250 Diyos ang Nagpapasiya sa Katapusan ng Tao Batay sa Kung Taglay Nila ang Katotohanan
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos I Panahon na para ipasiya ng Diyos ang katapusan para sa bawat tao, hindi ang yugto na sinimulan Niyang hubugin ang tao. Isinusulat ng Diyos sa Kanyang aklat bawat salita't kilos ng bawat tao. Isa-isa Niyang itinatala ang mga ito. Diyos ang nagpapasya sa hantungan ng bawat isa hindi batay sa edad, ranggo o mga paghihirap, ni sa tindi ng kanilang pagiging kaawa-awa, kundi ayon lamang sa kung may angkin silang katotohanan. II Isinusulat Niya ang kanilang landas sa pagsunod sa Kanya, likas na katangia't huling ugali nila. Sa paraang ito walang taong makakatakas sa kamay ng Diyos. Lahat ay makakasama ang kanilang kauri ayon sa itinatalaga Niya. Diyos ang nagpapasya sa hantungan ng bawat isa hindi batay sa edad, ranggo o mga paghihirap, ni sa tindi ng kanilang pagiging kaawa-awa, kundi ayon lamang sa kung may angkin silang katotohanan. III Yaong 'di sumusunod sa kalooban ng Diyos, parurusahan. Ito'y katunayang 'di mababago ninuman. Kaya’t, lahat ng pinarurusahan ay gayon para sa pagkamatuwid ng Diyos, bilang ganti sa maraming masasamang gawa. Diyos ang nagpapasya sa hantungan ng bawat isa hindi batay sa edad, ranggo o mga paghihirap, ni sa tindi ng kanilang pagiging kaawa-awa, kundi ayon lamang sa kung may angkin silang katotohanan, oo, angking katotohanan. mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao