Walang Sinasabi o Ginagawa ang mga Tao na Hindi Nakikita ng Diyos

Abril 5, 2020

Tagalog Christian Song | "Walang Sinasabi o Ginagawa ang mga Tao na Hindi Nakikita ng Diyos"

I

Pananampalataya n'yo'y napakaganda, sabi n'yo

sa gawain ng Diyos nais n'yong ilaan ang buhay n'yo,

at gustung-gusto n'yong gawin ang lahat para dito.

Kaya lang halos di nagbago ang disposisyon n'yo.

Mapagmataas na salita, ito'ng nasabi na ninyo,

ngunit nakakaawa talaga ang ginagawa n'yo.

Parang nasa langit ang dila at mga labi n'yo,

ngunit nakatapak sa lupa ang mga paa n'yo.

Kaya terible ang kundisyon ng mga salita,

gawa at katanyagan n'yo.

Naniniwala ba kayo na may karapatan na kayong pasukin

ang banal na lupain ng Kanyang salita't gawain

nang hindi pa Niya nasusubukan

ang lahat ng inyong salita't gawa?

Kaya bang lokohin ng sinuman ang Kanyang dalawang mata?

Pa'no makakalagpas sa Kanyang paningin

ang inyong abang mga kilos at pananalita?

II

Sa ngayon reputasyon n'yo'y sira na,

kilos n'yo'y nakakahiya, mga salita n'yo'y aba,

buhay n'yo'y nakakasuklam, pagkatao n'yo'y masama.

Makitid ang isip n'yo sa mga tao,

pinakamaliit mang detalye'y nakikipagtalo kayo.

Katayua't pagkilala'y pinag-aawayan n'yo,

gustung-gusto n'yong makaladkad sa impiyerno,

at tumalon sa lawa ng apoy mismo.

Mga salita't gawa n'yo

sapat na para sabihin ng Diyos na makasalanan kayo.

Naniniwala ba kayo na may karapatan na kayong pasukin

ang banal na lupain ng Kanyang salita't gawain

nang hindi pa Niya nasusubukan

ang lahat ng inyong salita't gawa?

Kaya bang lokohin ng sinuman ang Kanyang dalawang mata?

Pa'no makakalagpas sa Kanyang paningin

ang inyong abang mga kilos at pananalita?

III

Saloobin n'yo sa gawain ng Diyos ay sapat na

para malaman Niyang kayo ay masasama.

At lahat ng disposisyon n'yo'y sapat na para masabi

na ang inyong kalul'wa'y kasuklam-suklam at marumi.

Isa lang ang kahulugan ng ginagawa't ipinapakita n'yo:

marami kayong natunggang dugo ng maruruming espiritu.

Kapag pagpasok sa kaharian ng langit ang pinag-uusapan,

sinasarili n'yo ang inyong nararamdaman.

Sapat ba ang inyong mga paraan

para makapasok sa Kanyang kaharian?

Naniniwala ba kayo na may karapatan na kayong pasukin

ang banal na lupain ng Kanyang salita't gawain

nang hindi pa Niya nasusubukan ang lahat ng inyong salita't gawa?

Kaya bang lokohin ng sinuman ang Kanyang dalawang mata?

Pa'no makakalagpas sa Kanyang paningin

ang inyong abang mga kilos at pananalita?

Nakabantay ang dalawang mata ng Diyos sa puso ng lahat ng tao

dahil bago pa Niya nilikha ang tao,

hawak na ng mga kamay Niya ang kanilang puso.

Matagal na Niyang nakita ang nilalaman ng puso nila,

kaya pa'no sila makakatakas sa Kanyang mga mata?

At pa'no nila matatakasan sa oras

ang pagsusunog ng Kanyang Espiritu?

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger