Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Paraan para Makilala ang Diyos

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Ano ang espirituwal na mundo

Ano ang espirituwal na mundo

Ano ang espirituwal na mundo? Hayaan ninyong bigyan Ko kayo ng maigsi at payak na paliwanag. Ang espirituwal na mundo ay isang mahalagang lugar, isa na naiiba mula sa materyal na mundo. At bakit Ko sinasabi na ito ay mahalaga? Pag-uusapan natin ang tungkol dito nang detalyado. Ang pag-iral ng espirituwal na mundo ay mayroong hindi maihihiwalay na kaugnayan sa materyal na mundo ng sangkatauhan. Ito ay may malaking papel na ginagampanan sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng tao sa kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng mga bagay; ito ang kanyang papel, at ang isa sa mga dahilan kung bakit ang pag-iral nito ay mahalaga. Sapagkat ito ay isang lugar na hindi naaaninaw ng limang pandama, walang makahahatol nang wasto kung ito ay umiiral o hindi. Ang mga pangyayari sa espirituwal na mundo ay matalik na nakaugnay sa pag-iral ng sangkatauhan, bilang resulta nito ang mga pamamaraan ng pamumuhay ng sangkatauhan ay sobrang naimpluwensiyahan ng espirituwal na mundo. May kaugnayan ba ito sa kapangyarihan ng Diyos? Mayroon ito. Kapag sinasabi ko ito, naiintindihan ninyo kung bakit ko tinatalakay ang paksang ito: Sapagkat ito ay may kaugnayan sa kapangyarihan ng Diyos, at sa Kanyang pamamahala. Sa isang mundo na katulad nito—isang hindi nakikita ng mga tao—ito ang bawat kautusan ng langit, batas at sistema sa pamamahala nito ay higit na mas mataas kaysa sa mga kautusan at mga sistema ng alinmang bansa sa materyal na mundo, at walang nilalang na nabubuhay sa mundong ito na mangangahas na labagin o salungatin ang mga ito. Nauugnay ba ito sa kapangyarihan at pamamahala ng Diyos? Sa mundong ito, may mga malinaw na administratibong batas, malinaw na mga panlangit na kautusan, at malinaw na mga palatuntunan. Sa magkakaibang antas at sa magkakaibang lugar, ang mga tagapamahala ay mahigpit na namamalagi sa kanilang tungkulin at sumusunod sa mga patakaran at mga tuntunin, sapagkat alam nila kung ano ang magiging kalalabasan sa paglabag sa mga kautusan ng langit, nalalaman nila nang malinaw kung paano pinarurusahan ng Diyos ang masama at ginagantimpalaan ang mabuti, at kung paano Niya pinangangasiwaan ang lahat ng mga bagay, kung paano Niya pinamamahalaan ang lahat ng mga bagay, at, mangyari pa, malinaw nilang nakikita kung paano pinatutupad ng Diyos ang Kanyang mga panlangit na kautusan at mga batas. Ang mga ito ba ay kaiba sa materyal na mundo na tinitirhan ng sangkatauhan? Malaki ang kanilang pinagkaiba. Ito ay isang mundo na lubos na naiiba sa materyal na mundo. Yamang mayroong mga panlangit na kautusan, at mga batas, may kinalaman ito sa kapangyarihan, pamamahala ng Diyos, at, mangyari pa, sa disposisyon ng Diyos at sa kung anong mayroon at kung ano Siya. Sa pagkarinig nito, hindi ba ninyo nararamdaman na kailangan na talaga para sa Akin na magsalita ukol sa paksang ito? Ayaw ba ninyong malaman ang nakapaloob na mga lihim? Ang gayon ay ang pananaw sa espirituwal na mundo. Bagamat ito ay kasabay na umiiral ng materyal na mundo, at sabay na napaiilalim sa pamamahala at kapangyarihan ng Diyos, ang pamamahala at kapangyarihan ng Diyos sa mundong ito ay higit na mas mahigpit kaysa doon sa materyal na mundo. Pagdating sa mga detalye, dapat tayong magsimula sa kung paanong ang espirituwal na mundo ay may pananagutan para sa gawain ng pag-inog ng buhay at kamatayan ng sangkatauhan, sapagkat ang gawaing ito ay isang malaking bahagi ng gawain ng mga nilalang sa espirituwal na mundo.

Sa gitna ng sangkatauhan, inuuri Ko ang mga tao sa tatlong uri. Ang unang uri ay ang mga hindi sumasampalataya, ang mga walang relihiyosong mga pananampalataya. Sila ang mga tinatawag na hindi sumasampalataya. Ang higit na nakararaming mga hindi sumasampalataya ay naniniwala lamang sa salapi, hinahanap lamang nila ang kanilang sariling mga kapakinabangan, sila ay mga materyoso, at ang pinaniniwalaan lamang nila ay ang materyal na mundo, hindi ang pag-inog ng buhay at kamatayan, at anumang mga kasabihan tungkol sa mga diyos at mga espiritu. Inuuri Ko sila bilang mga hindi sumasampalataya, at sila ang unang uri. Ang ikalawang uri ay ang iba’t ibang tao na may pananampalataya na hiwalay mula sa mga hindi sumasampalataya. Sa gitna ng sangkatauhan, hinahati Ko ang mga taong ito na may pananampalataya sa ilang pangunahing mga uri: Ang una ay ang mga Hudyo, ang ikalawa ay ang mga Katoliko, ang ikatlo ay ang mga Kristiyano, ang ikaapat ay ang mga Muslim, at ang ikalima ay ang mga Budista—may limang uri. Ito ang iba’t ibang uri ng mga taong may pananampalataya. Ang ikatlong uri ay yaong mga naniniwala sa Diyos, na may kinalaman sa inyo. Ang uri ng mga sumasampalatayang ito ay yaong mga sumusunod sa Diyos sa araw na ito. Ang mga taong ito ay nahahati sa dalawang uri: Ang mga taong pinili ng Diyos at ang mga tagapaglingkod. Tama! Malinaw na makikilala ang pagkakaiba ng dalawang pangunahing uring ito. Kaya ngayon, sa inyong mga isip malinaw ninyong makikilala ang pagkakaiba ng mga uri at mga antas ng mga tao. Ang una ay ang mga taong hindi sumasampalataya—nasabi Ko na kung ano ang mga hindi sumasampalataya. Marami sa mga taong hindi samasampalataya ay naniniwala lamang sa Matandang Lalaki sa Langit; naniniwala sila na ang hangin, ulan, at ang kulog ay kontrolado nitong Matandang Lalaki sa Langit, na kanilang inaasahan sa pagtatanim ng mga halaman at ang pag-aani—ngunit sa pagbanggit sa pananampalataya sa Diyos ay umaayaw sila. Matatawag ba itong pananampalataya sa Diyos? Ang gayong mga tao ay nabibilang sa mga taong hindi sumasampalataya. Yaong mga hindi naniniwala sa Diyos at naniniwala lamang sa Matandang Lalaki sa Langit ay lahat mga taong hindi sumasampalataya; ang lahat ng hindi naniniwala sa Diyos, o sumusunod sa Diyos, ay mga taong hindi sumasampalataya. Ang ikalawang uri ay yaong mga kaanib sa limang pangunahing mga relihiyon at mga naniniwala sa malabong Diyos. Ang ikatlong uri ay yaong naniniwala sa praktikal na Diyos na naging tao sa panahon ng huling mga araw—yaong mga sumusunod sa Diyos sa araw na ito. At bakit Ko hinati ang mga tao sa tatlong uri na ito? (Sapagkat sila ay may magkakaibang hantungan at katapusan.) Yaon ay isang aspeto. Sapagkat, kapag yaong iba’t ibang lahi at uri ng mga tao ay magbalik sa espirituwal na mundo, ang bawat isa ay may magkakaibang lugar na pupuntahan, sila ay isasailalim sa iba’t ibang kautusan ng pag-inog ng buhay at kamatayan, at ito ang dahilan kung bakit Ko inuri ang mga tao sa mga pangunahing uring ito.

mula sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang Pagtanggap sa Diyos Bilang Iyong Natatanging Panginoon ay ang Unang Hakbang sa Pagtamo ng Kaligtasan

Sumunod:Ang Pag-inog ng Buhay at Kamatayan ng Mga Taong Hindi Sumasampalataya

Baka Gusto Mo Rin