Tagalog Christian Song With Lyrics | "Sino ang Maaaring Magmalasakit sa Kalooban ng Diyos?"

Hulyo 7, 2020

Tao'y naranasan pagkagiliw Ko,

dati'y naglingkod sila sa Akin

at sila'y tunay na masunurin,

ginagawa'ng lahat para sa 'Kin.

Ngunit tao'y 'di na 'to kaya ngayon;

sa espiritu nila sila'y umiiyak.

Tinitingnan Ako, tumatawag ng tulong;

'di makakatakas sa suliranin nila.

Mga tao noo'y nangako,

nanunumpa sa lupa at langit

na bayaran kabaitan Ko

ng buong pagmamahal nila.

Umiyak silang may pighati sa 'Kin;

iyak nila'y malungkot, hirap tiisin.

Ibibigay Ko'ng tulong sa sangkatauhan

dahil sa kanilang kapasyahan.

Kung tao'y malungkot, nandito Ako

upang sila'y aliwin;

kung sila'y mahina, tutulong Ako.

Kung sila'y mawala, ibibigay Ko ang daan;

at kung sila'y umiiyak,

pupunasan Ko'ng luha nila.

Ngunit kung Ako'y malungkot,

sino'ng aaliw sa Akin?

Kung Ako'y nag-aalala,

sino'ng iintindi sa nadarama Ko?

'Di mabilang na beses tao'y sinunod Ako,

kagandahan nila'y 'di malilimutan.

Ako'y tapat nilang mahal,

damdaming tunay kapuri-puri.

'Di mabilang na beses Ako'y minahal nila at

buhay isasakripisyo.

Dahil sa katapatang ito,

pag-ibig nila'y nakamtan pagtanggap Ko.

'Di mabilang na beses, inalay sarili nila,

kamataya'y mahinahong hinaharap

sa kapakanan Ko.

Pag-aalala'y inalis sa mukha nila,

maingat Kong minasdan mukha nila.

'Di mabilang na beses, sila'y minahal Ko

animo'y yaman Ko sila.

'Di mabilang na beses, sila'y kinamuhian Ko,

animo'y kaaway Ko sila.

Tao'y 'di pa rin maaarok

ano'ng nasa isip Ko.

Kung tao'y malungkot,

nandito Ako upang sila'y aliwin;

kung sila'y mahina, tutulong Ako.

Kung sila'y mawala, ibibigay Ko ang daan;

at kung sila'y umiiyak,

pupunasan Ko'ng luha nila.

Ngunit kung Ako'y malungkot,

sino'ng aaliw sa Akin?

Kung Ako'y nag-aalala,

sino'ng iintindi sa nadarama Ko?

Kapag Ako'y malungkot,

sino'ng maghihilom sa sugat ng puso Ko?

Sino'ng makikipagtulungan sa Akin

sa oras na kailangan Ko 'sang tao?

Nakaraang saloobin ba ng tao

sa Akin ngayo'y nawala, 'di na babalik?

Bakit walang kahit isang

natira sa alaala nila?

Mga tao'y nakalimutan na'ng mga bagay na 'to,

dahil ginawang tiwali ng kaaway.

Kung tao'y malungkot, nandito Ako

upang sila'y aliwin;

kung sila'y mahina, tutulong Ako.

Kung sila'y mawala, ibibigay Ko ang daan;

at kung sila'y umiiyak,

pupunasan Ko'ng luha nila.

Ngunit kung Ako'y malungkot,

sino'ng aaliw sa Akin?

Kung Ako'y nag-aalala,

sino'ng iintindi sa nadarama Ko?

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger