Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Saksi kay Cristo ng mga Huling Araw

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

14. Ano ang pakikibahagi sa seremonyang pangrelihiyon?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang isang normal na buhay espiritwal ay hindi limitado sa panalangin, awit, buhay iglesia, pagkain at pag-inom ng mga salita ng diyos, at iba pang gayong mga pagsasagawa, ngunit ito ay nangangahulugan na isabuhay ang isang buhay espiritwal na sariwa at masigla. Ito ay hindi tungkol sa pamamaraan, bagkus sa resulta. Iniisip ng karamihan sa mga tao na upang magkaroon ng isang normal na buhay espiritwal ang isa ay dapat manalangin, umawit, kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, o subukang unawain ang mga salita ng Diyos. Hindi alintana magkaroon man ang ng anumang resulta, o magkaroon man ng isang tunay na pagkaunawa, ang mga taong ito ay basta na lamang nagpopokus sa pakikiayon sa nasa labas-at hindi nagpopokus sa resulta-sila ang mga tao na nabubuhay sa loob ng mga ritwal ng relihiyon, at hindi mga taong nabubuhay sa loob ng iglesia, at lalong hindi sila mga tao ng kaharian. Ang ganitong uri ng mga panalangin ng tao, mga awit, at pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos ay pagsunod lahat sa mga patakaran, sila ay inuudyukan na gawin ang mga ito, at ang mga ito ay ginagawa upang makisabay sa uso, hindi sila ginagawa nang kusa o ginagawa mula sa puso. Hindi alintana gaano man ang idalangin o awitin ng mga taong ito, hindi magkakaroon ng anumang resulta, sapagkat lahat ng kanilang isinasagawa ay mga relihiyosong patakaran at mga ritwal, at hindi nila isinasagawa ang salita ng Diyos. Sa pagpopokus lamang sa pamamaraan, at pagdadala sa mga salita ng Diyos bilang mga patakaran na susundin, ang ganitong uri ng tao ay hindi isinasagawa ang salita ng Diyos, ngunit pinalulugod ang laman, at gumagawa ng mga bagay upang purihin ng iba. Ang ganitong uri ng relihiyosong ritwal at patakaran ay nagmumula sa tao, hindi mula sa Diyos. Ang Diyos ay hindi nagpapanatili ng mga patakaran, hindi sumusunod sa anumang mga kautusan; gumagawa Siya ng mga bagong bagay araw-araw at gumagawa Siya ng praktikal na gawain. Kagaya ng mga tao sa Tatlong-Sariling Iglesia na limitado lamang sa pang-araw-araw na panalangin sa umaga, mga panggabing panalangin, mga pagpapasalamat bago ang pagkain, pagpapahayag ng pasasalamat sa lahat, at iba pang gayong mga pagsasagawa, gaano man karami ang gawin ng mga taong ito, o gaano man katagal nilang isagawa, hindi nila matataglay ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung ang mga tao ay nabubuhay sa loob ng mga patakaran, na ang kanilang mga puso ay buhos sa pagsasagsawa, kung gayon ang Banal na Espiritu ay walang pag-asang gumawa ng gawain, sapagkat ang puso ng mga tao ay abala sa mga patakaran, abala sa mga pagkaintindi ng mga tao; kung gayon ang Diyos ay walang paraan upang gumawa ng gawain; ang mga tao ay palagi na lamang mabubuhay sa ilalim ng pagkontrol ng kautusan, at ang ganitong uri ng tao ay hindi kailanman matatanggap ang papuri ng Diyos.

mula sa “May Kinalaman sa Isang Normal na Buhay Espiritwal” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

May ilan namang madalas na hanggang salita lamang pagdating sa pagkakautang nila sa Diyos. Ginugugol nila ang kanilang mga araw nang may mga nakakunot na noo, na nagpapakitang-gilas, at nagkukunwaring kahabag-habag ang mukha. Talagang kasuklam-suklam! At kung tatanungin mo siya, “Sa anong mga paraan ka may utang na loob sa Diyos? Mangyaring sabihin sa akin!” wala siyang maisasagot. Kung ikaw ay matapat sa Diyos, huwag mo iyon banggitin sa publiko, kundi gamitin ang iyong aktwal na pagsasagawa upang ipakita ang iyong pagmamahal sa Diyos, at manalangin sa Kanya nang may tapat na puso. Mga ipokrito ang lahat ng mga gumagamit lamang ng salita upang pakitunguhan ang Diyos! Ang ilan ay nagsasalita ng pagkakautang sa Diyos sa bawat panalangin, at nagsisimulang umiyak kapag nananalangin sila, kahit na walang pag-antig ng Banal na Espiritu. Namamayani sa mga taong tulad nito ang mga relihiyosong ritwal at paniwala; namumuhay sila sa mga naturang ritwal at paniwala, laging naniniwala na ang mga naturang kilos ay kalugud-lugod sa Diyos, at ang paimbabaw na kabanalan o malulungkot na luha ay nililingap ng Diyos. Anong mabuting idudulot ng mga kakatwang bagay na ito? Upang ipakita ang kanilang kababaang-loob, kunwaring nagpapakita ng kagandahang-loob kapag nagsasalita sa presensya ng iba. Ang ilan ay sinasadyang magpa-alila sa presensya ng iba, gaya ng isang tupa na walang kahit anong lakas. Ganitong uri ba ng mga tao ang nasa kaharian? Ang taong nasa kaharian ay dapat na buhay na buhay at malaya, walang-sala at bukas ang kalooban, tapat at kalugod-lugod; isang namumuhay sa kalagayan ng kalayaan. Mayroon siyang karakter at dignidad, at kaya niyang maging saksi saanman siya magpunta; siya ay parehong kinalulugdan ng Diyos at ng tao. Ang mga baguhan sa pananampalataya ay may napakaraming panlabas na gawi; kailangan muna nilang sumailalim sa isang panahon ng pakikitungo at pagwasak. Ang mga may pananalig sa Diyos sa kanilang mga puso ay hindi kakaiba sa panlabas na paningin ng iba, ngunit ang kanilang mga kilos at gawa ay kapuri-puri sa iba. Tanging ang mga tao lamang na ito ang maituturing na nagsasabuhay sa salita ng Diyos. Kung araw-araw kang mangangaral ng ebanghelyo sa taong ito at sa isa pa, hihikayatin sila sa kaligtasan, ngunit sa katapusan, ay namumuhay ka pa rin sa mga patakaran at doktrina, hindi mo mabibigyan ng luwalhati ang Diyos kung gayon. Ang mga naturang uri ng tao ay relihiyoso, at ipokrito rin.

mula sa “Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kahit Linggo (araw ng Sabbath, na sinusunod ng mga Judyo) ay kinamumuhian din ng Diyos; higit na kinamumuhian at tinatanggihan ng Diyos ang ugnayan ng mga tao at makamundong komunikasyon. Hindi itinalaga ng Diyos kahit na ang Pista ng Tagsibol at Araw ng Pasko na kilala ng lahat ng tao, bayaang mag-isa ang mga laruan at dekorasyon (mag-asawa, Bagong Taon na keyk, mga paputok, mga parol, mga regalo ng Pasko, mga pagtitipon sa Pasko at Banal na Komunyon) dahil ang mga maligayang opisyal na pistang ito—ay hindi ba mga idolo sa puso ng mga tao? Pagpira-piraso ng tinapay sa araw ng Sabbath, alak at maselang lino ay mas higit na idolo. Ang lahat ng mga iba’t-ibang mga tradisyonal na pistang araw na kilala sa Tsina, tulad ng Dragon Heads-raising Day, ang Dragon Boat Festival, Mid-Autumn Festival, ang Laba Festival at Araw ng Bagong Taon, at ang ganap na walang kahulugang mga pista sa mundo ng relihiyon tulad ng Kuwaresma, Araw ng Pagbibinyag, at Araw ng Pasko, ang lahat ng mga ito ay inayos at ipinamana mula sa unang panahon hanggang sa kasalukuyan ng maraming mga tao, at lahat ay hindi tugma sa sangkatauhang nilikha ng Diyos. Ito ay ang mayamang imahinasyon ng tao at “mapanlikhang kabatiran” na kung saan pinayagan ang mga ito na maipamana hanggang sa ngayon. Lumalabas silang malaya sa anumang kapintasan, ngunit sa katunayan ang lahat ng ito ay mga panlilinlang ni Satanas na pagsasamantala sa sangkatauhan. Mas matagal na naninirahan si Satanas sa isang lokasyon, at mas lipas at paurong ang lugar na iyon, ay mas malala ang mga pyudal na kaugalian. Ang mga bagay na ito ay nagbibigkis sa mga tao nang mahigpit, na hindi nagpapahintulot ng espasyo para kumilos. Tila nagpapakita nang mahusay na pagka-orihinal ang marami sa mga pista sa mundo ng relihiyon at lumilitaw na lumilikha ng isang tulay sa gawain ng Diyos, ngunit sila ay talagang di-madaling unawaing mga tali ni Satanas na ginagapos ang kaalaman ng mga tao sa Diyos, mga panlalansi ni Satanas. Sa katunayan, kapag ang isang yugto ng gawain ng Diyos ay tapos na, winasak na Niya ang Kanyang mga kasangkapan at estilo ng panahong iyon na hindi nag-iiwan ng anumang bakas. Gayunman, ang “matapat na mananampalataya” ay sinasamba pa rin ang mga nasasalat na materyal na bagay ngunit iniiwan kung anong mayroon ang Diyos nang walang anumang pag-aaral tungkol dito, tila baga puno ng pag-ibig ng Diyos ngunit ang totoo Siya ay matagal nang itinutulak palabas ng bahay at inilalagay si Satanas sa hapag upang sambahin. Mga larawan ni Jesus, ang Krus, Maria, Bautismo ni Jesus at ang Huling Hapunan, ang lahat ng mga ito, tinatrato ito ng mga tao bilang Diyos at sinasamba sila habang paulit-ulit na sumisigaw ng “Diyos na Ama.” Hindi ba ang lahat ng ito ay isang biro? …

Ang pinakamahusay na paraan upang baguhin ang disposisyon ng tao ay baligtarin ang mga napakatinding nalason na mga bagay sa kaibuturan ng mga puso ng mga tao, na nagpapahintulot sa mga tao upang magsimula sa pamamagitan nang pagbabago sa kanilang mga ideolohiya at moralidad. Una sa lahat, kailangang malinaw na makita ng mga tao na ang lahat ng seremonya ng relihiyon, mga relihiyosong gawain, mga petsa, mga pista, lahat ay kinasusuklaman ng Diyos. Dapat silang lumaya mula sa mga gapos ng pyudal na ideolohiya at alisin ang mga malalim na mga pangkulay na pamahiin. Ang lahat ng ito ay bahagi ng pagpasok ng tao.

mula sa “Gawa at Pagpasok (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ano ang kaibhan sa pagitan ng pag-unawa sa katotohanan at ng pag-unawa sa doktrina?

Sumunod:Bakit nagiging relihiyon ang mga iglesia?

Baka Gusto Mo Rin