Mga Taong Nabubuhay Sa Gayon Karuming Lupain

Abril 19, 2020

Tagalog Christian Song With Lyrics | "Mga Taong Nabubuhay Sa Gayon Karuming Lupain"

I

Mas malayo at tumututol ang tao sa Diyos

dahil isinilang ang tao sa isang maruming lupain,

nasira siya ng lipunan,

natangay siya ng etikang pyudal,

at nagsanay sa "mga kolehiyo;"

nalusob ang puso ng tao, nasalakay ang konsensiya

ng mga paurong na kaisipan, masamang moralidad,

mahahalay na pilosopiya, walang saysay na pag-iral,

masasamang kaugalian, pamumuhay,

at malulupit na pananaw sa buhay.

Sila na nabubuhay sa kadilima'y

hindi isinasagawa ang katotohanan kahit na marinig nila ito,

o hinahanap ang Diyos

bagama't natutunghayan nila pagpapakita N'ya.

Paano magkakaroon ang napakabulok

at napakaimoral na sangkatauhan

ng kaligtasan at mabuhay sa liwanag,

at mabuhay sa liwanag?

II

Ang disposisyon ng tao'y lalong sumasama bawat araw.

Ni isa'y walang nagkukusang

isuko ang anuman para sa Diyos,

o sumunod sa Kanya at hanapin ang Kanyang pagpapakita.

Sa halip pinipili nilang hanapin ang kasiyahan

sa ilalim ng sakop ni Satanas,

isuko mga sarili nila sa kasamaan

ng laman sa lupain ng kaputikan.

Sila na nabubuhay sa kadilima'y

hindi isinasagawa ang katotohanan kahit na marinig nila ito,

o hinahanap ang Diyos

bagama't natutunghayan nila pagpapakita N'ya.

Paano magkakaroon ang napakabulok at napakaimoral na sangkatauhan

ng kaligtasan at mabuhay sa liwanag,

at mabuhay sa liwanag?

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger