Tagalog Christian Song | "Ang Kahigitan at Kadakilaan ng Makapangyarihan-sa-lahat"

Pebrero 13, 2020

Simbilis ng kidlat, mundo'y maaaring magbago

ng ideya't pagmamasid ng Diyos.

Darating, mga bagay na di pa narinig ng tao.

Taglay nila'y maglalaho.

Di maarok mga yapak ng Diyos.

Walang nakadarama ng kahigita't

kadakilaan ng lakas N'ya.

Dahil nakahihigit, dama Niya ang di madama ng iba.

Mawaksi ma'y ililigtas pa rin sila;

ganyan Siya kadakila.

Buhay at kamatayan, panuntunan sa buhay, alam Niya.

Pundasyon Siya ng tao sa buhay nila.

S'ya ang Manunubos na muling bumubuhay sa tao.

Masayang puso'y pinabibigat, malungkot, inaangat.

Di maarok mga yapak ng Diyos.

Walang nakadarama ng kahigita't

kadakilaan ng lakas N'ya.

Dahil nakahihigit, dama Niya ang di madama ng iba.

Mawaksi ma'y ililigtas pa rin sila;

ganyan Siya kadakila.

Lahat ng ito para sa plano Niya,

lahat para sa gawain Niya.

Lahat ng 'to para sa plano Niya,

lahat para sa gawain Niya.

Di maarok mga yapak ng Diyos.

Walang nakadarama ng kahigita't

kadakilaan ng lakas N'ya.

Dahil nakahihigit, dama Niya ang di madama ng iba.

Mawaksi ma'y ililigtas pa rin sila;

at kaydakila Niya, kaydakila Niya,

ganyan Siya kadakila.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger