Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 194

Ngayon lamang natanto ng tao na hindi lamang ang panustos ng espirituwal na buhay at karanasan sa pagkilala sa Diyos ang kulang sa tao, kundi—ang mas mahalaga pa—ang mga pagbabago sa kanyang disposisyon. Dahil sa lubos na kamangmangan ng tao tungkol sa kasaysayan at sinaunang kultura ng kanyang sariling lahi, wala man lamang sila ni katiting na kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos. Umaasa ang lahat ng tao na maaaring iugnay ang tao sa Diyos sa kaibuturan ng kanyang puso, ngunit dahil masyadong tiwali ang laman ng tao, kapwa manhid at mapurol ang utak, naging dahilan ito upang mawalan siya ng kahit anong kaalaman tungkol sa Diyos. Sa pagparito sa tao ngayon, ang layunin ng Diyos ay walang iba kundi baguhin ang mga iniisip at espiritu ng mga tao, pati na ang larawan ng Diyos sa kanilang puso na milyun-milyong taon na nilang taglay sa kanilang puso. Gagamitin Niya ang pagkakataong ito upang gawing perpekto ang tao. Ibig sabihin, sa pamamagitan ng kaalaman ng tao, babaguhin Niya ang paraan ng pagkilala ng mga tao sa Kanya at ang kanilang saloobin sa Kanya, na magbibigay ng kakayahan sa tao na gumawa ng isang matagumpay na bagong simula sa pagkilala sa Diyos, at magkamit ng paninibago at pagbabago ng espiritu ng tao. Pakikitungo at pagdidisiplina ang mga paraan, samantalang ang paglupig at pagpapanibago ang mga layunin. Ang pagwawaksi sa mapamahiing mga kaisipang taglay ng tao tungkol sa malabong Diyos ang layon ng Diyos noon pa man, at nitong huli ay naging isa ring agarang bagay para sa Kanya. Sana’y pag-isipan pang mabuti ng lahat ng tao ang mangyayari sa sitwasyong ito sa hinaharap. Baguhin ang paraan ng pagdanas ng bawat tao upang maisakatuparan ang agarang layuning ito ng Diyos sa lalong madaling panahon at ganap na matapos ang huling yugto ng gawain ng Diyos sa lupa. Ibigay sa Diyos ang katapatang nararapat ninyong ibigay sa Kanya, at sa huling pagkakataon ay maghatid ng ginhawa sa puso ng Diyos. Sa mga kapatid, sana’y walang umiwas sa responsibilidad na ito, o tapusin na lamang ito nang pakunwari. Pumaparito ang Diyos sa katawang-tao sa pagkakataong ito bilang sagot sa isang paanyaya, at tuwirang pagtugon sa kalagayan ng tao. Ibig sabihin, pumaparito Siya upang tustusan ang tao ng kanyang mga pangangailangan. Anuman ang kakayahan o naging paglaki ng tao, bibigyang-kakayahan Niya siya, sa madaling sabi, na makita niya ang salita ng Diyos at, mula sa Kanyang salita, makita niya ang pag-iral at pagpapakita ng Diyos at tanggapin niya ang pagpeperpekto ng Diyos sa kanya, na binabago ang mga kaisipan at pagkaintindi ng tao upang matatag na mag-ugat ang tunay na mukha ng Diyos sa kaibuturan ng puso ng tao. Ito lamang ang inaasam ng Diyos sa lupa. Gaano man kadakila ang likas na pagkatao ng tao, o gaano man kahina ang diwa ng tao, o kung ano talaga ang pag-uugali ng tao noong araw, hindi pinapansin ng Diyos ang mga ito. Inaasahan lamang Niya na ganap na panibaguhin ng tao ang larawan ng Diyos na nasa kaibuturan ng kanyang puso at malaman ang diwa ng sangkatauhan, at sa gayon ay mabago ang ideolohikal na pananaw ng tao, at masabik siya sa Diyos mula sa kaibuturan at magising sa walang-hanggang pagkakaugnay sa Kanya: Ito ang kaisa-isang hinihiling ng Diyos sa tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 7

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kaugnay na Nilalaman

Kontakin Kami Gamit ang Messenger