Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 225

Oktubre 24, 2020

Sa kabila ng katunayan na pormal na nagsimula na ang pagtatayo ng kaharian, hindi pa pormal na umaalingawngaw ang pagpupugay sa kaharian—isang hula lamang ito ngayon sa darating. Kapag nagawa nang ganap ang lahat ng tao at naging kaharian ni Cristo ang lahat ng bansa sa daigdig, saka magaganap ang panahon kung saan dumadagundong ang pitong kulog. Isang hakbang pasulong ang kasalukuyang araw sa direksiyon ng yugtong iyan, napalabas na ang utos para sa darating na panahon. Ito ang plano ng Diyos—matutupad ito sa malapit na hinaharap. Gayunpaman, natupad na ng Diyos ang lahat ng nasabi Niya. Kaya, malinaw na ang mga bansa ng daigdig ay mga kastilyong buhangin lamang na nanginginig habang papalapit ang pagtaas ng tubig: Napipinto na ang huling araw at babagsak ang malaking pulang dragon sa ilalim ng salita ng Diyos. Upang makatiyak na matagumpay na isinasakatuparan ang plano ng Diyos, nagbabaan ang mga anghel sa daigdig, ginagawa ang kanilang sukdulan upang bigyang-kasiyahan ang Diyos. Nakapuwesto na ang nagkatawang-taong Diyos Mismo sa larangan ng digmaan upang makipagdigma sa kaaway. Saanman nagpapakita ang katawang-tao, gayon nawawasak ang kaaway sa lugar na iyon. Unang pupuksain ang Tsina, wawasakin ng kamay ng Diyos. Lubusang hindi kaaawaan ng Diyos ang Tsina. Makikita ang patunay ng sumusulong na pagbagsak ng malaking pulang dragon sa patuloy na paggulang ng mga tao. Maliwanag na makikita ito ninuman. Tanda ng pagpanaw ng kaaway ang paggulang ng mga tao. Isang munting paliwanag ito kung ano ang ipinakakahulugan ng “makipaglaban.” Kaya, ipinaalala ng Diyos sa mga tao sa maraming pagkakataon na magbigay ng magagandang patotoo sa Diyos upang pawalang-saysay ang katayuan ng mga pagkaunawa, ang kapangitan ng malaking pulang dragon sa mga puso ng mga tao. Ginagamit ng Diyos ang gayong mga paalala para bigyang-buhay ang pananampalataya ng tao at, sa paggawa nito, natatamo kung ano ang mga katuparan sa Kanyang gawain. Dahil ito sa nasabi ng Diyos, “Ano ang kayang gawin ng tao? Hindi ba mas mainam na Ako Mismo ang gumawa nito?” Gayon ang buong sangkatauhan. Hindi lamang sila walang kakayahan, madali rin silang masiraan ng loob at madismaya. Sa dahilang ito, wala silang kakayahang makilala ang Diyos. Hindi lamang pinanunumbalik ng Diyos ang pananampalataya ng tao, palihim din Niyang palaging pinupuspos ang tao ng kalakasan.

Kasunod, nag-umpisang magsalita ang Diyos sa buong sansinukob. Hindi lamang inumpisahan ng Diyos ang bagong gawain Niya sa Tsina, nag-umpisa Siyang gawin ang bagong gawain ngayon sa buong sansinukob. Sa yugtong ito ng gawain, dahil nais ng Diyos na ibunyag ang lahat ng Kanyang gawa sa buong daigdig upang ang buong sangkatauhan na nagkanulo sa Kanya ay babalik muli para yumuko sa pagpapasakop sa harap ng Kanyang trono, kaya mayroon pa ring kahabagan at pag-ibig ng Diyos sa loob ng paghatol ng Diyos. Ginagamit ng Diyos ang mga kasalukuyang pangyayari sa buong mundo bilang mga pagkakataon upang sanhiin ang mga tao na makadama ng pagkataranta, na magtutulak sa kanilang hanapin ang Diyos upang makadaloy sila pabalik sa harapan Niya. Kaya sinasabi ng Diyos, “Isa ito sa mga paraan kung paano Ako gumagawa, at ito ay walang duda na isang gawa ng pagliligtas para sa tao, at kung ano ang ipinaaabot Ko sa kanya ay isang uri pa rin ng pag-ibig.”

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 10

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger