Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 405

Nasabi ko na dati na “Lahat nang naghahanap na makita ang mga tanda at mga kababalaghan ay tatalikdan; sila ay hindi mga yaong maisasagawang mga perpekto.” Nagwika Ako ng napakaraming mga salita, datapwat ikaw ay walang ni katiting na kaalaman sa gawaing ito, at, sa pagdating sa puntong ito, tinatanong mo pa rin ang mga tanda at mga kababalaghan. Ang paniniwala mo ba sa Diyos ay ang pagtugis sa pagkakita sa mga tanda at mga kababalaghan, o ito ba’y upang makatamo ng buhay? Si Jesus ay nagwika rin ng maraming mga salita na, ngayon, dapat pang matupad. Maaari mo bang masabi na si Jesus ay hindi Diyos? Sumaksi ang Diyos na Siya ay si Kristo at ang minamahal na Anak ng Diyos. Maaari mo bang itatwa ito? Ngayon, bumibigkas lamang ang Diyos ng mga salita, at kung ikaw ay walang kakayahan na lubos na makakilala, gayon ay hindi mo mapapanindigan. Naniniwala ka ba sa Kanya dahil Siya ay Diyos, o naniniwala ka ba sa Kanya batay sa kung ang Kanyang mga salita ay natutupad o hindi? Naniniwala ka ba sa mga tanda at mga kababalaghan, o naniniwala ka ba sa Diyos? Ngayon hindi na Siya nagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan—tunay ba Siyang Diyos? Kung ang mga salita na Kanyang winiwika ay hindi natutupad, Siya ba ay tunay na Diyos? Ang sustansya ba ng Diyos ay natutukoy kung ang mga winiwika Niyang mga salita ay natutupad o hindi? Bakit may mga ilang tao ang palaging naghihintay sa katuparan ng mga Salita ng Diyos bago maniwala sa Kanya? Ito ba’y nangangahulugan na hindi nila Siya kilala? Ang lahat nang nag-aangkin ng mga ganoong mga idea ay mga taong nagtatatwa sa Diyos; ginagamit nila ang mga kabatiran upang sukatin ang Diyos; kung ang mga salita ng Diyos ay natutupad, naniniwala sila sa Diyos, at kung hindi, hindi sila naniniwala sa Diyos; at palagi silang tumutugis ng mga tanda at mga kababalaghan. Hindi ba sila ang mga Pariseo ng makabagong mga panahon? Kung ikaw man ay nakakatindig nang matatag o hindi ay nakabatay sa kung nakikilala mo o hindi ang tunay na Diyos—ito ay napakahalaga! Mas malaki ang realidad ng salita ng Diyos sa iyo, mas malaki ang iyong kaalaman sa realidad ng Diyos, at mas makakayanan mong magpakatibay sa panahon ng mga pagsubok. Ang iyong lalong pagtingin sa mga tanda at mga kababalaghan, mas hindi mo makakayanan ang tumindig nang matatag, at babagsak ka sa gitna ng mga pagsubok. Ang mga tanda at mga kababalaghan ay hindi mga pundasyon; tanging ang realidad ng Diyos ang buhay. May ilang mga tao na hindi alam ang mga epekto na matatamo ng gawain ng Diyos. Gumugol sila ng kanilang mga araw sa pagkalito, hindi sa pagtugis ng kaalaman sa gawain ng Diyos. Ang kanilang pagtugis ay palagi upang ipagawa sa Diyos na tuparin ang kanilang mga pagnanais, at matapos noon sila ay magiging seryoso sa kanilang paniniwala. Sinasabi nila na kanilang tutugisin ang buhay kung ang mga salita ng Diyos ay matutupad, ngunit kung ang mga salita Niya ay hindi matutupad, samakatwid walang posibilidad sa kanila na tugisin ang buhay. Naniniwala ang tao na ang paniniwala sa Diyos ay ang pagtugis sa pagkakita sa mga tanda at mga kababalaghan at ang pagtugis sa pag-akyat sa langit at sa ikatlong langit. Walang sinumang nagsasabi na ang kanilang paniniwala sa Diyos ay ang pagtugis sa pagpasok sa realidad, ang pagtugis sa buhay, at ang pagtugis sa pagiging natamo ng Diyos. Anong kahalagahan ng ganoong pagtugis? Yaong mga hindi tumutugis ng kaalaman sa Diyos at sa kasiyahan ng Diyos ay ang mga taong hindi naniniwala sa Diyos, sila ay mga taong lumalapastangan sa Diyos!

Ngayon nauunawaan niyo ba kung ano ang paniniwala sa Diyos? Ang paniniwala ba sa Diyos ay ang makakita ng mga tanda at mga kababalaghan? Ito ba ay ang pag-akyat sa langit? Ang maniwala sa Diyos ay hindi madali. Ngayon, ang ganoong pangrelihiyong pagsasagawa ay dapat linisin; ang pagtugis sa paghahayag sa mga himala ng Diyos, ang pagtugis sa pagpapagaling ng Diyos at ang Kanyang pagpapalayas ng mga demonyo, ang pagtugis ng pagkakaloob ng kapayapaan at sapat na mga biyaya ng Diyos, pagtugis sa pagtamo ng mga pagkakataon at kaginhawahan para sa laman—ang mga ito ay mga pangrelihiyong kaugalian, at ang mga ganoong pangrelihiyong kaugalian ay malabo at mahirap na unawaing anyo ng paniniwala. Ngayon, ano ang tunay na paniniwala sa Diyos? Ito ay ang pagtanggap sa salita ng Diyos bilang realidad ng iyong buhay at ang pagkilala sa Diyos mula sa Kanyang salita upang makamit ang isang tunay na pagmamahal sa Kanya. Upang maging malinaw: Yaon ay ang paniniwala sa Diyos nang sa gayon ikaw ay sumunod sa Diyos, mahalin ang Diyos at gawin ang tungkulin na dapat gawin bilang isang nilikha ng Diyos. Ito ang layunin ng paniniwala sa Diyos. Dapat mong makamit ang isang kaalaman ng kariktan ng Diyos, kung gaano karapat-dapat ang Diyos sa paggalang, kung paano, sa Kanyang mga nilikha, ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagliligtas at ginagawa silang perpekto—ito ang pinakamababa na dapat mong taglayin sa iyong paniniwala sa Diyos. Ang paniniwala sa Diyos ay pangunahin na pagpapalit mula sa isang buhay sa katawang-tao tungo sa isang buhay ng nagmamahal sa Diyos, mula sa isang buhay sa loob ng kalikasan tungo sa isang buhay sa loob ng pagka-Diyos ng Diyos, ito ay ang paglabas mula sa ilalim ng sakop ni Satanas at pamumuhay sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos, ito ay ang makayanang makamit ang pagkamasunurin sa Diyos at hindi pagkamasunurin sa laman, ito ay pagpapahintulot sa Diyos na makamtan ang iyong buong puso, pagpapahintulot sa Diyos na gawin kang perpekto at pagpapalaya sa iyong sarili mula sa tiwaling mala-demonyong disposisyon. Ang paniniwala sa Diyos ay pangunahin upang ang kapangyarihan at kaluwalhatian ng Diyos ay mahayag sa iyo, nang sa gayon maaari mong magampanan ang kalooban ng Diyos, at maganap ang plano ng Diyos, at makayanang magbigay patotoo sa Diyos sa harap ni Satanas. Ang paniniwala sa Diyos ay hindi dapat upang makita ang mga tanda at mga kababalaghan, ni hindi dapat para sa kapakanan ng iyong personal na laman. Ito ay dapat para sa pagtugis sa pagkilala sa Diyos, at makayanang sumunod sa Diyos, at tulad ni Pedro, sumunod sa Kanya hanggang kamatayan. Ito ay kung ano ang pangunahin upang makamit. At kumain at uminom ng salita ng Diyos ay upang makilala ang Diyos at upang mabigyan-kasiyahan ang Diyos. Ang kumain at uminom ng salita ng Diyos ay nagbibigay sa iyo nang mas higit na kaalaman sa Diyos, at tanging pagkatapos ay maaari kang sumunod sa Diyos. Tanging kung makikilala mo ang Diyos maaari mo Siyang mahalin, at ang pagkamit ng layuning ito ay ang tanging layon na dapat mayroon ang tao sa kanyang paniniwala sa Diyos. Kung, sa iyong paniniwala sa Diyos, palagi mong sinusubukang makita ang mga tanda at mga kababalaghan, samakatwid ang pagtingin ng ganitong paniniwala ay mali. Ang paniniwala sa Diyos ay pangunahin ang pagtanggap sa salita ng Diyos bilang realidad ng buhay. Tanging sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos mula sa Kanyang bibig at pagsasakatuparan nito sa iyong sariling kalooban makakamit ang layon ng Diyos. Sa paniniwala sa Diyos, dapat tugisin ng tao ang magawang perpekto siya ng Diyos, ang makayanang pasailalim sa Diyos, at ang kumpletong pagkamasunurin sa Diyos. Kung maaari kang makasunod sa Diyos na hindi nagrereklamo, maaalalahanin sa mga pagnanais ng Diyos, makamtan ang tayog ni Pedro, at taglayin ang estilo ni Pedro na tinukoy ng Diyos, sa gayon makakamtan mo ang tagumpay ng paniniwala sa Diyos, at ito ay magiging tanda na ikaw ay nakamtan ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kaugnay na Nilalaman

Kontakin Kami Gamit ang Messenger