay may naiibang sangkap, at ang dalawang Espiritu ay hindi magagawang isa. Ang Espiritu ay hindi isang bagay na materyal at hindi katulad ng anuman sa materyal na mundo. Kagaya ng nakikita ng mga tao, ang Ama ay isang Espiritu, ang Anak ay isa pa, at ang Banal na Espiritu ay ganundin, pagkatapos ang tatlong Espiritu ay pagsasamahin na parang tatlong baso ng tubig sa isang buo. Hindi ba sa gayon ginawang isa ang tatlo? Ito ay isang maling pagpapaliwanag! Hindi ba ito pagbabaha-bahagi sa Diyos? Papaanong ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu ay gagawing isang lahat? Hindi ba sila tatlong mga bahagi at bawat isa’y may magkakaibang mga kalikasan? Mayroon pa yaong mga nagsasabi, hindi ba malinaw na sinabi ng Diyos na si Jesus ay ang Kanyang sinisintang Anak? “Si Jesus ang sinisintang Anak ng Diyos, na Kanyang kinalulugdan” ay tunay na sinalita ng Diyos Mismo. Iyon ang Diyos na nagpapatotoo sa Sarili Niya mismo, ngunit mula lamang sa magkaibang pananaw, na ang Espiritu sa langit ay sumasaksi sa Kanyang sariling pagkakatawang-tao. Si Jesus ay ang Kanyang pagkakatawang-tao, hindi ang Kanyang Anak sa langit. Naiintindihan mo ba? Hindi ba ang mga salita ni Jesus, “Ang Ama ay nasa Akin at Ako ay nasa Ama,” nagsasabing sila ay isang Espiritu? At hindi ba dahil sa pagkakatawang-tao na Sila ay nagkahiwalay sa pagitan ng langit at lupa? Sa katotohanan, Sila ay isa pa rin; kahit ano pa, ito ay para lamang ang Diyos ay sumasaksi sa Sarili Niya. Dahil sa pagbabago sa mga panahon, mga kinakailangan ng gawain, at ang iba't-ibang mga yugto ng Kanyang plano sa pamamahala, ang pangalan na kung saan ang itinatawag ng tao sa Kanya ay nagkakaiba rin. Nang Siya ay dumating upang isagawa ang unang yugto ng gawain, Siya ay maaari lamang tawaging Jehovah, pastol ng mga Israelita. Sa ikalawang yugto, ang nagkatawang-taong Diyos ay maaari lamang tawaging Panginoon, at Kristo. Ngunit sa panahong iyon, ang Espiritu sa langit ay nagsabi lamang na Siya ang sinisintang Anak ng Diyos, at hindi nabanggit ang Kanyang kalagayan bilang tanging Anak ng Diyos. Ito ay hindi talagang nangyari. Paano nagkaroon ng isang anak lang ang Diyos? Kung gayon ang Diyos ay hindi maaaring maging tao? Sapagkat Siya ang pagkakatawang-tao, Siya ay tinawag na sinisintang Anak ng Diyos, at, mula rito, dumating ang relasyon sa pagitan ng Ama at Anak. Ito ay dahil lamang sa paghihiwalay ng langit at lupa. Nanalangin si Hesus mula sa pananaw ng katawang-tao. Yamang nagsuot Siya ng katawang tao ng gayong normal na pagkatao, ito ay mula sa pananaw ng katawang-tao na Kanyang sinabi: Ang aking panlabas na balat ay sa nilikhang tao. Yamang Ako ay nagkatawang-tao upang makarating sa mundong ito, Ako ngayon ay malayo, malayung-malayo mula sa langit. Para sa kadahilanang ito, maaari lamang Siyang manalangin sa Diyos Ama mula sa pananaw ng katawang-tao. Ito ang Kanyang tungkulin, at ito ang dapat maipagkaloob sa nagkatawang-taong Espiritu ng Diyos. Hindi maaaring sabihin na hindi Siya Diyos dahil lamang sa nananalangin Siya sa Ama mula sa pananaw ng katawang-tao. Bagamat tinatawag Siya na sinisintang Anak ng Diyos, Siya pa rin ay Diyos Mismo, sapagkat Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu, at ang Kanyang sangkap ay ang Espiritu pa rin. Gaya nang sa paningin ng tao, nagtataka sila kung bakit Siya nananalangin kung Siya ang Diyos Mismo. Ito ay dahil Siya ang Diyos na nagkatawang-tao, Diyos na nabubuhay sa loob ng katawang-tao, at hindi ang Espiritu sa langit. Gaya nang sa paningin ng tao, ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu ay Diyos lahat. Ang tatlo lamang na ginawang isa ang maaaring ituring na isang tunay na Diyos, at, sa ganitong paraan, ang Kanyang kapangyarihan ay bukod-tanging pinakadakila. May mga nagsasabi pa rin na sa ganitong paraan lamang Siya magiging makapitong beses na pinatinding Espiritu. Nang manalangin ang Anak matapos pumarito, iyon ay ang Espiritu na kung kanino Siya nanalangin. Sa katotohanan, Siya ay nananalangin mula sa pananaw ng isang nilikhang tao. Sapagkat ang katawang-tao ay hindi buo, at hindi Siya buo at nagkaroon ng maraming mga kahinaan nang Siya ay pumaritong nasa katawang-tao. Kaya masyado Siyang naliligalig habang ipinatutupad Niya ang Kanyang gawain sa katawang-tao. Kaya nga tatlong beses Siyang nanalangin sa Diyos Ama bago ang Kanyang pagkakapako sa krus, at sa marami pang pagkakataon bago iyon. Nanalangin Siya kasama ng Kanyang mga disipulo; nanalangin Siyang mag-isa sa ibabaw ng bundok; nanalangin Siya sakay ng bangkang-pangisda; Siya ay nanalangin kasama ng napakaraming mga tao; nananalangin Siya kapag nagpuputol ng tinapay; at nananalangin Siya kapag binabasbasan ang marami. Bakit Niya ginawa ang gayon? Sa Espiritu Siya nanalangin; nananalangin Siya sa Espiritu, sa Diyos sa langit, mula sa pananaw ng katawang-tao. Samakatuwid, mula sa pananaw ng tao, si Jesus ay naging ang Anak sa yugtong iyon ng gawain. Sa yugtong ito, gayunman, hindi Siya nananalangin. Bakit nagkaganito? Sapagkat ang dala-dala Niya ay ang gawain ng salita at ang paghatol at pagkastigo ng salita. Hindi Niya kailangan ang mga panalangin, dahil ang Kanyang ministeryo ay upang magsalita. Hindi Siya inilagay sa ibabaw ng krus, at hindi Siya ibinigay ng mga tao sa mga may kapangyarihan. Ipinatutupad lamang Niya ang Kanyang gawain at ang lahat ay itinakda. Sa panahong si Jesus ay nananalangin, Siya ay nananalangin sa Diyos Ama para bumaba ang kaharian ng langit, para ang kalooban ng Ama ay matupad, at para sa gawain na darating. Sa yugtong ito, ang kaharian ng langit ay nakababa na, kaya kinakailangan pa ba Niyang manalangin? Ang Kanyang gawain ay upang dalhin ang panahon sa kanyang katapusan, at wala nang mga bagong panahon, kaya kinakailangan pa bang manalangin para sa susunod na yugto? Sa tingin ko hindi na!

Maraming mga salungatan sa mga pagpapaliwanag ng tao. Totoong, ang lahat ng mga ito ay mga paniwala ng tao; nang walang masusing pagsisiyasat, lahat kayo ay maniniwala na totoo ang mga ito. Hindi ba ninyo alam na ang ideyang ito ng Diyos bilang Trinidad ay pananaw lamang ng tao? Wala sa kaalaman ng tao ang buo at ganap. Palaging mayroong mga karumihan, at ang tao ay masyadong maraming mga ideya; pinatutunayan lamang nito na hindi talaga maipaliliwanag ng isang nilikhang tao ang gawain ng Diyos. Punung-puno ang isip ng tao, lahat ay galing sa lohika at kaisipan, na sumasalungat sa katotohanan. Mapaghihiwa-hiwalay ba nang lubos ng iyong lohika ang gawain ng Diyos? Makapagtatamo ka ba ng kaalaman sa lahat ng gawain ni Jehovah? Ikaw ba bilang tao ang siyang makakikita nang lahat ng ito, o ang Diyos Mismo ang makakikita mula sa walang katapusan hanggang sa walang katapusan? Ikaw ba ang makakikita sa walang katapusan noong nakalipas na panahon hanggang sa walang katapusan na darating, o ang Diyos lamang ang makagagawa nito? Ano ang masasabi mo? Gaano ka karapat-dapat upang ipaliwanag ang Diyos? At sa anong batayan ang iyong pagpapaliwanag? Diyos ka ba? Ang kalangitan at ang lupa, at ang lahat ng bagay na nakapaloob rito ay nilikha ng Diyos Mismo. Hindi ikaw ang gumawa nito, kaya bakit ka nagbibigay ng maling mga pagpapaliwanag? Ngayon, magpapatuloy ka ba sa paniniwala sa Trinidad? Hindi mo ba naiisip na masyado itong mabigat sa ganitong paraan? Mas makabubuti para sa iyo na maniwala sa isang Diyos, hindi sa tatlo. Mas makabubuti ang maging magaan, sapagkat “ang pasanin ng Panginoon ay magaan.”

Mga Talababa:

a. Nilaktawan ng orihinal na teksto ang “nasa gawain.”

b. Nilaktawan ng orihinal na teksto ang “ang gawain.”