Tagalog Christian Song | "Ang Ugat Kung Bakit Nilabanan ng mga Fariseo si Jesus"

Abril 16, 2020

Nais n'yo bang malaman

kung bakit nilabanan ng mga Fariseo si Jesus?

Nais n'yo bang malaman kung ano ang diwa nila?

Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesias,

naniniwala lamang sa Kanyang pagdating,

'di-hanap ang katotohanan ng buhay.

Sila'y naghihintay pa rin sa Kanya hanggang ngayon,

landas ng buhay at katotohanan ay 'di nalalaman.

Paanong mga taong hangal, sutil,

mangmang ay makakamtan pagpapala ng Diyos?

Paanong ang Mesias kanilang mamamasdan?

Kinontra nila si Jesus,

'di nalalaman na sinbi N'ya ang landas ng katotohanan,

'di-nabatid ang Mesias o ang gawain ng Banal na Espiritu,

'di-nakita ni nakasama S'ya kailanman.

Mga hungkag na papuri 'ginawad sa ngalan Niya

at lahat ginawa para labanan S'ya.

Pasaway, sutil, hambog,

pinanghawakan nila ang paniniwalang ito:

Malalim man pangangaral Mo,

mataas man awtoridad Mo,

'di Ka Cristo maliba'ng Mesias ang tawag sa'Yo.

Pagpapaligoy-ligoy lang ang mga ito

na dapat kutyai't bansagang malalaking pantasya ng tao.

Tanong ng Diyos sa inyo:

Uulitin n'yo ba mga mali ng mga Fariseo?

Yamang si Jesu-Cristo'y 'di n'yo naiintindihan,

nakikilala mo ba ang landas ng katotohanan at buhay,

ang gawa ng Banal na Espiritu'y iyo bang nasusundan?

Matitiyak mo bang 'di mo lalabanan si Cristo?

Kung 'di, ikaw nga'y nasa bingit ng kamatayan, 'di ng buhay.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger