01Lubos na tinutupad ng pagbabalik ng Diyos sa katawang-tao sa mga huling araw ang mga propesiya ng Panginoon

Maraming mananampalataya ang naghihintay sa Panginoon na bumaba sa ibabaw ng ulap at magpakita sa sangkatauhan. Gayunpaman, ang mga propesiya tungkol sa Kanyang pagbabalik ay natupad na halos lahat, kung gayon bakit hindi natin Siya nakitang bumababa sa ibabaw ng isang ulap? Sa katunayan, ang mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon ay hindi nalilimitahan sa Kanyang pagbaba sa ibabaw ng isang ulap, dahil mayroon ding mga propesiya tungkol sa Kanyang pagdating nang palihim, gaya ng “Kayo rin naman ay magsipaghanda: sapagkat sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating(Lucas 12:40), “Kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:37), at marami pa. Dumating na ang Panginoon sa katawang-tao bilang Anak ng tao, na tahimik na lumalakad sa ating kalagitnaan, na sa pamamagitan nito’y tinutupad ang mga propesiya ng “pagbabalik ng Anak ng tao.”

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian

“Kayo rin naman ay magsipaghanda: sapagkat sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40).

“Kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37).

“Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito” (Lucas 17:24–25).

“Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko” (Pahayag 3:20).

02Bakit muling magkakatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw upang magpakita at gumawa?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian

“Ay gayon din naman si Cristo; na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa’y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa Kanya” (Mga Hebreo 9:28).

“Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos” (1 Pedro 4:17).

“Sapagka’t siya’y nagtakda ng isang araw na kaniyang ipaghuhukom sa sanglibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking kaniyang itinalaga” (Mga Gawa 17:31).

“Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob Niya sa Anak ang buong paghatol” (Juan 5:22).

“At binigyan Siya ng awtoridad na humatol, sapagka’t Siya’y Anak ng tao” (Juan 5:27).

03Ano ang mga resulta ng hindi pagtanggap sa katotohanan ng pagbabalik ng Diyos sa katawang-tao?

Nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao bilang Anak ng tao upang magpakita at gampanan ang Kanyang gawain sa mga huling araw, at lubusang ginagawa Niya ito para sa kapakanan ng pagliligtas sa tiwaling sangkatauhan mula sa kasalanan minsan magpakailanman, upang ang mga tao’y maging dalisay at magkamit ng ganap na kaligtasan ng Diyos. Kapag nagwakas na ang gawain ng Diyos sa katawang-tao, magpapaulan Siya ng mga malalaking sakuna at magsisimulang gantimpalaan ang mabubuti at parusahan ang masasama. Pagkatapos, bababa Siya sa ibabaw ng isang ulap at hayagang ipapahayag ang Kanyang sarili sa lahat ng tao. Pagkatapos ay pangungunahan ng Diyos ang lahat ng dinalisay at ganap na naligtas papasok sa kaharian, samantalang iyong tumanggi at lumaban sa pangalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay tatangayin sa malalaking sakuna, at sila’y mananagis at magngangalit ang kanilang mga ngipin.

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian

“Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya. Nang magkagayo’y nagsipagbangong lahat ang mga dalagang yaon, at pinagigi ang kanilang mga ilawan. At sinabi ng mga mangmang sa matatalino, Bigyan ninyo kami ng inyong langis; sapagka’t nangamamatay ang aming mga ilawan. Datapuwa’t nagsisagot ang matatalino, na nangagsasabi, Baka sakaling hindi magkasiya sa amin at sa inyo: magsiparoon muna kayo sa nangagbibili, at magsibili kayo ng ganang inyo. At samantalang sila’y nagsisiparoon sa pagbili, ay dumating ang kasintahang lalake; at ang mga nahahanda ay nagsipasok na kasama niya sa piging ng kasalan: at inilapat ang pintuan. Pagkatapos ay nagsirating naman ang mga ibang dalaga, na nagsisipagsabi, Panginoon, Panginoon, buksan mo kami. Datapuwa’t sumagot siya at sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi ko kayo nangakikilala” (Mateo 25:6–12).

“Narito, siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa” (Pahayag 1:7).

“Nguni’t sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan” (Pahayag 21:8).

Matagal nang Panahon ang Nakalipas mula nang Nagbalik ang Panginoon sa Katawang-tao upang Magpakita at Gumawa

Opisyal na Website