01Bakit ba kinakalaban at kinukondena ng satanikong rehimen at relihiyosong mundo ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw?

Sabi ng Biblia, “Ang buong sanlibutan ay nakahilig sa masama” (1 Juan 5:19). Dalawang libong taon na ang nakalipas, kapapanganak lamang ng Panginoon Jesus nang magsimula si Haring Herodes na tugisin Siya. At nang isinasagawa Niya ang Kanyang gawain, kinalaban at kinondena ang Panginoong Jesus ng mga pinunong Judio, mga saserdote, mga eskriba, at mga Fariseo, hanggang sa huli ay ipinako Siya sa krus ng Judaismo sa pakikipagsabwatan sa mga awtoridad ng Romano. Nang magkatawang-tao muli ang Diyos sa mga huling araw upang magpakita at gumawa sa Tsina, katulad rin noon na hibang Siyang kinalaban at kinondena ng gobyernong CCP at mga pastor at elder ng relihiyosong mundo. Bukod pa dito, hindi mawaring bilang ng mga Kristiyano ang inaresto at hinatulan na makulong, o maging brutal na pinatay. Bakit ba kinakalaban at kinukondena ng satanikong rehimen at ng relihiyosong mundo ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw?

1)Bakit ba galit na galit na inuusig at kinukondena ng gobyernong CCP ang Kidlat ng Silanganan?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian

“Ang buong sanlibutan ay nakahilig sa masama” (1 Juan 5:19).

“Ang lahing ito’y isang masamang lahi” (Lucas 11:29).

“At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diyablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanlibutan” (Pahayag 12:9).

“At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw; sapagka’t masasama ang kanilang mga gawa. Sapagka’t ang bawa’t isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa” (Juan 3:19–20).

2)Paano nagagawang kalabanin at kondenahin ng relihiyong mundo si Cristo, at kondenahin ang pagpapakita at gawain ng Diyos?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian

“Ang mga pangulong saserdote nga at ang mga Fariseo ay nangagpulong, at nagsipagsabi, Ano ang ginagawa natin? Sapagka’t ang taong ito’y gumagawa ng maraming tanda. Kung siya’y ating pabayaang gayon, ang lahat ng mga tao ay magsisisampalataya sa kaniya: at magsisiparito ang mga Romano at pagkukunin ang ating kinaroroonan at gayon din naman ang ating bansa. … Kaya’t mula nang araw na yaon ay pinagsanggunianan nilang ipapatay siya” (Juan 11:47–48, 53).

“Dito’y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Diyos: ang bawa’t espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay naparitong nasa laman ay sa Diyos: At ang bawa’t espiritung hindi ipinahahayag si Jesucristo, ay hindi sa Diyos: at ito ang sa anticristo, na inyong narinig na darating; at ngayo’y nasa sanlibutan na” (1 Juan 4:2–3).

“Sapagka’t maraming mandaraya na nangagsilitaw sa sanlibutan, samakatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang mandaraya at ang anticristo” (2 Juan 1:7).

02Paano makasisiguro ang isang tao na ang Kidlat ng Silanganan ang tunay na daan?

Kasalukuyan, sa buong mundo, tanging ang Kidlat ng Silanganan ang hayagang nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay matagal na panahon ng nakabalik bilang ang Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw. Marami sa mga nananabik sa pagpapakita ng Diyos ang narinig ang mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos at nakilala ang mga ito bilang ang tinig ng Diyos. Naging tiyak sila na ang Makapangyarihang Diyos ay talagang ang bumalik na Panginoong Jesus. At isa isang lumapit sa harap ng Makapangyarihang Diyos. Subalit mayroong ilan na naniwala sa mga sabi-sabi at kasinungalingan na ipinakalat ng gobyernong CCP at mga pastor at elder na kinukondena ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at kaya hindi magawang makilatis kung ang Kidlat ng Silangan nga ang tunay na daan o hindi. Kaya paano tayo makasisiguro na ang Kidlat ng Silanganan ang tunay na daan?

03Ang mga kahihinatnan at kalalabasan ng paglaban at pagkondena ng relihiyosong mundo at gobyernong CCP sa Makapangyarihang Diyos

Dalawang libong taon ang nakalipas, ang pinuno ng Judaismo ay galit na galit na kinalaban at kinondena ang Panginoong Jesus nang Siya ay nagpakita at nagsagawa ng Kanyang gawain, hanggang sa huli ay nakipagsabwatan sila sa mga awtoridad na Romano upang ipako Siya sa krus. Sa paggawa nito, nakagawa sila ng kahindik-hindik na kasalanan at ginalit ang disposisyon ng Diyos, at isinumpa sila ng Diyos, at nawala ang bayan ng Israel. Ang minsang mayabong na sinaunang Imperyo ng Romano ay naparusahan ng Diyos dahil sa mabangis na pang-uusig at pagpatay ng mga Kristiyano ng pinuno nito, at winasak ito. Sa mga huling araw, nagkatawang-tao ang Diyos sa ikalawang beses upang magpakita at gumawa sa Tsina, at Siya rin ay nakaharap sa mabangis na pang-aapi at pang-uusig sa mga kamay ng relihiyosong mundo at gobyernong CCP. Paanong ang kanilang masasamang gawi ng pagkalaban sa Diyos ay makatatakas mula sa makatuwirang pagparusa ng Diyos?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian

“Ang bawa’t kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa’t ang kapusungang laban sa Banal na Espiritu ay hindi ipatatawad. At ang sinumang magsalita ng isang salitang laban sa Anak ng tao, ay ipatatawad sa kanya; datapuwa’t ang sinumang magsalita laban sa Banal na Espiritu, ay hindi ipatatawad sa kanya, kahit sa sanlibutang ito, o maging sa darating” (Mateo 12:31–32).

“At siya’y sumigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa’t espiritung karumaldumal, at kulungan ng bawa’t karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon. Sapagka’t dahil sa alak ng galit ng kaniyang pakikiapid ay nangaguho ang lahat ng mga bansa; at ang mga hari sa lupa ay nangakiapid sa kaniya, at ang mga mangangalakal sa lupa ay nagsiyaman dahil sa kapangyarihan ng kaniyang kalayawan” (Pahayag 18:2–3).

“Sa aba, sa aba ng dakilang bayang Babilonia, ng bayang matibay! Sapagka’t sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo” (Pahayag 18:10).

Laging Dumaranas ng Pang-Uusig ang Tunay na Daan

Opisyal na Website