Tagalog Christian Song With Lyrics | "Kapag Umalingawngaw, Pagpupugay sa Kaharian"

Hunyo 25, 2020

Di tulad no'ng araw

ang Panahon ng Kaharian.

Ginagawa ng tao'y walang kinalaman.

Dahil Diyos ay bumababa,

ginagawa Niya mismo,

gawaing di kayang gawin ng tao.

Pag nagsisimula ang pagtatayo ng kaharian,

nagkatawang-taong Diyos,

ministeryo'y sinisimulan.

Naghahari Siya sa kaharian.

Nakababa na sa mundo ang kaharian.

Lahat nasa ilalim ng pag-ibig

at habag ng Diyos,

pati na sa paghatol at pagsubok Niya.

Kinaawaan ang tao't minahal Niya,

kahit no'ng naging tiwali sila.

Minsan na Niyang nakastigo sila,

kahit no'ng sila'y nagpailalim sa Kanya.

Nguni't 'di ba lahat nama'y nasa gitna mismo

ng Kanyang pagdurusa't pagpipino?

Kapag umaalingawngaw,

pagpupugay sa kaharian,

pitong kulog,

dumadagundong naman.

Nangangatal, lupa't kalangitan,

buong kalangita'y niyayanig;

damdamin ng tao'y nanginginig.

Isang awit ng kaharian ang naririnig

sa bansa ng malaking pulang dragon,

patunay na Diyos,

winasak ang bansa nito

at itinatag ang Kanyang kaharian sa lupa.

Mga anghel Kanya nang isinusugo

sa lahat ng bansa sa mundo

upang gabayan,

mga anak Niya't mga tao.

Sa susunod na hakbang,

tumutulong ito.

Nakikipaglaban ang Diyos

sa lungga ng pulang dragon.

Pag Diyos ay kilala nila,

nakikita ang Kanyang mga gawa,

sa Kanyang katawang-tao,

lunggang ito'y magiging abo.

Diyos ay bumababa na

sa lugar ng pulang dragon,

mukha N'ya'y ibinabaling sa lahat.

Kalangitan, kalangita'y yumayanig.

May lugar bang walang paghatol ng Diyos,

o mga kalamidad na Kanyang ibinubuhos?

Diyos naghahasik ng sakuna

sa'n man S'ya magpunta.

Tao'y inililigtas at minamahal Niya.

Nais ng Diyos na Siya'y makilala

ng mas maraming tao,

sa gayo'y igalang Siya

na di nila nakita noon

ngunit ngayo'y napakatotoo.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger