Ang Kawangis ng Mga Ginagamit ng Diyos

Hunyo 8, 2020

Tagalog Christian Song With Lyrics | "Ang Kawangis ng Mga Ginagamit ng Diyos"

Ang mga taong ginagamit

ng Diyos 'di kamukha ng iba.

Parang 'di sila makatwiran,

o relasyon sa iba'y di maganda.

Nguni't maingat silang magsalita.

Kung mangusap ay maayos.

Tahimik ang puso nila sa harap ng Diyos.

I

Yaong mga ginagamit ng Diyos

pagmamahal, 'di pakitang-tao.

Ngunit 'pag nagsalita ng espirituwal na bagay,

puso nila'y bukas, at sila'y nagbibigay

ng kaliwanagan sa lahat ng tao

na kanilang natamo sa tunay na pagdanas nito.

Ganyan nila ipinapakitang Diyos ay mahal nila

at pinalulugod, kalooban Niya.

Sila ay masigla, kaibig-ibig, at walang-sala,

nguni't nagtataglay ng kapanatagan.

Ito ang kawangis ng mga ginagamit ng Diyos.

II

Yaong mga ginagamit ng Diyos,

pag sinisiraan at kinukutya,

'di sila nagpapakontrol

sa ibang tao, bagay, o sitwasyon,

sa harap ng Diyos, tahimik pa rin sila.

Ganitong tao'y tila may sariling pananaw.

Anuman ang gawin ng iba,

puso nila'y di kailanman iniiwan ang Diyos.

Sila ay masigla, kaibig-ibig, at walang-sala,

nguni't nagtataglay ng kapanatagan.

Ito ang kawangis ng mga ginagamit ng Diyos.

III

Yaong mga ginagamit ng Diyos,

kapag ang iba ay nakikipag-usap nang walang ingat,

nananatili silang kalmado at nananalangin sa Diyos,

hinahanap Kanyang mga hangarin

o iniisip Kanyang salita.

Hindi nila iniisip kung paano mapanatili

tamang ugnayan sa ibang tao.

Ang ganitong tao ay mukhang

walang pilosopiya ng buhay.

Sila ay masigla, kaibig-ibig, at walang-sala,

nguni't nagtataglay ng kapanatagan.

Ito ang kawangis ng mga ginagamit ng Diyos.

Ang pamantayan ng Diyos sa paggamit ng tao ay

binabaling nila puso nila sa Kanya,

hinahangad ang Kanyang salita,

handang hanapin ang katotohanan.

Ganitong mga tao ang maaaring maliwanagan,

makamit ang gawa ng Banal na Espiritu.

Sila ay masigla, kaibig-ibig, at walang-sala,

nguni't nagtataglay ng kapanatagan.

Ito ang kawangis ng mga ginagamit ng Diyos.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger