01Ang Pinakamadaling Pagkakamaling Magagawa Habang Sinisiyasat ang Tunay na Daan

Alam ba ninyo kung bakit nagawa ni Satanas na linlangin si Eva at maging sanhi na mawala sa kanya ang pagpapala ng Diyos? Alam ba ninyo kung bakit ang mga ordinaryong katutubong Judio ay sumama sa mga Fariseo sa paglaban sa Panginoon, sa gayon ay nawala ang pagliligtas ng Panginoon? Ang pangunahing dahilan nito ay hindi sila nakinig sa mga salita ng Diyos, bagkus ay nakinig lamang sa mga sabi-sabi at kasinungalingan ni Satanas. Matagal nang nakabalik ang Panginoon: Inihahayag Niya ang katotohanan at ginagampanan ang gawain ng paghuhukom na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos, at maraming tao ang gumagawa ng katulad na pagkakamali gaya ni Eva at ng mga ordinaryong katutubong Judio. Parang bulag silang naniniwala sa mga kabulaanan at kasinungalingan ng mga pastor at matatanda sa iglesia sa mundong relihiyoso na sumasalungat sa mga salita ng Panginoon, gaya ng “Anumang pangangaral na nagsasabing dumating na ang Panginoon sa katawang-tao ay kasinungalingan.” Hindi sila naghahanap na marinig ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia, ayon sa pagkakahayag ng Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw. Ang ganito bang mga tao na mangmang at hindi nakakaunawa ay maaaring sumalubong sa Panginoon sa Kanyang pagbabalik?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian

“Ang ahas nga ay lalong tuso kay sa alin man sa mga hayop sa parang na nilikha ng Diyos na si Jehova. At sinabi niya sa babae, Tunay bang sinabi ng Diyos, Huwag kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan? At sinabi ng babae sa ahas, Sa bunga ng mga punong kahoy sa halamanan ay makakakain kami: Datapuwa’t sa bunga ng punong kahoy na nasa gitna ng halamanan ay sinabi ng Diyos, Huwag kayong kakain niyaon, ni huwag ninyong hihipuin, baka kayo’y mamatay. At sinabi ng ahas sa babae, Maaaring hindi ka talaga mamamatay: Sapagka’t talastas ng Diyos na sa araw na kayo’y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata, at kayo’y magiging parang Diyos, na nakakakilala ng mabuti at masama” (Genesis 3:1–5).

“Kayo’y sa inyong amang diyablo, at ang mga nasa ng inyong ama ay inyong gagawin. Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka’t walang katotohanan sa kanya. Kapag nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa sarili niya: sapagka’t siya’y isang sinungaling, at ama nito” (Juan 8:44).

“Ang sa Dios ay nakikinig ng mga salita ng Dios: dahil dito’y hindi ninyo dinirinig, sapagka’t kayo’y hindi sa Dios” (Juan 8:47).

02Ang Kahihinatnan ng Paniniwala sa mga Sabi-sabi at Kasinungalingan ni Satanas Habang Sinisiyasat ang Tunay na Daan

Ang mahalaga sa pagsisiyasat sa tunay na daan ay ang pakikinig lamang sa tinig ng Diyos, at lubusang hindi pagbibigay-pansin sa mga sabi-sabi at kasinungalingan ni Satanas; ito ang pinakamaselang prinsipyo sa pagsisiyasat sa tunay na daan, at mayroon itong deretsahang kinalaman sa ating kalalabasan at huling hantungan. Kung makikinig lamang ang mga tao sa mga sabi-sabi at kasinungalingan ng pamahalaan ng CCP at sa mga pastor at matatanda sa iglesia, at hindi makikinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia, ano ang mangyayari sa kanila?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian

“Ang Aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman” (Hosea 4:6).

“Ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng pag-unawa” (Kawikaan 10:21).

03Makinig Lamang sa Tinig ng Diyos Habang Sinisiyasat ang Tunay na Daan

Inihuhula ng Aklat ng Pahayag, “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). Ang Makapangyarihang Diyos—Cristo ng mga huling araw—ay nagpapakita sa mga tao sa pamamagitan ng Kanyang mga pagbigkas. Ang matatalinong dalaga ay nakikinig sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakikilala nila ang mga salitang ito bilang katotohanan, ang tinig ng Diyos. Hindi sila nalilinlang ng anumang mga sabi-sabi at kasinungalingan kahit katiting, at may katatagan nilang sinusunod ang Makapangyarihang Diyos. Sa gayo’y nagagawa nilang salubungin ang Panginoon, dumalo sa piging ng Kordero, at tanggapin ang kaligtasan ng Diyos sa mga huling araw. Maliwanag na ang pakikinig sa tinig ng Diyos ay siyang tanging daan sa pagsisiyasat sa tunay na daan at pagsalubong sa Panginoon.

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian

“Sinabi sa kanya ni Jesus, Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6).

“Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27).

“Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko” (Pahayag 3:20).

“Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:7).

Makinig Lamang sa Tinig ng Diyos Habang Sinisiyasat ang Tungkol sa Tunay na Daan—Hindi Ka Dapat Makinig sa mga Sabi-sabi at Kasinungalingan ni Satanas

Opisyal na Website