01Bakit Bumalik ang Panginoong Jesus sa mga Huling Araw para sa Gawain ng Paghatol Matapos ang Gawain ng Pagtubos?

Bagama’t tinubos ng Panginoon ang mga tao noong Kapanahunan ng Biyaya at pinatawad ang kanilang mga kasalanan, hindi nalinis ang kanilang pagiging likas na makasalanan—nabubuhay pa rin silang lahat sa siklo ng pagkakasala, pangungumpisal, pagkatapos ay muling nagkakasala at muling nangungumpisal. Ito ang masakit na pakikibaka nila sa buhay. Ipinopropesiya sa Biblia: “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos(1 Pedro 4:17). “At kung ang sinumang tao’y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi Ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi Ako naparito upang humatol sa sanlibutan, kundi upang iligtas ang sanlibutan. Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:47–48). Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay ang yugto ng gawain ng paghatol; ipinahayag na Niya ang mga katotohanan upang linisin ang lahat ng humaharap sa luklukan ng Diyos, ayusin ang lahat ayon sa kanilang uri, at sa huli ay dalhin yaong mga napadalisay sa Kanyang kaharian, sa gayo’y ganap na wakasan ang kapanahunan. Makikita natin na ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay lubos na tinutupad at tinatapos ang mga propesiya sa Biblia—ito ang gawain ng lubos na pagliligtas sa sangkatauhan.

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian

“Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailanman: ang anak ang nananahan magpakailanman” (Juan 8:34–35).

“Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway” (Mga Hebreo 10:26–27).

“Ay gayon din naman si Cristo; na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa’y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa Kanya” (Mga Hebreo 9:28).

“Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang Sarili; kundi ang anumang bagay na Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13).

“At kung ang sinumang tao’y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi Ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi Ako naparito upang humatol sa sanlibutan, kundi upang iligtas ang sanlibutan. Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47–48).

02Ano ang mga Pagkakaiba sa Pagitan ng Gawain ng Pagtubos ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya at ng Gawain ng Paghatol sa Kapanahunan ng Kaharian?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian

“Mangagsisi kayo: sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17).

“At kung ang sinumang tao’y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi Ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi Ako naparito upang humatol sa sanlibutan, kundi upang iligtas ang sanlibutan. Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling arawgawain ng Diyos sa kasalukuyang pagkakatawang-tao ay upa” (Juan 12:47–48).

03Paano Natin Malalaman na Ginagawa ng Iisang Diyos ang Gawain ng Pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya at ang Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian

“Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Diyos, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat” (Pahayag 1:8).

Ang Pagtubos ng Panginoon at ang Paghatol Niya sa mga Huling Araw

Opisyal na Website