Sa pangkalahatan, hindi nakikita o nahahawakan ang espirituwal na mga katawan, at pagkatapos ng pagkabuhay na mag-uli, ang gawaing isinabalikat ng Panginoong Jesus ay natapos na. Kaya sa teorya, talagang hindi na Niya kinailangang bumalik sa kalagitnaan ng mga tao sa Kanyang orihinal na larawan upang makipagkita sa kanila, nguni’t ang pagpapakita ng espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus sa mga taong gaya ni Tomas ang lalong nagpatatag sa kahalagahan ng Kanyang pagpapakita, upang tumagos ito nang mas malalim sa mga puso ng mga tao. Nang Siya ay lumapit kay Tomas, hinayaan Niya ang mapagdudang si Tomas na hawakan ang Kanyang kamay, at sinabi sa kanya: “Idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa Aking tagiliran: at huwag kang ‘di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin.” Ang mga salita at mga pagkilos na ito ay hindi mga bagay na ninais lang sabihin at gawin ng Paginoong Jesus pagkatapos na Siya ay mabuhay na mag-uli; sa katunayan, ito ang mga bagay na ninais Niyang gawin bago pa man Siya ipinako sa krus. Maliwanag na, bago Siya ipinako sa krus, mayroon nang pagkaunawa ang Panginoong Jesus sa mga taong gaya ni Tomas. Kaya ano ang ating makikita mula rito? Siya pa rin ang dating Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli. Hindi nagbago ang Kanyang diwa. Hindi lang noon nagsimula ang mga pagdududa ni Tomas bagkus ay taglay na niya sa buong panahon na sumusunod siya sa Panginoong Jesus. Gayunpaman, narito ang Panginoong Jesus na nabuhay na mag-uli mula sa kamatayan at nagbalik mula sa espirituwal na daigdig nang may orihinal Niyang larawan, nang may orihinal Niyang disposisyon, at nang may pagkaunawa Niya sa sangkatauhan mula sa panahon Niya sa katawang-tao, kaya nagpunta muna Siya kay Tomas at pinahintulutan si Tomas na mahawakan ang Kanyang tadyang, upang hindi lang hayaan siyang makita ang Kanyang espirituwal na katawan pagkatapos na mabuhay na mag-uli, bagkus ay upang hayaan si Tomas na mahawakan at maramdaman ang pag-iral ng Kanyang espirituwal na katawan, at tuluyang alisin ang kanyang mga pagdududa. Bago ipinako sa krus ang Panginoong Jesus, palaging nagdududa si Tomas na siya ang Cristo, at hindi magawang maniwala. Ang kanyang pananampalataya sa Diyos ay naitatag lang sa batayan ng kung ano ang kanyang nakikita sa kanyang sariling mga mata, kung ano ang kanyang nahahawakan sa kanyang sariling mga kamay. May mabuting pagkaunawa ang Panginoong Jesus sa pananampalataya ng ganitong uri ng tao. Naniniwala lang sila sa Diyos na nasa langit, at hindi talaga naniwala sa Isa na ipinadala ng Diyos, o sa Cristo na nasa katawang-tao, at hindi rin nila matatanggap Siya. Upang kilalanin at paniwalaan ni Tomas ang pag-iral ng Panginoong Jesus at na tunay na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao, pinahintulutan Niya si Tomas na idaiti ang kanyang kamay at hawakan ang Kanyang tadyang. May pinagkaiba ba sa pagdududa ni Tomas bago at pagkatapos ng pagkabuhay na mag-uli ng Panginoong Jesus? Palagi siyang nagdududa, at maliban sa personal na pagpapakita sa kanya ng espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus at pagpapahintulot sa kanya na mahawakan ang mga bakas ng pako sa Kanyang katawan, walang paraan na malulutas ng sinuman ang kanyang mga pagdudua at mapangyaring alisin niya ang mga ito. Kaya, mula sa sandaling pinahintulutan siya ng Panginoong Jesus na hawakan ang Kanyang tadyang at hayaan siyang tunay na madama ang pag-iral ng mga bakas ng pako, naglaho ang pagdududa ni Tomas, at tunay na nalaman niya na ang Panginoong Jesus ay nabuhay na mag-uli, at kinilala at pinaniwalaan niya na ang Panginoong Jesus ang tunay na Cristo at ang Diyos na nagkatawang-tao. Bagaman sa sandaling ito ay hindi na nagduda si Tomas, nawala niya magpakailanman ang pagkakataon na makipagkita kay Cristo. Nawala niya magpakailanman ang pagkakataon na makasama Siya, na sumunod sa Kanya, na makilala Siya. Nawala niya ang pagkakataon na magawa siyang perpekto ni Cristo. Ang pagpapakita ng Panginoong Jesus at ang Kanyang mga salita ay nagbigay ng katapusan at ng hatol sa pananampalataya niyaong puno ng mga pagdududa. Ginamit Niya ang Kanyang aktwal na mga salita at mga pagkilos upang sabihin sa mga mapagduda, upang sabihin sa mga naniwala lang sa Diyos sa langit nguni’t hindi naniwala kay Cristo: Hindi pinuri ng Diyos ang kanilang paniniwala, ni pinuri Niya ang mga ito para sa kanilang pagsunod sa Kanya habang nagdududa sa Kanya. Ang araw na lubos silang naniwala sa Diyos at kay Cristo ay ang araw lang na natapos na ng Diyos ang Kanyang dakilang gawain. Mangyari pa, ang araw na iyon ay ang araw rin na nabuo ang hatol sa kanilang pagdududa. Ang kanilang saloobin tungo kay Cristo ang tumukoy sa kanilang kapalaran, at nangahulugan ang kanilang matigas na pagdududa na hindi nagbunga ang kanilang pananampalataya, at nangangahulugan ang kanilang katigasan na nawalan ng saysay ang kanilang mga pag-asa. Sapagka’t bunga ng mga ilusyon ang kanilang paniniwala sa Diyos sa langit, at ang kanilang pagdududa tungo kay Cristo ay ang kanila talagang tunay na saloobin tungo sa Diyos, kahit na nahawakan nila ang mga bakas ng pako sa katawan ng Panginoong Jesus, wala pa ring silbi ang kanilang pananampalataya at mailalarawan lang ang kanilang kahihinatnan bilang pagsalok ng tubig gamit ang isang basket na kawayan—lahat ay walang saysay.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III
Ang mga salitang ito na naitala sa Biblia na sinabi ng Panginoong Jesus nang Siya ay magpakita kay Tomas ay malaking tulong sa lahat ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang Kanyang pagpapakita kay Tomas at ang mga salitang sinabi Niya sa kanya ay mayroong malaking epekto sa sumunod na mga salinlahi, taglay ng mga ito ang walang hanggang kahalagahan. Kumakatawan si Tomas sa isang uri ng tao na naniniwala sa Diyos subali’t pinagdududahan ang Diyos. Sila ay likas na mapagduda, may masasamang puso, mga mapandaya, at hindi naniniwala sa mga bagay na kayang gawin ng Diyos. Hindi sila naniniwala sa walang hanggang kapangyarihan ng Diyos at sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan, at hindi rin sila naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao. Gayunpaman, ang pagkabuhay na mag-uli ng Panginoong Jesus ay tahasang sumasalungat sa mga katangiang ito na mayroon sila, at nagbigay rin ito ng pagkakataon sa kanila upang matuklasan ang kanilang sariling pagdududa, upang makilala ang kanilang sariling pagdududa, at upang makilala ang kanilang sariling kataksilan, sa gayon ay tunay na maniwala sa pag-iral at sa pagkabuhay na mag-uli ng Panginoong Jesus. Ang nangyari kay Tomas ay isang babala at isang pag-iingat para sa susunod na mga salinlahi upang mas maraming tao ang makapagbababala sa kanilang mga sarili na huwag maging mapagduda gaya ni Tomas, at na kung punuin nila ang kanilang mga sarili ng pagdududa, lulubog sila sa kadiliman. Kung sumusunod ka sa Diyos, nguni’t gaya ni Tomas, na laging ninanais na mahawakan ang tadyang ng Panginoon at madama ang Kanyang mga bakas ng pako upang makatiyak, upang mapatunayan, upang magpalagay kung umiiral ba o hindi ang Diyos, tatalikdan ka ng Diyos. Kaya, hinihingi ng Panginoong Jesus sa mga tao na huwag maging gaya ni Tomas, pinaniniwalaan lang kung ano ang kanilang nakikita sa kanilang sariling mga mata, bagkus ay maging dalisay, tapat na tao, na huwag magkimkim ng mga pagdududa tungo sa Diyos, bagkus ay manampalataya at sumunod lang sa Kanya. Pinagpala ang mga taong gaya nito. Isang napakaliit na kahilingan ito ng Panginoong Jesus sa mga tao, at isang babala ito para sa Kanyang mga tagasunod.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III
Sinabi ng Panginoong Jesus kay Tomas: “Sapagka’t ako’y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma’y nagsisampalataya.” Ipinahihiwatig ng mga salitang ito na siya ay kinondena na ng Panginoong Jesus. Hindi ito tungkol sa pagiging pinagpala o hindi pinagpala. Ito ay tungkol sa katotohanang hindi ka tatanggap ng anuman kung hindi ka naniniwala; makatatanggap ka lamang kung ikaw ay naniniwala. Maniniwala ka lang ba sa anuman kung personal na magpakita sa iyo ang Diyos, tulutan kang makita Siya, at kumbinsihin ka? Bilang tao, ano ang mga katangiang taglay mo para hilingin sa Diyos na personal na magpakita sa iyo? Ano ang mga katangiang taglay mo para magawa mong hilingin sa Diyos na kausapin ang isang tiwaling tao na katulad mo? Maliban pa riyan, ano ang nagpaging dapat sa iyo para kailanganin ng Diyos na ipaliwanag nang malinaw sa iyo ang lahat ng bagay bago ka maniwala? Kung ikaw ay may talino, kung gayon maniniwala ka kahit matapos mo pa lang mabasa ang mga salitang sinambit ng Diyos. Kung totoong may pananampalataya ka, kung gayon hindi na mahalaga kung ano ang ginagawa ng Diyos o kung ano ang sinasabi Niya. Sa halip, isandaang porsyento ka na makukumbinsi na ito ay sinabi ng Diyos o ginawa ng Diyos sa sandaling makita mo na ang mga salitang ito ang katotohanan, at ikaw ay magiging handa nang sundin Siya hanggang huli. Hindi mo kailangang pagdudahan ito.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagkilala Lamang sa Sariling mga Maling Pananaw ng Isang Tao Siya Tunay na Makapagbabago
Nais ba ninyong malaman ang pinag-ugatan ng paglaban ng mga Fariseo kay Jesus? Nais ba ninyong malaman ang diwa ng mga Fariseo? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesiyas. Bukod pa riyan, naniwala lamang sila na darating ang Mesiyas, subalit hindi nila hinahangad ang katotohanan ng buhay. Kaya nga, kahit ngayon ay hinihintay pa rin nila ang Mesiyas, sapagkat wala silang kaalaman tungkol sa landas ng buhay, at hindi nila alam kung ano ang landas ng katotohanan. Paano ninyo nasasabi na matatamo ng gayon kahangal, katigas ang ulo at kamangmang na mga tao ang pagpapala ng Diyos? Paano nila mamamasdan ang Mesiyas? Kinalaban nila si Jesus dahil hindi nila alam ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu, dahil hindi nila alam ang landas ng katotohanang binanggit ni Jesus, at, bukod pa riyan, dahil hindi nila naunawaan ang Mesiyas. At dahil hindi pa nila nakita ang Mesiyas kailanman at hindi pa nila nakasama ang Mesiyas kailanman, nagawa nila ang pagkakamali na kumapit lamang sa pangalan ng Mesiyas habang kinakalaban ang diwa ng Mesiyas sa lahat ng posibleng paraan. Ang diwa ng mga Fariseong ito ay mga sutil, mapagmataas, at hindi sumunod sa katotohanan. Ang prinsipyo ng kanilang paniniwala sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang paniniwalang ito? Tinatanong Ko pa kayo: Hindi ba napakadali para sa inyo ang gawin ang mga pagkakamali ng mga sinaunang Fariseo, yamang wala kayo ni katiting na pagkaunawa kay Jesus? Kaya mo bang mahiwatigan ang daan ng katotohanan? Talaga bang magagarantiyahan mo na hindi mo lalabanan si Cristo? Nagagawa mo bang sundan ang gawain ng Banal na Espiritu? Kung hindi mo alam kung lalabanan mo si Cristo, sinasabi Ko na nabubuhay ka na sa bingit ng kamatayan. Yaong mga hindi nakakilala sa Mesiyas ay may kakayahang lahat na kalabanin si Jesus, na tanggihan si Jesus, na siraan Siya. Lahat ng taong hindi nakakaunawa kay Jesus ay kaya Siyang tanggihan at laitin. Bukod pa riyan, kaya nilang ituring na panlilinlang ni Satanas ang pagbalik ni Jesus, at mas maraming tao ang huhusga kay Jesus na nagbalik sa katawang-tao. Hindi ba kayo natatakot sa lahat ng ito? Ang kinakaharap ninyo ay magiging kalapastanganan sa Banal na Espiritu, pagwasak ng mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, at pagtanggi sa lahat ng ipinapahayag ni Jesus. Ano ang mapapala ninyo kay Jesus kung litung-lito kayo? Paano ninyo mauunawaan ang gawain ni Jesus kapag bumalik Siya sa katawang-tao sakay ng puting ulap, kung nagmamatigas kayong huwag kilalanin ang inyong mga pagkakamali? Sinasabi Ko ito sa inyo: Ang mga taong hindi tumatanggap ng katotohanan, subalit pikit-matang naghihintay sa pagdating ni Jesus sakay ng puting mga ulap, ay tiyak na lalapastangan sa Banal na Espiritu, at sila ang kategoryang pupuksain. Hinahangad lamang ninyo ang biyaya ni Jesus, at nais lamang ninyong tamasahin ang napakaligayang dako ng langit, subalit hindi pa naman ninyo nasunod kailanman ang mga salitang sinambit ni Jesus, at hindi pa ninyo natanggap kailanman ang katotohanang ipinahayag ni Jesus nang bumalik Siya sa katawang-tao. Ano ang panghahawakan ninyo bilang kapalit ng katunayan ng pagbalik ni Jesus sakay ng puting ulap? Ang kataimtiman ba ninyo sa paulit-ulit na paggawa ng mga kasalanan, at pagkatapos ay pangungumpisal ng mga iyon, nang paulit-ulit? Ano ang iaalay ninyong sakripisyo kay Jesus na nagbabalik sakay ng puting ulap? Ang mga taon ba ng paggawa kung saan dinadakila ninyo ang inyong sarili? Ano ang panghahawakan ninyo para pagkatiwalaan kayo ng nagbalik na si Jesus? Ang inyo bang likas na kayabangan, na hindi sumusunod sa anumang katotohanan?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa
Sinasabi Ko sa inyo, yaong mga naniniwala sa Diyos dahil sa mga tanda ay tiyak na nasa kategorya ng mga pupuksain. Yaong mga walang kakayahang tanggapin ang mga salita ni Jesus na nagbalik sa katawang-tao ay tiyak na mga anak ng impiyerno, mga inapo ng arkanghel, ang kategoryang isasailalim sa walang-hanggang pagkalipol. Maraming taong walang pakialam sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sakay ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyon ng matinding katuwaan sa iyo, subalit dapat mong malaman na ang sandali na nasasaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit ay ang sandali rin ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan. Iyon ang magiging panahon ng pagwawakas ng plano ng pamamahala ng Diyos at ito ay kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga tanda ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga tanda, at sa gayon ay napadalisay na, ay nakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at nakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na “Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo” ang sasailalim sa walang-hanggang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga tanda, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng matinding paghatol at nagpapalabas ng tunay na daan at buhay. Kaya nga maaari lamang silang harapin ni Jesus kapag hayagan Siyang nagbabalik sakay ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mapagmataas. Paano gagantimpalaan ni Jesus ang gayong kababang-uri?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa