Tagalog Christian Music|"Ibaling Mo ang Puso Mo sa Diyos Upang Madama ang Pagiging Kaibig-ibig Niya"

Agosto 29, 2022

I

Kung lalo mong napapalugod ang Diyos,

mas lalong puso mo'y babaling sa Kanya.

Kung lalo kang nananalangin,

mas lalo mong makikita'ng pagiging kaibig-ibig Niya.

Kung lalo mo Siyang napapalugod,

mas mabibigyan ka ng pasanin Niya,

mas lalo mo Siyang mamahalin,

higit na lalong puso mo'y babaling sa Kanya.

Kapag naabot mo na ang antas,

kung saan dama mo'ng pagiging kaibig-ibig Niya,

maaari mo Siyang purihin

mula sa kaibuturan ng puso mo.

Walang makakapigil sa 'yong pag-awit

kapag Siya'y iyong pinupuri.

Madarama mo'ng pagiging kaibig-ibig Niya

kapag puso mo'y bumaling sa Kanya,

oo, kapag puso mo'y bumaling sa Kanya.

II

Kung lalong lumalago'ng pag-ibig mo sa Diyos,

kokonti ang mga maling saloobin.

At 'di makakahanap si Satanas

ng tsansang gawin mga paraan nito sa'yo.

Ganap kang makakaalis sa kapaligiran ng kamatayan,

babaling sa Diyos upang damhin pagiging kaibig-ibig Niya.

Kapag naabot mo na ang antas,

kung saan dama mo'ng pagiging kaibig-ibig Niya,

maaari mo Siyang purihin

mula sa kaibuturan ng puso mo.

Walang makakapigil sa 'yong pag-awit

kapag Siya'y iyong pinupuri.

Madarama mo'ng pagiging kaibig-ibig Niya

kapag puso mo'y bumaling sa Kanya,

oo, kapag puso mo'y bumaling sa Kanya.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger