01Tumutunog na ang mga batingaw na nagbibigay-hudyat para sa mga huling araw—paano natin mahahanap ang mga yapak ng Diyos?

Madalas na nangyayari ang mga kalamidad sa lahat ng bahagi ng mundo, gaya ng mga lindol, mga salot, mga baha, mga kagutom at marami pang iba na sunud-sunod na dumarating. Ang kaguluhan ay lumalago sa buong mundo at ang mga digmaan ay nagbabadyang magaganp. Ganap na tinutupad ng lahat ng ito ang hula ng Panginoon: “Sapagkat magbabangon ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakaroon ng mga salot, at mga taggutom, at mga lindol sa maraming dako: Ngayon lahat ng ito ay mga pasimula ng mga pighati” (Mateo 24:7–8). Malinaw na tayo ngayon ay nasa mga huling araw at dumating na ang panahon para magbalik ang Panginoon. Kaya papaano tayo magiging matatalinong dalaga na naghahanap sa mga yapak ng Panginoon at sumasalubong sa Kanyang pagbabalik.

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian

“Masdan, nakatayo Ako sa may tarangkahan, at kumakatok. Kung may sinumang makaririnig sa Aking tinig, at pagbubuksan Ako ng pinto, papasok Ako sa kanya, at maghahapunan na kasalo siya, at siya na kasalo Ko” (Pahayag 3:20).

“At nang hatinggabi ay may sumigaw: Narito ang nobyo, magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).

“Naririnig ng Aking mga tupa ang Aking tinig: at kilala Ko sila, at sumusunod sila sa Akin. At binibigyan Ko sila ng buhay na walang hanggan; at hindi sila mapapahamak magpakailanman, at hindi sila maaagaw ninuman mula sa Aking kamay” (Juan 10:27–28).

“Sumusunod ang mga ito sa Kordero saanman Siya magtungo” (Pahayag 14:4).

“Siya, na may pandinig, hayaang marinig Niya ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:7).

02Nagbalik na ang Panginoon at nagsalita, dala-dala sa atin ang landas ng buhay na walang hanggan

Dalawang libong taon na ang nakakaraan hinulaan ng Panginoon: “Masdan, mabilis Akong dumarating(Pahayag 22:7). Ang mga hula tungkol sa Kanyang pagbabalik ay natupad na ngayon, at nagbalik Siya bilang Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw. Ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng mga katotohanan upang linisin at ganap na iligtas ang sangkatauhan, at dinala Niya sa atin ang ang landas ng buhay na walang hanggan. Upang makaagapay sa mga yapak ng Kordero, kailangan nating salubungin ang pagbabalik ng Panginoon at tanggapin ang mga katotohanang ipinahayag ni Cristo ng mga huling araw, Makapangyarihang Diyos.

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian

“Marami pa Akong sasabihin sa inyo: ngunit hindi ninyo matitiis ang mga ito ngayon. Ngunit kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan, ay dumating, ituturo Niya sa inyo ang lahat ng katotohanan” (Juan 16:12–13).

“At kung marinig ng sinuman ang Aking mga salita, at hindi sinusunod ang mga ito, hindi Ko siya hinahatulan: sapagkat hindi Ako naparito upang hatulan ang mundo, kundi upang iligtas ang mundo. Siya na nasusuklam sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay may isang hahatol sa kanya; ang salitang nasabi Ko, ito rin ang hahatol sa kanya sa huling araw” (Juan 12:47–48).

“At nakita ko ang isa pang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na taglay ang walang-hanggang ebanghelyo, upang ipangaral sa kanila na nasa ibabaw ng lupa, at nasa bawat bansa, at lipi, at wika, at mga tao: Na nagsasabi sa malakas na tinig: Matakot sa Panginoon, at bigyan Siya ng karangalan, sapagkat dumating na ang oras ng Kanyang paghuhukom; at sambahin ninyo Siya, na gumawa ng langit at lupa, ng dagat, at ng mga bukal ng mga tubig” (Pahayag 14:6–7).

03Ang pinakamadaling pagkakamali na magagawa sa pagsalubong sa Panginoon

Sinabi ng Panginoon, “Yamang lumalapit sa Akin ang mga taong ito gamit ang kanilang bibig, at niluluwalhati Ako ng kanilang mga labi, ngunit malayo sa Akin ang kanilang puso, at natakot sila sa Akin dahil sa mga utos at doktrina ng mga tao(Isaias 29:13). Inilalantad ng mga salitang ito ang mga naniniwala sa Panginoon ngunit hindi nakikinig sa Kanyang mga salita o sumusunod sa Kanya. Sa halip, sinasabi lamang nila na naniniwala sila sa Panginoon samantalang sa kanilang mga puso ay iniibig nila at sinusunod ang mga tao, sinusunod ang mga aral ng iba, at isinasagawa ang mga salita ng tao na parang ang mga ito ay sa Panginoon. Gaya halimbawa, kapag ang ilang tao ay nakakarinig ng patotoo na ang Panginoong Jesus ay nagbalik at bumibigkas ng mga bagong salita, hindi nila hinahanap o sinsisiyasat ito, sa halip hinihintay na lamang nila ang Papa at ang kanilang pari para magpasya. Ito ba ang paraan upang makaagapay sa mga yapak ng Panginoon at makamit ang Kanyang pagsang-ayon?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian

“Dapat kaming sumunod sa Diyos, hindi sa mga tao” (Mga Gawa 5:29).

“At ang mga tao ay hindi nagbalik-loob sa Kanya na nagparusa sa kanila, at hindi nila hinanap ang Panginoon ng mga hukbo. At wawasakin ng Panginoon sa loob ng isang araw ang ulo at buntot ng Israel, siyang naninikluhod, at siyang nagpipigil. Ang matanda at marangal, siya ang ulo: at ang propetang nagtuturo ng mga kasinungalingan, siya ang buntot. At silang tumatawag sa mga taong ito na pinagpala, ay magsasanhi na sila ay magkamali: at silang tinatawag na pinagpala, ay ihahagis nang una-ulo” (Isaias 9:13–16).

“Yamang lumalapit sa Akin ang mga taong ito gamit ang kanilang bibig, at niluluwalhati Ako ng kanilang mga labi, ngunit malayo sa Akin ang kanilang puso, at natakot sila sa Akin dahil sa mga utos at doktrina ng mga tao” (Isaias 29:13).

“Hayaan ninyo sila: sila’y mga bulag, at mga tagaakay ng mga bulag. At kung bulag ang umaakay sa bulag, kapwa sila mahuhulog sa hukay” (Mateo 15:14).

Masasangguning mga Video

Iba Pang mga Paksa

Paano Magpapakita ang Panginoon sa Kanyang Pagbabalik
Ang Balumbon na Hinulaan sa Pahayag ay Nabuksan na
Narinig Mo na ba ang Tinig ng Diyos?
Makinig Lamang sa Tinig ng Diyos Habang Sinisiyasat ang Tungkol sa Tunay na Daan—Hindi Ka Dapat Makinig sa mga Sabi-sabi at Kasinungalingan ni Satanas