Tagalog Testimony Video | "Pagdurusa na May Malaking Halaga"

Enero 22, 2022

Ang pangunahing tauhan ay hinuli at inaresto habang naghahatid ng mga libro ng mga salita ng Diyos. Habang tinatanong siya tungkol sa kung saan nanggaling ang mga libro, gumamit ang mga pulis ng isang gomang baton na mga isang metro ang haba upang walang awang hatawin ang kanyang mga binti, iniwan siyang nakabilad sa nakakapasong araw, at walang tigil siyang binugbog sa loob ng apat na oras habang tinatanong. Inutusan din nila ang ibang mga preso upang pahirapan siya, kinuskos ng sabong panlaba ang mga sugat niya, sinabuyan siya ng tubig, at pinaso ang likod niya gamit ang sinindihang plastik na pambalot mula sa isang karton ng sigarilyo. Sa hindi mailarawang pagpapahirap na ito, umasa siya sa paggabay ng mga salita ng Diyos at tumayong saksi. Matapos ang ilang taon, inaresto siya uli habang nagbabahagi ng ebanghelyo. Gumamit ang mga pulis ng de-kuryenteng batuta sa buong katawan niya at binugbog siya hanggang sa bumula ang bibig niya at nawalan siya ng malay. Sa pagsisikap na puwersahin siya na magbunyag ng impormasyon sa iglesia, sinipa siya sa tadyang ng mga pulis, kinuryente sa bibig, sinuntok sa ulo, at iniangat siya sa ere at ibinagsak siya nang mga pito o walong beses. Pinahirapan siya hanggang sa umabot na siya sa bingit ng kamatayan. … Sumailalim siya sa napakaraming sakit at pagpapahirap ngunit naramdaman niya sa huli na sulit ang lahat ng pagdurusa. Ano ang nakamit niya? Pakinggan natin ang kanyang istorya.

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger