Tagalog Christian Music Video | "Paano Ibigin ang Diyos sa Panahon ng Pagpipino"

Agosto 24, 2022

I

Tanggapin ito nang may pagpapasiyang mahalin Siya.

Sa panahong ito, loob mo'y nagdurusa.

Para bang isang kutsilyo ang nakapilipit sa puso mo.

Ngunit handa kang mapalugod ang Diyos gamit ang iyong pag-ibig,

at ayaw mong iniintindi ang laman.

Ito ang kahulugan ng pagsasagawa sa pag-ibig sa Diyos.

Ito'ng pagsasagawa sa panahon ng pagpipino.

Sa pagmamahal sa Diyos bilang pundasyon,

sa pagpipino, mas mapapalapit ka sa Diyos,

at magiging mas matalik sa Kanya.

II

Loob mo'y nasasaktan, pasakit mo'y tumitindi,

ngunit handa ka pa ring manalangi't lumapit sa Diyos:

"O Diyos, 'di Kita maaaring iwan. May kadiliman sa akin,

ngunit nais kong mapalugod Ka, ito'y totoo.

O, Diyos, naniniwala akong batid Mo ang puso ko.

Nawa'y mamuhunan Ka sa akin ng mas higit Mong pag-ibig."

Ito'ng pagsasagawa sa panahon ng pagpipino.

Sa pagmamahal sa Diyos bilang pundasyon,

sa pagpipino, mas mapapalapit ka sa Diyos,

at magiging mas matalik sa Kanya.

III

Sa mahigpit na pagpipino, tao'y madaling mabitag sa impluwensiya ni Satanas.

Kaya pa'no mo dapat ibigin ang Diyos sa panahong gaya nito?

Tipunin iyong hangarin, iyong puso'y ialay sa harap ng Diyos,

ilaan ang nalalabi mong araw sa Kanya.

Paano ka man Niya pinipino,

isagawa'ng katotohanan upang palugdan ang Diyos, hanapin Siya't makipagbahaginan.

Kapag ginagawa mo'ng iyong tungkulin, 'di mo man nagagawa nang maayos,

ngunit ito'ng makakaya mo, lahat para sa pag-ibig sa Diyos.

Anumang isipin ng mga tao, tama ang intensyon mo,

hindi ka mapagmagaling, dahil kumikilos ka sa ngalan ng Diyos.

Ito'ng pagsasagawa sa panahon ng pagpipino.

Sa pagmamahal sa Diyos bilang pundasyon,

sa pagpipino, mas mapapalapit ka sa Diyos,

at magiging mas matalik sa Kanya.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger