Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 193

Oktubre 27, 2020

Nang, sa Kapanahunan ng Biyaya, bumalik ang Diyos sa ikatlong langit, ang gawain ng pagtubos ng Diyos sa buong sangkatauhan ay talagang nakasulong na tungo sa pangwakas na yugto nito. Ang tanging natira sa daigdig ay ang krus na pinasan ni Jesus, ang pinong lino na ibinalot kay Jesus, at ang koronang tinik at matingkad na pulang balabal na isinuot ni Jesus (ito ang mga bagay na ginamit ng mga Judio upang libakin Siya). Ang ibig sabihin, matapos magdulot ng malaking kaguluhan ang gawain ng pagpapapako sa krus ni Jesus, muling umayos ang mga bagay-bagay. Mula noon, ang mga disipulo ni Jesus ay nag-umpisang isulong ang Kanyang gawain, nagpapastol at nagdidilig sa mga iglesia sa lahat ng dako. Ito ang nilalaman ng kanilang gawain: mapagsisi ang lahat ng tao, mapakumpisal sila ng kanilang mga kasalanan, at mabautismuhan; pinalalaganap ng lahat ng apostol ang kuwentong napapaloob sa pagpapapako sa krus ni Jesus at kung ano talaga ang nangyari, at kaya hindi napigilan ng lahat na dumapa sa harap ni Jesus upang ikumpisal ang kanilang mga kasalanan; at bukod diyan, ipinalaganap ng mga apostol sa lahat ng dako ang mga salitang binigkas ni Jesus. Mula sa puntong iyon ay nagsimula ang pagtatayo ng mga iglesia sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang sinabi ni Jesus sa kapanahunang iyon ay nakatuon din sa buhay ng tao at kalooban ng Ama sa langit. Dahil lamang magkaiba ang mga kapanahunan kaya malaki ang pagkakaiba sa ngayon ng marami sa mga kasabihan at mga pagsasagawang iyon sa ngayon. Pero magkapareho ang diwa ng dalawa. Kapwa ay walang-iba kundi ang gawain ng Espiritu ng Diyos sa katawang-tao, mismo at eksakto. Ang ganitong uri ng gawain at pagbigkas ay nagpatuloy hanggang ngayon, at kaya ang ganitong uri ng bagay ay ibinabahagi pa rin sa mga institusyon ng relihiyon ngayon, at ganap na hindi nagbago. Nang matapos ang gawain ni Jesus at nasa tamang landas na ni Jesucristo ang mga iglesia, sinimulan pa rin ng Diyos ang Kanyang plano para sa isa pang yugto ng Kanyang gawain, na tungkol sa pagdating Niya sa katawang-tao sa mga huling araw. Sa tao, winakasan ng pagpapapako sa krus ng Diyos ang gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos, tinubos ang buong sangkatauhan, at tinulutan Siyang agawin ang susi sa Hades. Iniisip ng lahat na ang gawain ng Diyos ay ganap nang natupad. Sa katunayan, sa Diyos, maliit lamang na bahagi ng Kanyang gawain ang natupad na. Natubos Niya lamang ang sangkatauhan; hindi pa Niya nalupig ang sangkatauhan, lalo pa ang mabago ang kapangitan ni Satanas sa tao. Iyon ang dahilan kung bakit sinasabi ng Diyos, “Bagaman dumanas ng sakit ng kamatayan ang Aking nagkatawang-taong laman, hindi iyon ang buong layunin ng pagkakatawang-tao Ko. Si Jesus ang sinisinta Kong Anak at ipinako sa krus para sa Akin, nguni’t hindi Niya ganap na tinapos ang Aking gawain. Ginawa Niya lamang ang isang bahagi nito.” Kaya nagsimula ang Diyos sa ikalawang ikot ng mga plano upang ipagpatuloy ang gawain ng pagkakatawang-tao. Ang gawing perpekto at makamit ang lahat ng taong sinagip mula sa mga kamay ni Satanas ang pinakahuling hangarin ng Diyos, kung kaya naghandang muli ang Diyos sa pakikipagsapalaran sa mga panganib upang dumating sa katawang-tao. Ang ibig sabihin ng “pagkakatawang-tao” ay tumutukoy sa Siya na hindi naghahatid ng kaluwalhatian (dahil hindi pa tapos ang gawain ng Diyos), ngunit nagpapakita sa identidad ng minamahal na Anak, at ang Cristo, na labis na kinalulugdan ng Diyos. Kaya nga ito ay sinasabing “pagsagupa sa panganib.” Ang katawang-tao ay may katiting na kapangyarihan at dapat lubusang mag-ingat, at malayung-malayo sa awtoridad ng Ama sa langit ang Kanyang kapangyarihan, at tinutupad lamang Niya ang ministeryo ng katawang-tao, isinasakatuparan ang gawain at utos ng Diyos Ama nang hindi nasasangkot sa ibang gawain. Isinasakatuparan lamang Niya ang isang bahagi ng gawain. Kaya nga tinatawag na “Cristo” ang Diyos nang pumarito sa daigdig. Ito ang nakapaloob na kahulugan. Ang dahilan kaya sinasabi na may kasamang mga tukso ang pagparito ay dahil iisa lamang na proyektong gawain ang isinasakatuparan. Bukod diyan, ang dahilan kaya tinatawag lamang Siya ng Diyos Ama na “Cristo” at “minamahal na Anak” at hindi naipagkaloob na sa Kanya ang lahat ng luwalhati ay mismong dahil dumating ang nagkatawang-taong laman para gawin ang isang proyektong gawain, hindi para kumatawan sa Ama sa langit, bagkus ay upang tuparin ang ministeryo ng minamahal na Anak. Kapag nakumpleto ng minamahal na Anak ang buong utos na natanggap na Niya sa Kanyang mga balikat, pagkakalooban Siya ng Ama ng buong luwalhati pati na ang pagkakakilanlan na Ama. Masasabing ito ang patakaran sa langit. Dahil ang Isa na dumating sa katawang-tao at ang Ama sa langit ay nasa dalawang magkaibang kalagayan, ang dalawa ay nakatitig lamang sa isa’t isa sa Espiritu, sinusubaybayan ng Ama ang minamahal na Anak pero hindi nagagawang makita ng Anak ang Ama mula sa malayo. Dahil ang gamit ng laman ay napakaliit at Siya’y posibleng mapatay anumang sandali, kaya ang pagdating na ito ay sinasabing may kasamang malaking panganib. Katumbas ito ng muling pagpapaubaya ng Diyos sa Kanyang minamahal na Anak at paglalagak sa Kanya sa bunganga ng tigre, kung saan ang Kanyang buhay ay nasa panganib, na naglalagay sa Kanya kung saan nakatuon si Satanas. Kahit sa gayong kahirap na mga kalagayan, iniabot pa rin ng Diyos ang Kanyang minamahal na Anak sa mga tao ng isang marumi at mahalay na lugar para kanilang “palakihin hanggang sa hustong gulang.” Ito ay dahil ito ang tanging paraan upang pagmukhain ang gawain ng Diyos na angkop at natural, at ang tanging paraan upang tuparin ang lahat ng inaasam ng Diyos Ama at isakatuparan ang huling bahagi ng Kanyang gawain sa gitna ng sangkatauhan. Isinakatuparan lamang ni Jesus ang isang yugto ng gawain ng Diyos Ama. Dahil sa hadlang ng nagkatawang-taong laman at ang mga kaibahan sa gawaing dapat isakatuparan, si Jesus Mismo ay hindi alam na magkakaroon ng ikalawang pagbalik sa katawang-tao. Kaya, walang tagapagpaliwanag ng Biblia o propeta na naglakas-loob na ipropesiya nang malinaw na muling magkakatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw, na ibig sabihin, muli Siyang darating sa katawang-tao upang gawin ang ikalawang bahagi ng Kanyang gawain sa katawang-tao. Samakatuwid, walang sinumang nakapansin na matagal nang itinago ng Diyos ang Kanyang sarili sa katawang-tao. Hindi ito nakapagtataka, dahil tinanggap Niya lamang ang tagubiling ito pagkatapos na mabuhay na mag-uli si Jesus at umakyat sa langit, kaya walang malinaw na propesiya tungkol sa pangalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, at hindi ito kayang isipin ng tao. Sa lahat ng maraming aklat ng propesiya sa Biblia, walang salita na malinaw itong binabanggit. Ngunit nang dumating si Jesus para gumawa, mayroon nang malinaw na propesiya na nagsasabing magdadalang-tao ang isang birhen, at magluluwal ng isang anak na lalaki, na nangangahulugang ipinaglihi Siya ng Banal na Espiritu. Gayunpaman, sinabi pa rin ng Diyos na mapanganib ito sa buhay. Kung gayon ano ang sinasabi niyan tungkol sa ngayon? Hindi kataka-takang sinasabi ng Diyos na ang pagkakatawang-tao sa pagkakataong ito ay nagdudulot ng mga panganib na maka-libong higit na matindi kaysa roon noong Kapanahunan ng Biyaya. Sa maraming lugar, nahulaan na ng Diyos ang pagkakamit sa isang grupo ng mga mananagumpay sa lupain ng Sinim. Dahil sa Silangan ng mundo makakamit ang mga mananagumpay, kaya walang duda na tatapak ang Diyos sa Kanyang ikalawang pagkakatawang-tao sa lupain ng Sinim, sa mismong kinapupuluputan ng malaking pulang dragon. Doon tatamuhin ng Diyos ang mga inapo ng malaking pulang dragon upang ito ay lubusang matalo at mapahiya. Nais gisingin ng Diyos ang mga matinding naghihirap na mga taong ito, upang ganap silang gisingin, at upang lumakad sila palabas ng hamog at tanggihan ang malaking pulang dragon. Nais silang gisingin ng Diyos mula sa kanilang panaginip, ipakilala sa kanila ang kakanyahan ng malaking pulang dragon, ibigay ang kanilang buong puso sa Diyos, umahon mula sa pang-aapi ng mga pwersang madilim, tumayo sa Silangan ng mundo, at maging patunay ng tagumpay ng Diyos. Pagkatapos lamang noon matatamo ng Diyos ang kaluwalhatian. Sa dahilang ito, dinala ng Diyos ang gawaing natapos sa Israel sa lupain kung saan namamalaging nakapulupot ang malaking pulang dragon at, halos dalawang libong taon pagkatapos umalis, ay dumating muli sa laman upang ipagpatuloy ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya. Sa paningin ng tao, naglulunsad ang Diyos ng bagong gawain sa katawang-tao. Nguni’t sa Diyos, ipinagpapatuloy Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, na may pagkakahiwalay lamang sa panahon ng ilang libong taon, at may pagbabago lamang sa lokasyon ng gawain at proyekto ng gawain. Kahit na ang imaheng katawang-tao na naibihis na ng Diyos sa gawain ngayon ay ganap na ibang persona kaysa kay Jesus, magkabahagi Sila sa parehong diwa at ugat, at mula Sila sa parehong pinagmulan. Siguro marami Silang panlabas na mga pagkakaiba, nguni’t ang panloob na mga katotohanan ng Kanilang mga gawain ay ganap na magkapareho. Ang mga kapanahunan, pagkatapos ng lahat, ay magkaiba gaya ng gabi at araw. Paano maaaring manatiling di-nagbabago ang gawain ng Diyos? O paano magagambala ng gawain ang isa’t isa?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 6

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger