Pagpipino ang Pinakamabuting Paraan para Maperpekto ng Diyos ang Tao
Marso 27, 2020
Tagalog Christian Song | "Pagpipino ang Pinakamabuting Paraan para Maperpekto ng Diyos ang Tao"
I
'Pag mas matindi ang pagpipino ng Diyos,
mas mahal Siya ng mga tao.
Nakikinabang sila sa buhay 'pag nagdurusa sila.
Mas mapapalapit sila't mapapayapa sa harap Niya.
Nakikita nila ang dakilang pag-ibig
at pagliligtas ng Diyos.
II
Nagdaan si Pedro sa pagpipino.
Daan-daang beses iyon nangyari.
Si Job ay nagdaan sa ilang pagsubok.
At dapat din kayong mapino.
Magdaan sa daan-daang pagsubok,
umasa sa hakbang na 'to,
para Diyos ay mapasaya n'yo,
Diyos ay gagawin kayong perpekto.
Pagpipino ang pinakamabuti para maperpekto ang tao.
Pagsubok lang at pagpipino para mahalin Siya ng tao,
mahalin Siya ng tao.
III
'Pag dumaraan ka na sa pagpipino,
makikita mo ang kahinaa't problema mo.
Kung ga'no kalaki ang pagkukulang mo,
na di mo madaig ang problema mo.
Makikita mo ang pagsuway mo.
Mga pagsubok, ipapakita ang tunay na lagay mo.
Sa pagsubok, mas makakaya mong magawang perpekto.
IV
Kung mga tao'y di paghihirapin,
Diyos di nila tunay na mamahalin.
Kung di sila susubukan, di pipinuhin,
ang kanilang puso ay laging lulutang sa labas.
Pagpipino ang pinakamabuti para maperpekto ang tao.
Pagsubok lang at pagpipino para mahalin Siya ng tao,
mahalin Siya ng tao, mahalin Siya ng tao.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.
Iba pang mga Uri ng Video