Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 199

Agosto 2, 2020

Ang Iba’t Ibang Saloobin ng Sangkatauhan Tungo sa Diyos

Kung paano makitungo ang mga tao tungo sa Diyos ang magpapasya ng kanilang kapalaran, at nagpapasya kung paano kikilos at makikitungo ang Diyos sa kanila. Sa puntong ito magbibigay Ako ng ilang halimbawa sa kung paano makitungo ang mga tao tungo sa Diyos. Pakinggan natin ang isang bagay kung ang kanilang mga pag-uugali at mga saloobin na kanilang ikinikilos tungo sa Diyos ay tama o mali. Tingnan natin ang pag-uugali ng sumusunod na pitong uri ng tao:

a. Mayroong isang uri ng tao na ang saloobin sa Diyos ay talagang kakatwa. Iniisip nila na ang Diyos ay kagaya ng isang Bodhisattva o banal na nilalang na mayroong tradisyonal na kaalaman ng tao, at hinihingi sa mga tao na yumuko ng tatlong beses kapag sila ay nagkikita at magsisindi ng insenso pagkatapos nilang kumain. At kaya kung, sa kanilang mga puso, sila ay lubos na nagpapasalamat sa Diyos para sa Kanyang biyaya, at kumikilala ng utang na loob sa Diyos, madalas silang magkaroon ng gayong simbuyo. Pinakananais nila na ang Diyos na kanilang pinaniniwalaan sa araw na ito ay magagawang, kagaya ng banal na nilalang na kanilang hinahangad sa kanilang mga puso, tanggapin ang pag-uugali tungo sa Kanya kung saan yuyuko sila ng tatlong beses kapag sila ay nagkikita, at magsisindi ng insenso pagkakain.

b. Ang ilang tao ay nakikita ang Diyos bilang isang buhay na Buddha na may kakayahang alisin ang lahat nang nabubuhay mula sa pagdurusa, at nililigtas sila; nakikita nila ang Diyos bilang isang buhay na Buddha na may kakayahang agawin sila mula sa dagat ng kapighatian. Ang pananampalataya ng mga taong ito sa Diyos ay ang pagsamba sa Diyos bilang isang Buddha. Bagamat hindi sila nagsisindi ng insenso, kowtow, o nagbibigay ng mga handog, sa kanilang mga puso ang kanilang Diyos ay gaya lamang ng isang Buddha, at hinihiling lamang na sila ay mabait at mapagkawang-gawa, na hindi sila pumapatay ng buhay na nilalang, hindi sumumpa sa iba, namumuhay ng isang buhay na nagpapakita ng katapatan, at hindi gumagawa ng masama—ang mga bagay na ito lamang. Ito ang Diyos sa kanilang mga puso.

c. Sinasamba ng ilang tao ang Diyos bilang isang dakila o bantog. Halimbawa, kahit sa anumang mga paraan naising magsalita ng dakilang taong ito, sa anumang tono siya magsasalita, anong mga salita o bokabularyo ang kanyang ginagamit, ang kanyang tono, ang pagkumpas ng kanyang mga kamay, ang kanyang mga opinyon at mga pagkilos, ang kanyang pakikitungo—ginagaya nila ang lahat ng iyon, at ito ang mga bagay na dapat nilang lubos na mahinuha sa landas ng kanilang paniniwala sa Diyos.

d. Nakikita ng ilang tao ang Diyos bilang isang hari, nararamdaman nila na siya ay nasa ibabaw ng lahat, at walang sinuman ang mangangahas na galitin Siya—at kung ito ay gagawin nila, sila ay parurusahan. Sinasamba nila ang haring iyon sapagkat ang mga hari ay mayroong tiyak na lugar sa kanilang mga puso. Ang mga kaisipan, pag-uugali, awtoridad at kalikasan ng mga hari—maging ang kanilang mga kinahihiligan at personal na buhay—lahat ay naging isang bagay na dapat maintindihan ng mga taong ito, mga isyu at mga bagay-bagay na may kaugnayan sa kanila, at kaya sinasamba nila ang Diyos bilang isang hari. Ang gayong anyo ng pananampalataya ay katawa-tawa.

e. Ang ilan sa mga tao ay may partikular na pananampalataya sa pag-iral ng Diyos, isa na matindi at hindi natitinag. Sapagkat ang kaalaman nila tungkol sa Diyos ay napakababaw at wala silang gaanong karanasan sa mga salita ng Diyos, Siya ay sinasamba nila bilang isang idolo. Ang idolong ito ay ang Diyos sa kanilang mga puso, ito ay isang bagay na dapat nilang katakutan at yukuran, na dapat nilang sundin at gayahin. Nakikita nila ang Diyos bilang isang idolo, isa na dapat nilang sundin sa buong buhay nila. Ginagaya nila ang tono kung paano nagsasalita ang Diyos, at sa panlabas ginagaya nila yaong nagugustuhan ng Diyos. Madalas silang gumagawa ng mga bagay na lumilitaw na parang walang muwang, dalisay, at tapat, at sinusunod pa nila ang idolong ito bilang isang kasosyo o kasamahan na hindi nila mahihiwalayan kailanman. Ang gayon ay ang anyo ng kanilang paniniwala.

f. May ilang tao na, kahit nakabasa na ng marami sa mga salita ng Diyos at nakarinig na ng maraming pangangaral, nadarama nila sa kanilang mga puso na ang tanging panuntunan ng kanilang pag-uugali tungo sa Diyos ay ang palagi dapat silang mababa ang loob at masunurin, kung hindi dapat na parangalan ang Diyos at purihin Siya sa isang paraan na hindi makatotohanan. Naniniwala sila na ang Diyos ay isang Diyos na humihiling sa kanila na kumilos sa gayong paraan, at naniniwala sila na kapag hindi nila iyon ginawa, sa gayon anumang sandali maaari nilang mapukaw ang Kanyang galit o magkasala laban sa Kanya, at bilang resulta ng kanilang pagkakasala parurusahan sila ng Diyos. Ganyan ang Diyos sa kanilang mga puso.

g. At naririyan ang karamihan sa mga tao, na nakasusumpong ng pagkaing espirituwal sa Diyos. Sapagkat sila ay nabubuhay sa mundong ito, sila ay walang kapayapaan at kaligayahan, at saan man ay di sila makahanap ng kaginhawahan. Pagkatapos nilang mahanap ang Diyos, nang kanilang makita at marinig ang Kanyang mga salita, sa kanilang mga puso ay lihim silang nagagalak at tuwang-tuwa. At bakit nagkaganoon? Naniniwala sila na sa wakas ay nakahanap din sila ng isang lugar na makapagdadala sa kanila ng kagalakan, na sa wakas ay nakahanap sila ng isang Diyos na makapagbibigay sa kanila ng pagkaing espirituwal. Iyon ay dahil, matapos nilang tanggapin ang Diyos at nagsimulang sundin Siya, sila ay naging masaya, ang kanilang mga buhay ay natupad, hindi na sila katulad ng mga hindi sumasampalataya, na kampante lamang sa kanilang buhay gaya ng mga hayop, at nadarama nila na mayroon pa silang tatanawing kinabukasan sa kanilang buhay. Kaya, iniisip nila na ang Diyos na ito ay maaaring mapasiya ang kanilang mga espirituwal na pangangailangan at makapagdadala ng malaking kaligayahan sa isip at espiritu. Hindi nila namamalayan, hindi nila magawang iwanan ang Diyos na ito na nagbibigay sa kanila ng pagkaing espirituwal, na nagbibigay ng kagalakan sa kanilang espiritu at sa buong sambahayan. Naniniwala sila na ang paniniwala sa Diyos ay wala ng gagawin maliban sa magbigay sa kanila ng pagkaing espirituwal.

Ang mga saloobin ba sa Diyos nitong iba’t ibang uri ng taong ito ay umiiral sa gitna ninyo? (Umiiral sila.) Kung, sa kanilang pananampalataya sa Diyos, sa puso ng isang tao ay naglalaman ng anuman sa mga saloobing ito, magagawa ba nilang tunay na makarating sa harap ng Diyos? Kung ang sinuman ay magtaglay ng alinman sa mga saloobing ito sa kanilang puso, naniniwala ba sila sa Diyos? Naniniwala ba sila sa natatanging Diyos Mismo? Yamang hindi ka naniniwala sa natatanging Diyos Mismo, sino ang iyong pinaniniwalaan? Kung ang pinaniniwalaan mo ay hindi ang natatanging Diyos Mismo, maaring mangyari na naniniwala ka isang idolo, o isang dakilang tao, o isang Bodhisattva, na ikaw ay sumasamba sa Buddha sa iyong puso. Higit pa rito, maaaring mangyari na naniniwala ka sa isang karaniwang tao. Sa kabuuan, dahil sa iba’t-ibang mga anyo ng paniniwala at mga saloobin ng mga tao tungo sa Diyos, inilalagay ng mga tao ang Diyos ng kanilang sariling palagay sa kanilang mga puso, iginigiit nila ang kanilang kathang-isip sa Diyos, inilagay nila ang kanilang mga saloobin at mga kathang-isip tungkol sa Diyos na nasa tabi ng natatanging Diyos Mismo, at pagkatapos ay itinataas nila ang mga ito upang purihin. Ano ang nangangahulugan kapag ang mga tao ay may gayong hindi angkop na mga saloobin tungo sa Diyos? Nangangahulugan ito na itinakwil nila ang tunay na Diyos Mismo at sinasamba ang isang huwad na Diyos, at nangangahulugan ito na kasabay ng kanilang paniniwala sa Diyos, itinatakwil nila ang Diyos, at sinasalungat Siya, at na itinatanggi nila ang pag-iral ng tunay na Diyos. Kapag ang mga tao ay nanatiling humawak sa gayong mga anyo ng paniniwala, ano ang magiging kahihinatnan para sa kanila? Sa gayong mga anyo ng paniniwala, nagagawa ba nilang mas mapalapit kailanman sa pagtupad ng mga kinakailangan ng Diyos? Sa halip, dahil sa kanilang mga pagkaintindi at mga kathang-isip, ang mga tao ay lalong mapapalayo kailanman sa daan ng Diyos, sapagkat ang landas na kanilang hinahanap ay kasalungat ng landas na kinakailangan sa kanila ng Diyos. Narinig Na ba ninyo ang kuwento “papuntang timog sa pamamagitan ng pagmamaneho sa karuwahe papuntang hilaga”? Maaaring ito ay ang isang kaso ng papuntang timog sa pamamagitan ng pagmamaneho sa karuwahe papuntang hilaga. Kung naniniwala ang mga tao sa Diyos sa isang kakatwang paraan, kung gayon lalo kang magsisikap nang mabuti, mas lalo kang malalayo mula sa Diyos. At kaya ipinapayo ko ito sa inyo: Bago kayo magpatuloy, dapat mo munang maunawaan kung ikaw ay papunta sa tamang landas. Maging asintado ka sa iyong mga pagsisikap, at tiyaking tanungin ang iyong sarili “Ang Diyos ba na aking pinaniniwalaan ay ang Namumuno sa lahat ng mga bagay? Ang Diyos ba na aking pinaniniwalaan ay basta na lang yaong nagbibigay sa akin ng pagkaing espirituwal? Siya ba ang aking idolo? Ano ang hinihingi sa akin nitong Diyos na aking pinaniniwalaan? Sinasang-ayunan ba ng Diyos ang lahat ng aking ginagawa? Ang lahat ba ng aking ginagawa at hinahangad ay sa pagsisikap kong makilala ang Diyos? Ito ba ay batay sa mga kinakailangan ng Diyos sa akin? Ang landas ba na aking tinatahak ay kinikilala at sinang-ayunan ng Diyos? Ang Diyos ba ay nasisiyahan sa aking pananampalataya?” Dapat madalas at paulit-ulit mong tanungin ang iyong sarili tungkol sa mga tanong na ito. Kung nais mong hangarin ang kaalaman sa Diyos, kung gayon ay dapat kang magkaroon ng malinaw na kamalayan at malinaw na mga layunin bago mo palugurin ang Diyos.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger