Tagalog Christian Music Video|"Sana'y Palagi Kang Manatili sa Aking Puso"

Enero 21, 2023

I

Nananatili Ka sa 'kin sa tagsibol at taglagas,

kasama ko sa tag-init at taglamig.

Ang masdan ang malungkot Mong mukha,

puso ko'y nagdadalamhati.

'Di ko na nalaman ang pag-iisa Mo,

ni inaliw ang sakit na nadarama.

Pagharap sa taos-pusong mga payo Mo,

madalas matigas ang ulo ko.

Lagi Kitang sinasaktan,

lagi Kitang binibigo.

Wala akong alam hanggang sumapit ang pagtutuwid Mo.

Ako'y malapit sa iyong tabi,

pasan Mo'y 'di ko napapagaan.

Pa'no malalaman ng isang manhid ang pagdurusa Mo?

II

Para sa ninanasa ko't sa laman, nalimutan ko'ng katotohana't moralidad.

'Pag nalulula ako sa panghihinayang, nasasaktan ko na ang puso Mo.

Walang nakakaunawa sa kalungkutan Mo.

Tiwali, dumaraing ako sa hirap.

Sa kasakiman humihingi ako sa 'Yo.

Sino ang karamay sa mga alalahanin Mo?

Sa pag-ibig at tunay na damdamin,

puso Mo ang pinakamabuti.

Sino kayang mas gaganda pa sa 'Yo,

sino'ng higit na igagalang!

Laging kasama Mo,

sa 'Yo'y 'di ako kailanman hihiwalay.

Nawa'y makita ang galak sa mukha Mo, at manatili Ka sa puso ko.

Nawa'y makita ang galak sa mukha Mo, at manatili Ka sa puso ko.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger