Mga Kailangang Tugunan ng Isang Tao para Maperpekto

Mayo 2, 2020

Tagalog Christian Song With Lyrics | "Mga Kailangang Tugunan ng Isang Tao para Maperpekto"

Kung talagang handa kang maperpekto ng Diyos,

lakas-loob mong iwawaksi ang iyong laman,

isasagawa mo'ng salita Niya,

'di magiging mahina o balintiyak,

susundin lahat ng nagmumula sa Kanya.

Ginagawa mong lihim o hayag

ay magiging maganda sa paningin ng Diyos.

Ang kailangan ng lahat para maperpekto ng Diyos

ay gawin ang lahat nang may pagmamahal sa Kanya.

'Pag tama ang 'yong mga layon,

tama ka man o mali,

lahat ng kilos mo'y maihaharap sa Kanya.

'Di ka takot na makita Niya iyon

o ng mga kapatid,

at nangangahas kang sumumpa sa Diyos.

Kung katotohana'y 'sinasabuhay mo, ika'y mape-perpekto.

Doble-karang mga tao'y ayaw maperpekto.

Anak sila ng kapahamakan,

kay Satanas, 'di sa Diyos, 'di sila hinirang!

Kung tanggap mo'ng Kanyang paghatol,

baguhin ang disposisyon mo,

at ika'y gagawing perpekto ng Diyos.

Ang kailangan ng lahat para maperpekto ng Diyos

ay gawin ang lahat nang may pagmamahal sa Kanya.

'Pag tama ang 'yong mga layon,

tama ka man o mali,

lahat ng kilos mo'y maihaharap sa Kanya.

'Di ka takot na makita Niya iyon

o ng mga kapatid,

at nangangahas kang sumumpa sa Diyos.

Kung talagang handa kang maperpekto ng Diyos

at gawin kalooban Niya, kung gayo'y sundin gawain Niya,

'wag magreklamo o husgahan gawain Niya.

Ito ang kailangan para maperpekto ng Diyos.

Ang kailangan ng lahat para maperpekto ng Diyos

ay gawin ang lahat nang may pagmamahal sa Kanya.

'Pag tama ang 'yong mga layon,

tama ka man o mali,

lahat ng kilos mo'y maihaharap sa Kanya.

'Di ka takot na makita Niya iyon

o ng mga kapatid,

at nangangahas kang sumumpa sa Diyos.

Diyos ko!

Bawa't layon, kaisipan at ideya

dapat ay akma upang masuri sa presensya ng Diyos.

Kung mamumuhay at papasok kang ganito,

bibilis pagsulong mo sa buhay,

bibilis pagsulong mo sa buhay.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger