Christian Praise Music Video | "Ang Diyos Lamang ang Nagmamahal sa Tao Nang Higit"

Pebrero 10, 2020

I

Ang Diyos ay nagiging katawang tao sa mga huling araw

upang iligtas ang tao dahil mahal Niya ang tao.

Hinimok ng Kanyang pag-ibig, ginagawa Niya ang gawain ngayon.

Ito'y nasa ilalim ng pundasyon ng pag-ibig.

Ang Diyos ay nagkatawang-tao at nagdurusa sa kahihiyan

upang iligtas ang mga nabahiran at durog.

Tinitiis Niya ang gayong sakit.

Sapagkat muli at muli, ipinakikita N'ya ang Kanyang 'di masukat na pagmamahal.

'Di nais ng Diyos na ang sinumang kaluluwa'y mawala.

Walang pakialam ang tao kung ano ang kanyang hinaharap.

'Di alam ng tao kung paano mahalin ang kanyang buhay.

Ngunit ang Diyos, oo. Siya lamang ang nagmamahal sa tao.

II

Ang mga salita ng Diyos ay nagpapaginhawa, nagpapasigla sa tao.

Ang mga ito'y humahatol, sumusumpa, nagsisiwalat at nangangako.

Anuman ang sinasabi ng Kanyang mga salita, ito'y nagmumula sa Kanyang pagmamahal.

Ito ang kakanyahan ng Kanyang gawain.

Bakit maraming malapit na sumusunod?

Bakit kaya sila puno ng enerhiya?

Ang pag-ibig at kaligtasan ng Diyos, lahat sila'y nakakita.

Ang tiyempo ng Diyos ay perpekto. 'Di Siya nagpapaliban.

'Di nais ng Diyos na ang sinumang kaluluwa'y mawala.

Walang pakialam ang tao kung ano ang kanyang hinaharap.

'Di alam ng tao kung paano mahalin ang kanyang buhay.

Ngunit ang Diyos, oo. Siya lamang ang nagmamahal sa tao.

III

Iniisip ng tao na mahal niya ang kanyang sarili.

Pagmamahal ba 'to?

Ang pag-ibig ng Diyos ang pinakatotoo, mararamdaman mo.

Kung Siya'y 'di naging tao,

laging namatnubay at namuhay kasama ng tao,

magiging mahirap para sa kanila na malaman ang pag-ibig ng Diyos.

'Di nais ng Diyos na ang sinumang kaluluwa'y mawala.

Walang pakialam ang tao kung ano ang kanyang hinaharap.

'Di alam ng tao kung paano mahalin ang kanyang buhay.

Ngunit ang Diyos, oo. Siya lamang ang nagmamahal sa tao.

Oo, ang Diyos lamang ang nagmamahal sa tao.

Mahal Niya ang tao. Mahal Niya ang tao.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Espesyal na pahayag: Ginawa ang video production na ito bilang isang proyektong hindi pangkalakal ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Hindi maaaring ipamahagi ang video na ito bilang pangkalakal sa anumang ikatlong partido, at umaasa kaming ibabahagi at ikakalat ito ng lahat nang walang bayad. Kapag ipinamahagi ninyo ito, mangyaring tandaan ang pinagmulan. Nang walang pahintulot ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, walang organisasyon, panlipunang grupo, o indibidwal ang maaaring pakialaman o katawanan nang mali ang mga nilalaman ng video na ito.

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger