Tagalog Christian Music Video|"Isang Panaghoy para sa Kalunos-lunos na Mundo"

Enero 1, 2023

I

Nagpapaanod sa panahon, lumilipas na buhay.

Mga taon ay parang panaginip.

Nagmamadali para sa yaman at katanyagan.

Ginugol ang buhay sa mga bagay ng laman.

Walang 'binigay sa katotohanan.

Pinalipas na nila'ng kabataan nang ganito.

Walang iniisip tungkol sa paghihirap ng Diyos

o ang Kanyang pagiging kaibig-ibig.

Pinalilipas lang ang mga hungkag na araw.

Walang araw na ipinamumuhay para sa Diyos.

'Di pinapangiti ang Diyos.

Hungkag at walang halaga.

Sino'ng nakaunawa sa puso ng Diyos

at kayang mabuhay o mamatay kasama ng Diyos?

Sino na'ng nagpahalaga sa mga salita Niya't

naglaan ng lahat nila sa Diyos?

Kailan huhumpay ang tagsibol na bulaklak sa pamumukadkad?

Narito sa mundo'ng tunay na pag-ibig.

Saya't lungkot, pagtaas at pagbaba.

Ikot ng mga panahon, tuloy-tuloy.

Diyos ay tinatalikuran taon-taon.

Kalunos-lunos na mundo!

II

May tahanan ang tao, isang maginhawang lugar.

Ngunit ang Diyos ay walang mapagpahingahan ng ulo Niya.

Ilan ang nag-aalay ng sarili?

Puno na Siya sa kalamigan nila,

tiniis ang paghihirap ng buong mundo.

Ngunit walang nagpakita ng simpatiya nila.

Nag-aalala sa tao, abala'ng Diyos sa kanila

at gumagawa nang walang kapaguran.

Sino'ng nag-iisip para sa Diyos?

Kahit dumadaan ang panahon,

'binibigay Niya'ng lahat sa tao,

sino na'ng humingi ng kaginhawahan Niya?

Sobra makahingi ang tao sa Diyos!

'Di kailanman iniisip ang kalooban Niya.

Tinatamasa ang masayang buhay pamilya,

ngunit ba't Siya pinaiiyak nila?

Kailan huhumpay ang tagsibol na bulaklak sa pamumukadkad?

Narito sa mundo'ng tunay na pag-ibig.

Saya't lungkot, pagtaas at pagbaba.

Ikot ng mga panahon, tuloy-tuloy.

Diyos ay tinatalikuran taon-taon.

Kalunos-lunos na mundo!

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger