Tagalog Christian Music Video | "Tanging ang Katotohanan Lamang ang Magpapapayapa sa Puso ng Tao"

Disyembre 1, 2021

Ang disposisyon ng Diyos at ang mayro'n Siya't kung ano Siya'y katotohanan.

Ang halaga nito'y 'di masusukat ng materyal na bagay

anumang halaga nito, 'pagkat ito'y 'di bagay,

at tinutustusan pangangailangan ng bawat puso.

I

Habang hangad mo'y kaligtasan sa pamamagitan ng Diyos

at pagbabago sa 'yong disposisyon,

kung 'di nauunawaan ang katotohanan

at ang disposisyon Niya't kalooban,

'di ka ba mababalisa?

Puso mo'y 'di ba magugutom at mauuhaw?

Puso mo'y 'di ba mababalisa?

May paraan ba para maayos mo 'to?

Mga tao'y dapat may katotohanan sa buhay.

'Di sila mabubuhay kung wala 'to.

Ito'y pinakadakila.

'Di man 'to nakikita o nahahawakan,

ito'y 'di mo pwedeng balewalain.

Ito lang ang may kapahingahang hatid sa 'yong puso.

II

'Pag masidhi mong hinahangad

ang kaliwanagan ng Diyos nang malalaman mo'ng

kalooban Niya't katotohanan,

kailangan mo ay 'di pagkain,

o ilang mabuting salita't aliw ng laman.

Ang kailangan mo'y tagubilin ng Diyos.

Kailangan mo'ng sabihin Niya sa 'yo mismo

kung ano't paano ang gagawin,

at malinaw na sabihin sa 'yo kung ano'ng katotohanan.

Kung nauunawaan mo kahit kaunti,

'di ba't kasiyahan sa 'yong puso'y

higit pa sa kasiyahang hatid ng pagkain?

'Pag puso mo'y kuntento't masaya,

'di ba't ika'y may tunay na kapahingahan?

Mga tao'y dapat may katotohanan sa buhay.

'Di sila mabubuhay kung wala 'to.

Ito'y pinakadakila.

'Di man 'to nakikita o nahahawakan,

ito'y 'di mo pwedeng balewalain.

Ito lang ang may kapahingahang hatid sa 'yong puso.

Ang nagmumula sa Diyos, ang mayroon Siya't kung ano Siya at

lahat ng tungkol sa Kanya'y

higit pa sa ibang bagay,

pati bagay o tao

na minsan mong pinaniwalaang pinakamahalaga sa 'yo.

Kung 'di ka nagkakamit ng mga salita ng Diyos

o 'di nakauunawa sa Kanyang kalooban,

kapahingaha'y kailanma'y 'di mo makakamit.

Lahat ng Kanyang ginagawa'y katotohanan at buhay.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger