106 Kinakailangan ng Gawain ng Banal na Espiritu ang mga Pagbabago sa Disposisyon
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Kinakailangan ng Gawain ng Banal na Espiritu ang mga Pagbabago sa Disposisyon I Ang gawain at presensya ng Banal na Espiritu ang nagpapasiya kung taos-puso kang naghahanap, hindi ang mga paghatol ng iba, ni ang kanilang mga opinyon. Ngunit higit pa rito, ang nagpapasiya ng iyong katapatan ay, sa paglipas ng panahon, kung ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagpapabago sa iyo at nakikilala mo ang Diyos. Kung gumagawa ang Banal na Espiritu sa inyo, ang disposisyon ay magbabago, magiging dalisay ang pananaw ninyo sa pananampalataya. Ang ibig sabihin ng pagbabago'y kumikilos ang Banal na Espiritu, gaano man kayo katagal nakasunod na sa Kanya. II Kung walang pagbabago sa inyo, ibig sabihin ang Banal na Espiritu ay hindi gumagawa sa inyo. Kahit naglilingkod kayo, ginagawa ninyo ito para magkamit ng pagpapala. Sa paminsan-minsang serbisyo hindi ibig sabihin ay pagbabago sa disposisyon. Ang mga nagbibigay-serbisyo ay wawasakin dahil hindi sila kailangan ng kaharian. Hindi kailangan ng kaharian ang hindi nagbago para maglingkod sa mga tapat at naperpekto. Kung gumagawa ang Banal na Espiritu sa inyo, ang disposisyon ay magbabago, magiging dalisay ang pananaw ninyo sa pananampalataya. Ang ibig sabihin ng pagbabago'y kumikilos ang Banal na Espiritu, gaano man kayo katagal nakasunod na sa Kanya, sa Kanya. mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao