Tagalog Christian Song With Lyrics | "Ang mga Tao ay Hindi Totoong Naniniwala sa Diyos"

Setyembre 27, 2021

I

Tao'y marami nang natamo't naisuko sa maraming taon ng gawain ng Diyos,

nguni't sinasabi pa rin ng Diyos na tao'y 'di totoong naniniwala sa Kanya.

Kinikilala nila ang Diyos sa kanilang bibig, habang katotohanan Niya'y sinasalungat,

'di 'sinasagawa'ng katotohanan na kailangan ng Diyos sa kanila.

Tao'y tinatanggap ang pag-iral ng Diyos, nguni't 'di ang katotohana't buhay,

kinikilala lang ang pangalan Niya, nguni't hindi ang diwa Niya.

Sigasig ng tao'y kinasusuklaman ng Diyos.

Nambobola upang Diyos ay linlangin,

at walang sumasamba sa Kanya

nang may tapat na puso, tapat na puso.

II

Taglay ng inyong salita ang tukso ng ahas mismo,

sukdulang mapagmataas, tulad ng salita ng arkanghel.

Mga gawa n'yo'y kahiya-hiya; pagnanasa't pag-iimbot, masama.

Sa bahay ng Diyos kayo'y naging gamu-gamo, mga bagay na dapat itapon.

Pagka't biyaya, 'di katotohanan, ang ibig n'yo;

nais n'yong umakyat sa langit,

at makita ang kay gandang pangitain

ni Cristong ginagamit ang kapangyarihan Niya sa lupa.

Sigasig ng tao'y kinasusuklaman ng Diyos.

Nambobola upang Diyos ay linlangin,

at walang sumasamba sa Kanya

nang may tapat na puso, tapat na puso.

III

Kayo'y labis na tiwali, at mangmang sa Diyos;

iniisip n'yo bang karapat-dapat kayong sumunod sa Diyos?

Pa'no n'yo maaakyat ang langit, makita ang karingalan,

na walang katulad sa kaningningan?

Sigasig ng tao'y kinasusuklaman ng Diyos.

Nambobola upang Diyos ay linlangin,

at walang sumasamba sa Kanya

nang may tapat na puso, tapat na puso.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger