'Pag Binuksan Mo'ng Puso Mo sa Diyos

Abril 17, 2020

Tagalog Christian Song With Lyrics | "'Pag Binuksan Mo'ng Puso Mo sa Diyos"

'Pag ang Diyos ay 'di mo batid,

at likas Niya'y di mo tanto,

puso mo'y hindi magbubukas

nang tunay para sa Diyos.

'Pag naintindihan mo na'ng iyong Diyos,

ang nasa puso Niya'y mauunawaan mo,

at ito'y daranasin mong lubusan

nang may buong pananampalataya.

'Pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos

nang unti-unti, sa bawat araw,

'pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos,

pagbubuksan Siya ng iyong puso.

'Pag tunay na bukas ang 'yong puso,

'pag tunay na bukas ang 'yong puso,

iyong makikita'ng suklam

at kahihiyang mapaglustay't makasariling hiling.

'Pag tunay na bukas ang 'yong puso,

'pag tunay na bukas ang 'yong puso,

makikita sa puso Niya'y mundong walang-hanggan,

tungo sa kahariang walang katulad.

Sa kaharia'y walang pandaraya,

walang panlilinlang, walang kadiliman,

at walang kasamaan.

Tanging kataimtiman at katapatan;

tanging pagkamatuwid at kagandahang-loob.

Siya'y pag-ibig, Siya'y mapag-aruga,

walang hanggang kahabagan.

Sa iyong buhay, saya'y nadarama,

kung buksan ang puso mo sa Diyos.

Sa dunong Niya't lakas napupuspos ang kaharian,

maging ng awtoridad Niya't pag-ibig.

Makikita mo kung anong mayroon at sino Siya,

kung ano ang nagdudulot sa Kanya ng saya,

ng hapis, ng lungkot at galit,

nariyang makita ng lahat.

'Pag binuksan ang puso mo sa Diyos

at anyayahan Siyang tumuloy.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger