Tagalog Christian Song With Lyrics | "Hindi Alam ng mga Tao Kung Gaano Sila Kahamak"

Hulyo 11, 2020

Sa loob ng isipan ng mga tao,

ang Diyos ay laging sumusumpa sa kanila.

At sa gayon Siya'y hindi nila pinapansin;

palagi silang naging malamig sa Kanya.

Kaya sinasabi ng Diyos na sila ay imoral

at sila ay walang katinuan

dahil sa maling akala ng mga puso nila;

wala rin silang tunay na damdamin ng tao.

Walang nagmamalasakit na tao

sa damdamin ng Diyos,

nguni't di umano'y "katuwiran"

ang gamit upang makitungo.

Ang tao'y naging ganito

sa loob ng maraming taon;

hindi nagbago ang kanyang disposisyon.

'Di niya pinapahalagahan ang kanyang sarili,

kaya't tinawag siyang hamak at walang halaga.

Walang pagmamahal sa sarili,

pinipinsala lamang ang sarili,

'di ba nagpapakita ito

ng kanyang kawalang-halaga?

Ang sangkatauhan ay tulad

ng isang masamang babae,

sarili ay pinaglalaruan at ibinibigay

upang kusang magpahalay,

gayunman 'di makita ng tao

ang kanyang kababaan.

Ang uri ng kasiyahang natatagpuan niya

ay pagtatrabaho para sa iba, pakikipag-usap,

sa gayon ay naibibigay sa mga kamay nila;

hindi ba ito ang karumihan ng sangkatauhan?

Dahil 'di niya kilala'ng sarili niya,

ang nais niyang ipakitang alindog

at pangit na mukha

ang pinakadakilang kapintasan

niyang kasuklam-suklam sa Diyos.

Walang tamang relasyon sa mga tao,

kaya pa'no magkakaroon

ng tamang ugnayan sa Diyos?

Marami nang nasabi ang Diyos sa sangkatauhan,

upang mamuhay Siya sa mga puso ng tao,

nang makalaya sila sa kanilang mga diyus-diyosan,

na naninirahan doon.

At magagamit na ng Diyos ang kapangyarihan

Niya sa sangkatauhan,

at matatapos Niya ang layunin

ng pag-iral ng Diyos sa mundo.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger