01Ako ba ay ganap na naligtas pa rin kung mayroon akong pananampalataya pero ako ay palaging nagkakasala?

Ginampanan ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya, na tinutubos ang sangkatauhan mula sa kanilang mga kasalanan kaya hindi na sila nahahatulan at isinumpa sa ilalim ng kautusan. Sa ganitong paraan, maraming tao ang naniniwala na tayo’y nabiyayaan na ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoon at napatawad na ang ating mga kasalanan, at kapag dumating ang Panginoon dadalhin tayo diretso sa kaharian ng langit. Pero totoo ba talaga iyan? Bagaman naligtas tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Panginoon, ang ating makasalanang likas at mala-satanas na disposisyon ay nananatili sa loob natin at hindi natin mapigilan na magkasala at labanan ang Diyos. Nangangahulugan ba talaga ito na ang mga taong tulad natin na palaging nagkakasala ay nalinis na at ganap na naligtas? Talaga bang makakapasok tayo sa kaharian ng langit?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian

“Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21).

“Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailanman: ang anak ang nananahan magpakailanman” (Juan 8:34–35).

“Sundin ninyo ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, at ang pagpapakabanal na kung wala ito’y sinoman ay di makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14).

02Ano ang pagtatamo ng ganap na kaligtasan?

Ano ang ganap na kaligtasan? Sa katunayan, ito’y tumutukoy sa pagwawaksi sa kasalanan at pagiging malinis. Ibig sabihin, iyong mga taong ganap na naligtas ay hindi lamang kumikilos nang mabuti sa panlabas, kundi ang kanilang mga tiwaling disposisyon, tulad ng kahambugan, pagka-palalo, kalikuan, pandaraya, pag-iimbot, kahalayan, kasamaan at kasakiman ay lahat nabago na. Kaya nilang mabuhay na lubusang naaayon sa mga salita ng Diyos, at talagang makapagpapasakop sila at igagalang ang Diyos. Anuman ang mga pagsubok o kahirapan na hinaharap nila, nakapagpapatotoo sila para sa Diyos, at nagagawa nilang mahalin at bigyang-kasiyahan ang Diyos. Sila’y naging hindi makakayanang gawing tiwali ni Satanas. Ito lamang ang ganap na kaligtasan.

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian

“Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saanman Siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Diyos at sa Cordero. At sa kani-kaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila’y mga walang dungis” (Pahayag 14:4–5).

“Mapapalad ang mga gumagawa ng Kanyang mga utos, upang sila’y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan” (Pahayag 22:14).

“At siya’y kanilang dinaig dahil sa dugo ng Cordero, at dahil sa salita ng kanilang patotoo, at hindi nila inibig ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan” (Pahayag 12:11).

“Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay hindi parurusahan ng ikalawang kamatayan” (Pahayag 2:11).

03Papaano makakamtan ang ganap na kaligtasan?

Si Cristo ng mga huling araw, Makapangyarihang Diyos, ay ipinapahayag ang lahat ng mga katotohanan na lumilinis at nagliligtas sa sangkatauhan. Ginagampanan Niya ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos, na inilalantad ang mala-satanas na likas at tiwaling diwa ng sangkatauhan, ibinubunyag sa atin ang Kanyang likas na matuwid na disposisyon, at ipinapakita sa atin ang landas sa pagtakwil sa kasalanan upang tayo ay madalisay at ganap na maligtas. Hangga’t sumasabay tayo sa gawain na Diyos, tinatanggap at nagpapasakop sa paghatol, pagkastigo, mga pagsubok, at pagdalisay ng Diyos, kung gayon ang ating mga tiwaling disposisyon ay unti-unting nalilinis at nababago, at sa bandang huli tayo ay maaaring ganap na maliligtas at pumasok sa kaharian ng langit.

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian

“Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12–13).

“At kung ang sinumang tao’y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi Ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi Ako naparito upang humatol sa sanlibutan, kundi upang iligtas ang sanlibutan. Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47–48).

“Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos” (1 Pedro 4:17).

“At mangyayari, na sa buong lupain, sabi ni Jahova, dalawang bahagi ay mahihiwalay at mamamatay; nguni’t ang ikatlo ay maiiwan. At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila’y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila’y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila’y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya’y bayan ko; at kanilang sasabihin, Si Jahova ay aking Dios” (Zacarias 13:8–9).

Masasangguning mga Artikulo

Ano ang Kasalanan? Paano natin maiiwasan ang kasalanan?

Ano ang Kasalanan? Paano natin maiiwasan ang kasalanan?

Ang Minsang Maligtas ay Hindi Nangangahulugan ng Palaging Naligtas

Ang Minsang Maligtas ay Hindi Nangangahulugan ng Palaging Naligtas

Ano ang Kaligtasan? Ang Kaligtasan Ba ay ang Tanging Kinakailangan Upang Makapasok sa Kaharian ng Langit?

Ano ang Kaligtasan? Ang Kaligtasan Ba ay ang Tanging Kinakailangan Upang Makapasok sa Kaharian ng Langit?

Ang Daan Tungo sa Pagdadalisay

Ang Daan Tungo sa Pagdadalisay

Masasangguning mga Video

Iba Pang mga Paksa

Paano Malilinis ang Tao mula sa Katiwalian
Narinig Mo na ba ang Tinig ng Diyos?
Paano Pumasok sa Kaharian ng Langit
Ang Paghuhukom ng Dakilang Puting Trono ay Matagal na Panahon nang Nagsimula