Walang Tunay na Pananampalataya kay Cristo ang Tao
Abril 30, 2020
Ⅰ
Kapakumbabaan ni Cristo 'di mo hinahangaan
kundi katanyagan ng mga pastol na bulaan.
Ayaw mo ang kariktan o karunungan ni Cristo,
kundi silang mahahalay sa maruming mundo.
Kahit ngayon puso mo'y naaakit pa sa kanila,
sa reputasyon, sa posisyon nila,
at naaakit sa kanilang impluwensya.
Nilalabanan mo't tinatanggihan gawain ni Cristo.
Sabi ng Diyos wala kang pananalig na kilalanin si Cristo.
Ⅱ
Tinatawanan mo pasakit ni Cristo na walang mahimlayan,
ngunit hinahangaan mo mga nagnanakaw ng handog at mabisyo.
Ayaw mong magdusa sa tabi ni Cristo,
kundi masaya kang umanib doon
sa mga anticristong walang ingat,
na walang bigay sa'yo kundi laman, letra't kontrol lang.
Kahit ngayon puso mo'y naaakit pa sa kanila,
sa reputasyon, sa posisyon nila,
at naaakit sa kanilang impluwensya.
Nilalabanan mo't tinatanggihan gawain ni Cristo.
Sabi ng Diyos wala kang pananalig na kilalanin si Cristo.
Ⅲ
Sinundan mo Siya dahil napilitan ka,
puso mo'y puno ng matatayog na larawan,
salita't kamay nilang maimpluwensya.
Sila, sa puso n'yo, bayani magpakailanman.
Ngunit 'di gano'n 'yon para sa Cristo ngayon.
Kahit ngayon puso mo'y naaakit pa sa kanila,
sa reputasyon, sa posisyon nila,
at naaakit sa kanilang impluwensya.
Nilalabanan mo't tinatanggihan gawain ni Cristo.
Sabi ng Diyos wala kang pananalig na kilalanin si Cristo.
Ⅳ
Walang halaga si Cristo sa puso mo,
'di nararapat igalang kailanman,
dahil Siya'y ordinaryo, halos walang impluwensya,
dahil Siya'y hindi matayog.
Kaya, sabi ng Diyos
wala kang pananalig na kilalanin si Cristo.
Hango sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.
Iba pang mga Uri ng Video